Jef Gaitan admits fellow Survivor castaway Marvin Kiefer is now her boyfriend

"We're okay at kami na nga. I'm not ashamed to say that. Nasabi na rin 'yan ni Marvin noong magkaroon kami ng reunion episode for Survivor Philippines: Palau. Sa totoo lang, nagulat ako noong aminin niya on public television. I didn't expect that coming from him, kaya heto at kinu-confirm ko rin," says Jef Gaitan about boyfriend Marvin Kiefer.


Magtutuluy-tuloy na sa pagpasok sa showbiz ang Survivor Philippines: Palau castaway at napasama sa Final Three na si Jef Gaitan. Kinuha na siya ng Viva Artist Agency as a contract artist, at co-managed din siya ng GMA Artist Center.

Natuwa si Jef sa mabilis na pangyayaring ito sa buhay niya pagkatapos ng mga pinagdaanan niya sa reality show ng GMA-7.

"Masaya ako kasi ito naman ang gusto kong maging next step sa career ko. Matagal na akong nasa mundo ng modeling. I've done a lot of TV commercials and print ads since I was 16 years old. It's time na rin to move on to the next level. Naging daan ang Survivor Philippines: Palau na matupad ang mga pangarap ko ngayon," nakangiting pahayag ni Jef nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Showbiz Central kahapon, November 15.

THE REAL SCORE. Hindi naman itinago si Jef ang katotohanan sa relasyon nila ng kapwa niya castaway na si Marvin Kiefer. Two months na raw silang may relasyon at kaka-celebrate lang nila ng kanilang second monthsary ngayong November.

"Nagsimula ang relationship namin na seryoso last September lang," banggit ni Jef. "Pero ang hindi kasi alam ng marami, matagal na kaming magkakilala ni Marvin. We met five years ago pa when we were both doing commercials. Iisa lang kasi ang agency namin at madalas kaming magkita sa casting. I was 16 or 17 that time, at Marvin was like 14 or 15 lang.

"May attraction na kami noon pa man, pero he was younger than me and awkward ang situation namin. Then, biglang hindi na lang kami nagkita nang matagal. As in, after four years na ulit kami nagkita at dito pa sa Survivor Philippines. Sa airport ulit kami nagkita noong papunta pa lang kaming lahat to Palau. Pero hindi kami nakapag-usap kasi bawal pa kaming mag-usap talaga, not until makarating kami sa island.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So noong magkaroon nga ng chance na magkasama kami sa isang tribe [Koror], doon na kami parang nag-catch up sa isa't isa. Marvin naman is such a sweet person. He's so malambing and such a gentleman. Any girl naman talaga would fall for his personality and charm."

VOTING OFF MARVIN. Inamin din ni Jef na sumama ang loob sa kanya ni Marvin nang isa ito sa mga nag-vote out sa kanya sa game. Sabi ni Jef, masakit man sa loob niya ang isulat ang pangalan ni Marvin, kailangang may mapatunayan siya sa mga taong nagsasabing hindi niya kayang iboto si Marvin.

"Mahirap para sa akin na gawin 'yon," sabi ni Jef. "Alam ko na magagalit sa akin si Marvin. Pero it was my way to prove na nakikisama ako sa kanila. Lagi nila akong sinasabihan na hindi ko naman daw kaya isulat ang name ni Marvin kasi mahal ko daw yung tao. Mas nananaig daw ang emotion sa akin kesa utak.

"Nahe-hurt ako sa mga sinasabi nilang 'yon sa akin, pero tahimik lang ako. So I have to weigh things para sa ikatatagal ko sa island. Kung emotions nga ang paiiralin ko, hindi ko masusulat ang name ni Marvin. Kaya utak ang ginamit ko. Nakisama ako sa pagtanggal sa kanya. Kahit masakit, ginawa ko and true enough, Marvin really got pissed off sa akin dahil ako raw ang huling taong ini-expect niyang ibo-vote out siya."

After ng huling Tribal Council at na-cast na ang huling boto, matagal daw bago nagkausap sina Jef at Marvin. Ayaw naman daw ni Jef na siya ang maunang makipag-usap kay Marvin dahil may pride pa rin naman daw siya bilang babae.

"Oo naman, di ba?" malakas na tawa niya. "Kahit papa'no naman, ako pa rin yung girl. Ang sa akin naman, kung ayaw, okey lang. I won't initiate the first move kasi baka ako pa ang mapahiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong makabalik nga kami ng Manila, Marvin didn't call or text me. Alam ko naman ang rason and I expected that to happen. Pero noong lumalabas naman kaming lahat, kasama si Marvin, but we don't talk. Magkaiba kami ng sides ng table sa restaurant. Talagang kahit bumati, wala.

"Then one day, nag-text siya. Sinasagot ko naman. Paunti-unti na-build ulit yung pagkakaibigan namin. Until nga noong na-launch ang Survivor Philippines: Palau, okey na kami no'n. Nagkakausap na kami at lumalabas na. Kumbaga, all is forgiven and he realized nga na it's just a game na we were all playing. Nahaluan daw kasi niya ng matinding emotion kaya nahirapan siyang tanggapin iyon.

"But now, we're okay at kami na nga. I'm not ashamed to say that. Nasabi na rin 'yan ni Marvin noong magkaroon kami ng reunion episode for Survivor Philippines: Palau. Sa totoo lang, nagulat ako noong aminin niya on public television. I didn't expect that coming from him, kaya heto at kinu-confirm ko rin."

A STRONGER PERSON. Marami nga raw ang naging pagbabago kay Jef after the show at mas natuto raw siyang magdesisyon na para sa sarili niya.

"The show made me a stronger person. Noon, I admit na may weak character ako. Masyado akong emotional talaga. Kapag nag-rule na 'yan sa akin, wala na akong naiisip na maayos. Iiyak na lang ako talaga.

"But what happened sa akin, most especially sa last night namin kung saan ako talaga ang naging target ng halos lahat ng nasa Jury, doon tumibay ang damdamin ko. I would normally cry agad, pero that night, napigil ko siya at sumagot ako nang maayos.

"Siguro nga, I learned from the people who were with me during the 39 days, lalo na with Justine [Ferrer] and Amanda [Colley Van Cooll]. Sa kanila ko nakita ang tatag ng loob. Though makikita mo silang lumuluha, still, ramdam mo na firm sila at hindi sila basta nag-break down. Kaya bow ako sa pinakita nina Justine and Amanda for making me the person that I am now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can say na nahawa ako sa lakas nila and I am applying that sa buhay ko ngayon. Especially na papasukin ko na ang showbiz, kailangan mas matatag ang dibdib ko sa lahat ng mangyayari sa akin," saad ni Jef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN