YouTube video shows Manny Pacquiao inside his car with a mysterious woman

A YouTube video clip shows newly crowned World Boxing Organization (WBO) welterweight champ Manny "Pacman" Pacquiao inside his car with a woman covering her face with her hand after his guesting at Jimmy Kimmel Live.


Sa kainitan ng intrigang pagli-link sa aktres na si Krista Ranillo sa Pambansang Kamao at bagong World Boxing Organization (WBO) welterweight champion na si Manny "Pacman" Pacquiao, isang YouTube video clip link ang na-email sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang PEPster.

Ito ay ang video clip na kuha ng YouTube user na si celebritynationVids. "Manny Pac Man Paquiao leaves Jimmy Kimmel Live" ang title ng video clip na nagpapakita sa Pambansang Kamao habang papaalis ng compound ng studio ng Jimmy Kimmel Live, sakay ng kanyang itim na Mercedes Benz Kompressor. (CLICK HERE to see Manny's Jimmy Kimmel Live appearance.)

Sa naturang video, makikitang dahan-dahang lumalabas ng compound si Manny habang humahawi naman sa mga naghihintay na fans at paparazzi press ang mga plainclothes security men ng studio.

Reklamo ni celebritynationVids sa kanyang description sa tabi ng video clip, ni hindi man lang daw huminto si Manny para makipagkamay sa mga naghihintay sa kanyang fans. May dala-dala pa naman daw na items for autograph ang fans.

Pero hindi sa di pagpansin ni Pacman sa fans napukaw ang atensiyon ng viewers ng video. Makikita rin kasi sa video na may kasamang babae sa loob ng kanyang kotse si Manny. Ang nakaintriga sa viewers, tinatakpan ng kamay ng babae ang mukha nito, na tila itinatago ang sarili sa mga taong naroroon. (CLICK HERE to see video.)

Sa Comments section tuloy ng video page na ito ng YouTube, mababasang higit sa sampung beses na nabanggit ang pangalang "Krista" na pinaniniwalaan nilang pangalan ng kasama ni Manny sa loob ng kotse, at ang pag-aakusa ng mga nagkomento sa diumano'y pambababae ni Pacman.

May ilang nagkomento rin tungkol sa muling pagpasok sa pulitika ng Pinoy boxing champion—na tatakbong congressman sa Saranggani Province sa 2010 elections—pero higit na marami ang tumutuligsa sa pagkakaroon diumano ng affair ni Manny sa itsinitsismis dito ngayon na si Krista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang may mga tsismis na ilang araw matapos dumating ni Manny at ng kanyang team sa Las Vegas ay dumating naman doon si Krista kasama ang pamilya nito.

November 3 nang mag-guest si Manny sa Jimmy Kimmel Live, na ang studio ay nasa Los Angeles. Ito rin ang araw ng pagkaka-upload ng YouTube video ni Manny at ng babae sa loob ng kanyang kotse.

Ayon sa ilang sources, noong November 1 dumating si Krista sa Los Angeles. November 9 naman lumipad papuntang Las Vegas ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

Hanggang ngayon ay wala pang gustong magsalita alinman sa kampo nina Manny, Krista, at Jinkee upang linawin ang mga nagsisilabasang reports tungkol diumano sa affair nina Manny at Krista. Isa na nga rito ang balitang nag-dedmahan daw sina Jinkee at Krista nang magkita sila sa Las Vegas.

Nag-away rin daw sina Manny at Jinkee bago ang laban ng Pambansang Kamao kontra kay Miguel Cotto. Nalaman daw kasi ni Jinkee na pinuntahan ni Manny si Krista sa hotel room nito noong bisperas ng kanyang laban.

Hindi rin nagpa-interview si Jinkee sa media na nasa Las Vegas kaya hindi tuloy malaman kung ano ang tunay na saloobin nito. Tikom din ang bibig ni Manny tungkol sa bagay na ito. Bagamat magkasama ang mag-asawa sa Thanksgiving Mass para sa panibagong tagumpay ng Pambansang Kamao isang araw pagkatapos ng kanyang laban.

Hangga't walang nagsasalita sinuman kina Manny, Jinkee, at Krista ay mananatiling espekulasyon at haka-haka ang mga balita tungkol sa pakikipagrelasyon diumano ni Manny kay Krista. Pero dahil walang umaamin at nagdi-deny sa puntong ito, ipinagpapalagay ng iba na may bahid nga ng katotohanan ang isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN