Jericho Rosales promises not to court any more of his leading ladies

"Lahat ng naging girlfriends ko, leading lady ko, di ba? That's a promise to myself. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ang promise ko, siguro may cut-off," laughed Echo.


Compared sa ibang clothing lines na maraming celebrity endorsers, tanging si Jericho Rosales at Cristine Reyes ang artistang nagpa-plug ng Mint clothing, bagay na nagugustuhan ni Echo.

"Mas masaya, mas focused ang identity, style, mas madali kaming mag-collaborate. Whereas with Bench, marami sila. Although, okey rin naman yung ano nila. Pero gusto ko rin kasi na focus sa 'yo yung sponsor.

"Like now, they asked me if I want to have my own collection. So ako, okey, game, dream come true para sa akin 'yan. So there was just no reason to say no to it. Unang-una, I like Mint dahil medyo nagko-compliment yung style namin."

Meron na ngang Jericho Rosales collection na siya raw mismo ang nag-aaprub ng designs.

"I approve design and, eventually, kapag medyo hindi na ako masyadong busy, may mga designs din akong isa-submit. There are some designs that are waiting."

DATING CRISTINE? Natatawang kinumpirma ni Jericho na nali-link sila ni Cristine.

"Actually, lumalabas kami noong nakaraan, with friends. Magkakilala naman kami, di ba? Magkasama kami sa show dati. Actually, even before the typhoon, kami ang magkasama ng gabing yun."

On a date?

"Hindi mo naman matatawag na date yun... Nagkayayaan lang. It's a big group," paliwanag niya.

"Marami kasi akong kaibigang babae. So, kung sinuman ang kasama kong lumabas, nali-link ako sa kanila, di ba?"

Hindi daw dapat magtaka kung pag-isipang may gusto siya kay Cristine. "Medyo click naman talaga kami. She's beautiful naman. Madali namang ma-attract sa kanya. Pero, pagdating sa relationship, hindi... we're good friends.

"At least for me, I'm trying to know the people I'm with. I go out with [them] at yun lang ang paraan para makilala ko ang isang tao." At the same time, "I'm not closing my doors naman to everyone, with Cristine..."

FRIENDS AT HEART. Ayon kay Jericho ay naka-move on na talaga siya sa breakup nila ni Heart Evangelista. Dahil ba sa nag-uusap na silang muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Moving on in many ways. Naka-move on ako ro'n sa pain, sa loneliness and sadness, but now I can live alone, so, I guess, yeah... yeah..."

Iyong una nilang pag-uusap ni Heart, "closure" ba 'yon or new beginning?

"At least, it's a beginning of friendship. I'm sure one day, magiging magkaibigan din kami. Sabi nga nila kapag ex-ex daw, hindi raw puwede, di ba? For me, sino pa ba ang taong nakakakilala sa 'yo kundi yung naging ex mo, di ba?

"So for me, if there's forgiveness and there's acceptance, then meaning, you can be good friends."

HEART AUCTIONS RING. Sa tingin ni Echo ay hindi naman siguro yung Tiffany ring na galing sa kanya ang pina-auction ni Heart sa Shop and Share. "Well, I never saw the ring," aniya.

Kung yun nga ang pina-auction ni Heart?

"If it's for a good cause, then, go," sabi niya, pero halatang napaisip.

Nasabi ni Heart sa isang interview na feeling daw niya, kung magkabalikan sila, magugunaw ang mundo. Anong masasabi niya rito?

"Baka ang ibig sabihin ni Heart, magugulat lahat ng tao," pagwawasto ni Echo. Sabay tanong na, "Ano ba ang mangyayari kapag nagkabalikan kami...?

"Who knows, anything is possible..." sabi niya.

SELF-IMPOSED BAN. Pero sa ngayon, wala sa pakikipagrelasyon ang focus niya, lalo na ang manligaw ng mga leading ladies niya.

"Lahat ng naging girlfriends ko, leading lady ko, di ba? That's a promise to myself. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ang promise ko, siguro may cut-off," natatawang sabi niya.

So, for the record, wala talaga siyang nililigawan ngayon?

"Wala... promise! You'll see me in, you'll see me out, ang liit-liit ng Pilipinas... Anong gagawin ko kapag meron na akong nililigawan, saan ko itatago yun? Hindi ko maitatago yun. As much as possible, I'm hoping na maybe... yung hindi showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa Clear shampoo ad na pinagsamahan nila ni Dingdong Dantes at Piolo Pascual, hindi niya raw alam kung totoong originally si John Lloyd Cruz ang kinukuha at hindi siya.

Aniya, "I can't comment on that kasi hindi ko alam ang contract niya. I'm sure he's still with Clear. I just don't know with this campaign. Kasi, sa campaign na ito, even Dingdong is bago rin siya sa Clear, di ba?

"When they called me for the project, actually I'm so happy because I have Sunsilk, di ba? And then, I have Clear, so biglang, paano nangyari yun? I am more focused on that miracle."

SAYING NO TO PANDAY. Si Jericho ang gumanap na bida sa TV remake ng Ang Panday noong 2005-2006. Binalak palang kunin siya para sa Panday movie ni Bong Revilla na entry sa 2009 Metro Manila Filmfest. Pero kinailangan niyang ayawan ang role para sa kanya.

"They called [me] for Lizardo for the movie. I was really, what?!" natatawa niyang sabi. Si Lizardo kasi ang lider ng mga kontrabida sa istorya. "As much as I appreciate the movie, I appreciate the offer, getting me, thinking of me or casting me, but I just can't do it.

"I mean, yung Ilocos kasi, nag-shoot kami ro'n and the kids, they know me as Panday, then all of a sudden, they'll see me as Lizardo, so I said, well, thank you but sorry we can't. We find it a little funny, di ba? Pero okey lang.

"I wanna watch the movie because usually naman, noong tinanong ako ng ABS, gusto ko talaga ang Panday for movie. And then they said, TV nga. I think, sobrang hirap ng pinagdaanan namin dahil naging TV show siya at ganoong klaseng concept, ang hirap-hirap. So, I'm very happy with that production at saludo ako kay Senator Ramon Revilla, nagawa niya sa movie yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Could it be dahil hindi pa siya handang lumabas sa character roles?

"Nagkontrabida na 'ko before. Bida-kontrabida, ganun ang ano ko, e. Sayang kasi yung... well, I will play role like that. I will play dark character. Meron akong mga dark character na kailangan kong i-portray, but, I made a promise to myself na kahit anong role na tatanggapin ko, kailangan may value. So, sayang kasi, e.

"For example, I made a movie for six months. So, that's six months of my life, tapos walang redeeming value. Sayang, di ba?"

CAREER ON THE UPSWING AGAIN. Supposedly, kasama daw sana siya sa Mano Po 6 kunsaaan may cameo role siya as the young Christopher de Leon, pero dahil busy siya sa taping ng Dahil May Isang Ikaw, hindi ito natuloy.

May panahon na medyo humimlay ang career ni Echo. Sa tingin ba niya ay nakabalik na siya sa dati niyang posisyon sa showbiz?

"Well, a lot of good things are happening talaga. God is good. I'll just give Him back the glory talaga. That's all I can say talaga. I'm very ano now, e, relaxed ako. So, medyo nandoon ako that I can feel the energy sa career. It's doing really well and I'm really enjoying it."

Ang Dahil May Isang Ikaw ay hanggang January pa raw. After that, he'll be doing a movie for Star Cinema and another soap opera. Magkakaroon din daw siya ng mini-concert sa January and a major concert in February 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN