Cesar Montano holds his first one-man exhibit at Ayala Museum

"I paint mostly as a hobby in the beginning. My favorite subjects are mostly trees, flowers, nature. This is what the public will be seeing in this exhibit. Pero itong mga nandito, ito yung ginawa ko from 2007 to 2009. Ang bulk nito ay from 2009. Itong lahat ng narito, 48 lahat ito, e. Pero marami pa doon sa bahay. Kasi ito lang yung kakasya rito," says Cesar Montano about his first art exhibit.


Bukod sa pagiging artista, TV host, singer at direktor, marami rin ang nakakaalam sa pagiging pintor ni Cesar Montano. Sa katunayan ay nakasali na nga siya sa ilang group art exhibits. Ilan din sa kanyang mga obra ay naka-display sa kanyang mga bahay sa Quezon City at sa Bohol, maging sa dingding ng pag-aari niyang Italian restaurant na Bellissimo Ristorante sa Tomas Morato, Quezon City. Ilan sa mga malalapit niyang kaibigan ang nakatanggap na rin ng art pieces bilang regalo.

Dahil na rin sa dami ng kanyang mga nagawang paintings ay nagdesisyon si Cesar na maglunsad ng kanyang kauna-unahang solo art exhibit, Montano: The First Impression, na nagkaroon ng inaugural launch noong Sabado ng gabi, November 14, sa 2nd floor Glass Wing ng Ayala Museum, Greenbelt Park, Makati City. Ongoing ang exhibit hanggang November 29.

Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dami ng mga taong pumunta sa launch at naka-appreciate sa mga obra ni Cesar. Tuwang-tuwa nga si Cesar dahil nang gabing iyon ay nakabenta sila ng limang paintings at marami rin ang nagpa-reserve.

"Siyempre, happy ako kasi ang daming nagpuntang mga kaibigan natin from different parts of the society. May mga nabenta na rin kami. Ito naman, hindi naman ito para sa akin lang, e. Ang maganda rito, lahat ng kikitain sa exhibit na ito ay mapupunta sa binuo naming Panaghoy Children Foundation Inc., na may layuning tulungan ang mga kabataang taga-Bohol na mahihirap para sila'y makapag-aral," paliwanag ni Cesar nang ma-interview siya ng PEP.

Isa sa mga bumili ng painting ni Cesar ay ang business tycoon na si Don Jaime Zobel de Ayala, na natipuhan ang oil canvas painting na may pamagat na "Farmland." Nakuha ni Cesar ang inspirasyon dito mula sa kanyang payak na buhay noon sa Bohol. Dinig namin ay nabili ito sa halagang isang milyong piso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan ba nagsimula si Cesar sa pagpipinta?

"It started in 1992," pagbabalik-tanaw niya. "I paint mostly as a hobby in the beginning. My favorite subjects are mostly trees, flowers, nature. This is what the public will be seeing in this exhibit. Pero itong mga nandito, ito yung ginawa ko from 2007 to 2009. Ang bulk nito ay from 2009. Itong lahat ng narito, 48 lahat ito, e. Pero marami pa doon sa bahay. Kasi ito lang yung kakasya rito."

Inspirasyon din ni Cesar sa ilan pang art pieces na naka-display ang kanyang asawang si Sunshine Cruz, na present sa launch, at ang mga anak nilang sina Angelina Isabelle, Samantha Angelene, at Angel Francesca. Sa katunayan ay nakapangalan ang ilang flower paintings sa mga ito.

"Yes, my wife and my kids are the flowers of my life. Sila ang mga beauties sa buhay ko. And I'm always inspired because of them," sabi pa ni Cesar.

Ayon pa kay Cesar, sa mura nilang edad ay tinuturuan na niyang magpinta ang kanyang mga anak.

"Marunong na rin kasi silang mag-appreciate ng beauty. Mabuti na yung hangga't maaga ay nae-expose sila. Gusto rin naman nila, e. Hindi ko naman sila pinipilit."

NINOY FILM. Samantala, tuluy-tuloy na ang pagkandidato ni Cesar bilang governor ng Bohol sa 2010 elections. Tatakbo siya sa ilalim ng Liberal Party, na partido rin ni presidentiable Noynoy Aquino.

"Oo, kasi I'm the provincial chairman of Liberal Party in Bohol," sabi niya.

Matagal na rin daw close si Cesar kay Noynoy dahil palaging kumakain sa restaurant niya ang Senador.

"Naku, palagi 'yang si Noynoy! Pag nandun siya, lagi akong tinatawagan. Ako ang pinapupunta. Ako ang mistulang servant nila doon, tagasilbi. Ako at saka si Angelo at si Angela [mga anak ni Cesar sa unang asawa]," kuwento niya.

Napag-usapan na ba nila ni Noynoy ang tungkol sa Ninoy film na balak niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, sinabi na namin sa kanila. But I think nagagawa na yata yung sa kanila [version of Star Cinema and a Hollywood film company]. I don't know kung paano yung approach nila. But between me and Director Marilou Diaz-Abaya, who created Jose Rizal and Muro-ami, meron kaming script na sarili. I don't know kung papalarin at ia-allow ng Diyos na magagawa namin ito. Well, ako, excited pa rin ako. Matuloy o hindi, basta ako excited na magawa ito," saad ni Cesar.

Iba ba itong film na ito sa pelikulang ikinukuwento ni Kris Aquino?

"Definitely iba. Kasi ang sumusulat mismo nitong sa amin ay si Direk Marilou Diaz-Abaya."

Naging usap-usapan nga ang pagsasapelikula ng buhay ng bayaning si Ninoy Aquino, lalo na noong yumao ang kabiyak nitong si dating Pangulong Cory Aquino. Noong una ay naging open ang anak nilang si Kris na ang gusto nilang gumanap as Ninoy during his early political days ay si Piolo Pascual. Posibleng si Aga Muhlach naman daw noong nasa kulungan na hanggang sa assasination. Hindi ba nasaktan si Cesar na hindi man lang nabanggit ni Kris ang pangalan niya?

"No, hindi naman," sagot ni Cesar. "E, kasi it's not my property, it's their property. We have to respect kung sino yung gusto nilang mag-portray niyan. Ako, papanoorin ko yun, susuportahan ko yun kasi it's a Ninoy story at dapat mapanood at magawa lang talaga."

Pero sa recent interviews kay Kris ay sinabi nito na payag na rin daw silang gumanap na Ninoy si Cesar at gawin ang life story nito. Ano naman ang comment ni Cesar dito?

"Naku, kung ako na, maraming salamat. Anytime gagawin ko basta maluwag ang schedule at meron nang magpo-produce. Maraming salamat po. I really appreciate it and it's going to be a great honor for me na magawa iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN