Toni Gonzaga advises sister Alex to be thick-skinned in facing controversies

"In the next few years, mas maraming masasakit na salita ang matatanggap niya. Kaya sabi ko, magbasa siya ng Bible para may shield siya against that, yun ngang wisdom. Minsan kasi gano'n 'yang si Alex, sasabihin sa akin, 'Ate, ayaw ko nang magtrabaho.' Pero kapag dumating ang paycheck, eto na naman!" says Toni Gonzaga (in photo) about younger sister Alex.


Kasalukuyan nang niluluto ang pelikulang pagsasamahan nina Toni Gonzaga at Robin Padilla para sa Star Cinema. Kaya naman sa presscon ng Shapes, na sila ng kapatid na si Alex Gonzaga ang image models, inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni kung kaya niyang iwasan ang charm ni Binoe, lalo't napaulat na divorced na sila ng asawa nitong si Liezl Sicangco.

"Hindi naman ako nag-aalala na baka pumorma siya or what," sabi ni Toni. "Siyempre bago ko isipin ang mga ganoong bagay, yun munang kung talagang matutuloy ang movie. Baka paganda ako nang paganda, tapos hindi naman pala matuloy, baka ma-shelve.

"Ako, gaya ng sinabi ko, hindi ko naman iisipin 'yan. Ang mas iisipin ko ay yung proyekto, yung pelikula. Para sa akin kasi, malaking bagay ang makatrabaho ko si Robin sa pelikula."

Ginanap ang naturang presscon sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Miyerkules, November 11.

DREAM INTERVIEWEE. Bukod sa pagiging magaling na singer at kuwelang komedyana, matinik din si Toni bilang TV host. Kaya inusisa ng PEP ang versatile na ate ni Alex kung sino sa mga celebrity natin ang pangarap niyang ma-interview sa hinaharap.

"Marami na akong na-interview, pero dream ko talaga si Tito Dolphy," sagot niya. "I admire him sa longevity sa industriya at kung ano ang maipapayo niya para sa mga tulad namin. Gusto ko rin si Pacman [Manny Pacquiao], yung saloobin niya... at napaka-humble niya, e. Masarap kausap ang mga ganoong tao na humble at very inspiring. At siyempre, si Binoe, malapit na."

TONI'S LITTLE SISTER. Tungkol naman sa kapatid niyang si Alex, sinabi ni Toni ang mga ayaw niya rito.

"Bata pa siya, pag nakakatanggap ng paycheck, nagugulat, hindi pa siya masyadong sanay humawak ng pera, e. Kasi nasanay siya na ako ang nagbabayad ng bills niya. Ganito 'yan, sa tuwing uuwi na lang, may bitbit at galing sa mall. Minsan sinabihan ako ng saleslady, 'Buti pa po yung kapatid n'yo bumibili, kayo hindi!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, hindi ako bumibili kung hindi ko kailangan. Kasi siya, impulsive buyer. Kahit hindi kailangan, bumibili. Ako, kailangan lang talaga ang binibili ko, kasi alam kong may mga budget, may limitasyon, may kailangang bayaran. Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya, na hindi araw-araw Pasko, hindi laging ganyan ang estado sa buhay na maraming projects. Kailangang mag-save for the rainy days, para kung walang masyadong project, may makukuha ka. Dapat paghandaan ang future, mga ganoong bagay," saad ni Toni.

Ibinuking din niya ang naging away nila ni Alex kamakailan lang.

"Inaway niya ako, tinext niya talaga ako na 'Bwisit ka talaga!' habang nasa premiere night ako, ha. Imbes na premiere night ang tanggapin ko, 'Bwisit ka talaga, ha! Bwisit ka talaga, yung suot mo sa PBB, nasuot ko na 'yan!' Galit na galit talaga sa akin, hanggang sa umuwi ako to the point na pinasok pa ako sa kuwarto at pinasok pa ako ng mommy ko sa kuwarto para lang talakan. 'Nakakahiya ka, bakit ka nanghihiram?' Sabi ng mommy ko, 'Nakakahiya ka, bakit mo pa isinusuot 'yang damit ng kapatid mo, e, naisuot na pala 'yan ng kapatid mo?'

"Ako naman, hindi ko naman alam. Sa PBB, half body lang naman ang makikita, magde-deliver lang ako ng mga kaganapan, hindi na ako masyadong nag-abala. Sabi ko, 'Ano bang merong damit dito, siyempre nagmamadali na ako. Mabilis lang naman sa PBB, parang two seconds lang, tapos na. Sino ba naman ang makakapansin pa nun? Recently lang 'yan. Kaya asar na asar siya [Alex], kaya dyinombag niya kami ng text," mahabang lahad ni Toni.

SISTERLY ADVICE. Nagkuwento rin si Toni ukol sa isang insidente na napaiyak si Alex sa tindi ng intriga sa showbiz

"Oo, umiyak siya. Eto na naman ako, nagbabasa ng pang-wisdom, maya-maya may kumalabog sa kuwarto ko, umiiyak. Ganito unang pasok niya, 'Ate, hu-hu-hu!' Naapektuhan siya kasi ang sasakit ng sinasabi. Kahit ganyan siya, maingay, masayahin, bilang bago pa lang sa showbiz, pag nakakatanggap ng masasakit na salita ay nasasaktan siya, ang sasama ng sinasabi sa kanya ng fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyong issue sa kanila ni Kim Chiu, sabi ko sa kanya, mag-sorry siya, kalimutan ang kung anuman ang issue. Feeling ko kasi, ang mga fans ngayon, very passionate sa pagmamahal sa mga artista. Naiintindihan ko naman sila at nirerespeto ko ang opinion nila, kasi may fans din ako. Minsan lang nakakasakit, pero hinay-hinay lang. Pero naiintindihan naman namin yung ganoon. E, si Kim, mahal na mahal ko 'yan, kasi galing siya sa PBB. Kaya kahit tinitira rin ako ng fans niya, e, pamilya ko yun, kaya okey lang," pahayag ni Toni.

Bilang nakatatandang kapatid, ano ang sinabi niya kay Alex?

"'Welcome to showbiz, ito yung baptism of fire and along the way, marami pang masasamang masasabi sa 'yo, dapat hindi mo iniiyakan 'yan.' In the next few years, mas maraming masasakit na salita ang matatanggap niya. Kaya sabi ko, magbasa siya ng Bible para may shield siya against that, yun ngang wisdom. Minsan kasi gano'n 'yang si Alex, sasabihin sa akin, 'Ate, ayaw ko nang magtrabaho.' Pero kapag dumating ang paycheck, eto na naman!" natatawang sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN