Vina Morales refuses to talk about private issues with the father of her child

"Right now, kung anuman ang pinagdadaanan namin, I'd rather not talk about it because it's too personal and hindi naman siya showbiz. For now, we're always there, we're always here for Ceana and okay naman kami," says Vina Morales about her relationship with Cedric Lee.


After giving birth to daughter Ceana, umugong agad ang balita na nagkakalabuan at nauwi na raw sa hiwalayan ang relasyon ni Vina Morales at ng ama ng kanyang anak si Cedric Lee.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Vina sa Star Magic World Tour last Friday, November 13, ay inamin nito na tila may problema nga sila ngayon ni Cedric.

"Alam mo, away-bati naman kami, e," sabi ng actress-singer. "Right now, kung anuman ang pinagdadaanan namin, I'd rather not talk about it because it's too personal and hindi naman siya showbiz. For now, we're always there, we're always here for Ceana and okay naman kami."

Nasa plano na ba ni Vina ang pagpapakasal?

"Lahat naman siguro, di lang babae pati lalake, ganun ang gusto, di ba?" sagot ni Vina. "All of us want to settle down. But you know, hindi 'yan ang priority ko. My priority is Ceana. I'm just happy that I was given the chance na ma-experience yung motherhood, so nakatutok ako kay Ceana talaga."

Nakita na ba niya ang lalaking gusto niyang pakasalan?

"Kung nakita ko na ba ang gusto kong pakasalan?" ulit niya sa tanong. "Parang teka lang, tatanungin ko muna ang anak ko kung sino ang gusto niya paglaki-laki niya!" tawa niya. "Siyempre, who doesn't want to end up with someone na mamahalin mo at mahahalin ka rin at maglalakad ka sa simbahan? Maybe someday, in God's time."

Bagama't hiwalay na si Cedric sa asawa nito, hindi pa annulled ang kanilang kasal.

Masaya namang nagkuwento si Vina ng experiences niya as a mom at kung anu-ano ang mga nabago sa kanya.

"She's six months old na, ang bilis lumaki ng baby!" bulalas niya. "My God, I can't believe na nakikipag-interact na siya sa akin this time. Kasi before, wala lang, kasi wala siyang ginawa kundi matulog, I'm just taking care of her. But now, she interacts with me. 'Saka ako kasi, hands-on mom, but I'm sure kung magakakroon ako ng more projects, isasama ko naman siya wherever I go. Yun nga lang, yung mga tours ko, hindi ko alam kung paano ko gagawin, maybe I'll go back and forth na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can say na mas positive ang outlook ko sa buhay ngayon. I'm more thankful sa mga nangyayari sa buhay ko. Kung anuman ang mga pinagdaanan ko sa buhay ko, okey lang, lahat naman tayo dumadaan sa mga ganyan, lahat naman tayo may mga trials sa buhay. But all in all, nagbago ako. I became a better person, mas naging positibo ako sa mga nangyayari sa buhay ko, mas blessed," saad ni Vina.

ROBIN PADILLA. Ayaw namang magbigay ng reaksiyon si Vina nang tanungin tungkol sa balitang dalawang taon na palang hiwalay si Robin Padilla sa asawa nitong si Liezl Sicangco. Naging boyfriend ni Vina noon si Robin.

"Actually, I was surprised when I heard about it. Napanood ko lang siya sa TV," aniya. "I don't want to comment because in the first place, hindi ko pa siya nakakausap. Baka mamaya hindi naman din totoo because it wasn't really coming from him.

"But if it's true, I feel bad. But as long as they're both okay... May kanya-kanya silang buhay, so I'm not in the position to say anything kung bakit ganun ang nangyari. Sa buhay naman, hindi natin masasabi, hindi natin alam who are we gonna end up with. I just hope everyone is okay."

Naging very successful ang mga pelikulang pinagtambalan nila ni Robin noon. Bukas kaya si Vina to work with Robin again, lalo't bali-balita na babalik na sa bakuran ng ABS-CBN ang aktor?

"Definitely, if there's an opportunity for us to work again, bakit naman hindi? It's been how many years na hindi kami nakapagtrabaho uli. When I saw him lang after a long time, medyo nakakapanibago because ang tagal, years yung gap na hindi kami nagkita and then, biglang nagkausap uli. Parang ang dami naming napag-usapan even for a short time.

"Nagkita kami because pareho kaming nag-guest sa Wish Ko Lang! [GMA-7 show]. May isang bata na favorite kaming dalawa and after that, hindi ko na siya nakita. Now he's back with ABS na rin, I'm sure I'm gonna see him all the time dito sa studio," sabi ni Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN