"Ding" meets "Santino" in TV commercial

Only kids could have pulled this off. Rival child stars Robert "Buboy" Villar of GMA-7 (right) and Zaijan Jaranillaof ABS-CBN share the spotlight to promote a powdered chocolate drink.


Marami ang natuwa at nakukyutan sa TV commercial ng dalawang sikat na batang lalake ngayon sa telebisyon na sina Robert "Buboy" Villar at Zaijan Jaranilla.

Kilala si Buboy bilang Ding sa top-rating telefantasya ng GMA-7 na Darna. At sino naman ang hindi nakakakilala sa tinaguriang "Miracle Boy" ng ABS-CBN na si Zaijan, na gumaganap na Santino sa hit drama series May Bukas Pa?

Kahit magkatapat ang mga shows nila, nagawan ng paraan na mapagsama ang dalawa sa isang nakatutuwang TV commercial para sa Bear Brand Choco.

Kapansin-pansin sa naturang TV commercial ang magkaibang personalidad nina Buboy at Zaijan. Kitang-kita ang pagiging bibo at makulit ni Buboy samantalang tahimik naman at masayahin si Zaijan. Kumbaga, Ding meets Santino ang nangyari kaya ang lakas ng recall ng kanilang TV commercial.

Hats off kami sa nakaisip na pagsamahin sa isang commercial ang dalawang sikat na bata. Patunay lang na bale wala sa edad nila ang ongoing network war ng GMA-7 at ABS-CBN.

Sabi nga, kung mga teen stars ang kinuha ng advertising agency ng produkto, sangkatutak na pag-uusap at negosasyon ang magaganap dahil kailangang may lumabas na bida at mas malaking exposure ang isa sa kanila.

Mabuti na lang kina Ding at Santino, walang umastang big star habang ginagawa ang kanilang cute na commercial.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN