Ogie Alcasid is genuinely happy that ex-wife Michelle Van Eimeren is marrying again

"When I see her with Mark, I can tell her na papunta sila dun. I can tell and it's just a matter of time before they settle down," says Ogie Alcasid about the wedding of his ex-wife Michelle Van Eimeren and her fiancé Mark Murrow on November 21.


Inilunsad na kahapon, November 17, ang fund-raising project ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM), ang CD ng Kaya Natin Ito, sa pangunguna ng composer ng kanta na si Ogie Alcasid. Eighty-four OPM artists ang sama-samang kumanta ng "Kaya Natin Ito" at ibinigay nila ang kanilang serbisyo for free. Ire-release ng Universal Records ang naturang CD.

Kasabay ng release ng Kaya Natin Ito CD ngayong Linggo, November 22, ay ilu-launch din ang music video nito simultaneously sa ASAP '09 ng ABS-CBN at SOP Fully Charged ng GMA-7.

Magkakaroon din ng concert, na pinamagatang Pilipino: Kaya Natin Ito, sa Mall of Asia on December 5. Ang proceeds ng CD at ng concert ay mapupunta sa Gawad Kalinga upang tulungan ang mga biktima ng sunud-sunod na bagyong dumating sa Pilipinas noong Setyembre at Oktubre.

"I hope that we can raise a lot of money," sabi ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Marami na raw nagkumpirmang artists na magpe-perform sa concert. pero hindi nga lang makakasama ang girlfriend ni Ogie na si Regine Velasquez dahil may show ang Asia's Songbird sa gabing 'yon.


MICHELLE'S WEDDING. Hindi naman maiwasang itanong kay Ogie ang tungkol sa nalalapit na kasal ng dating asawa niyang si Michelle Van Eimeren sa Australian boyfriend nito na si Mark Murrow. Sa katunayan, ngayong araw, November 18, ay lilipad sina Ogie at Regine papuntang Australia para sa kasal nina Michelle at Mark sa Sabado, November 21.

Parehong may participation sina Ogie at Regine sa kasal nina Michelle at Mark. Si Ogie ang magiging host sa reception at kakanta naman si Regine sa mismong wedding. Aawitin ng Asia's Songbird ang favorite song ni Michelle na "And I Love You So," na kabilang sa album ni Regine na Low Key.

Pero hindi ba nakakailang na siya ang maghu-host sa reception ng kasal ng dati niyang asawa?

"Hindi naman, hindi naman," sagot ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling kakanta siya, ano ang kakantahin niya sa wedding ng ex-wife niya?

"Siyempre, Tagalog, yun ang isinusulat ko. I don't know... I'd like to sing maybe an inspirational song. Maybe 'The Prayer' to bless their marriage, something like that."

It seems too good to be true ang naging resulta ng hiwalayan nina Ogie at Michelle dahil nananatili silang matalik na magkaibigan.

"You know why? Because we are very good people," nakangiting sabi ni Ogie. "It just so happened that our marriage didn't work out. We realized, what's important is we became very good parents to our children. And of course, in doing that, we became better friends. So, I'm very happy that they are like that. But I've always known that they would be that way."

Pero ano ang nararamdaman niya ngayong ikakasal na si Michelle sa ibang lalake?

"You know, when I first found out that Michelle was gonna get married, I cried. Because when Mark proposed to her, they were in Europe at that time, tapos tinawagan nila ako. I was playing golf. I was about to hit my ball and I said, sabi ko [to his golfmates], 'Guys, mauna muna kayo.' I can't concentrate. I was so happy because she was so happy and I was so happy for her," lahad ni Ogie.

Ilang taon ding nagsama bilang mag-asawa sina Ogie at Michelle. Sabihin man na may kanya-kanya na silang karelasyon at buhay ngayon, wala ba siyang nararamdaman kahit kaunting selos na magpapakasal na muli si Michelle?

"No, no... You know, it may sound strange, but I think she looks at me as a brother. The same way with her."

Dugtong niya, "When I see her with Mark, I can tell her na papunta sila dun. I can tell and it's just a matter of time before they settle down."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang maipapayo niya kina Michelle at Mark para hindi magkulang sa marriage nila gaya ng nangyari sa kanila ng dating asawa?

"I don't know," sagot ni Ogie. "The way I see them, I think they are wonderful parents, they are perfect parents. I'll just pray for them that they continue to love each other and eventually become a happy family, which they are already."

Pero kakausapin ba niya si Mark kung ano ang naging kulang noong time nila para maiwasan nito, if ever?

"No, no... that's not my place. The way I know Mark... Alam mo, he's a really great guy and we respect each other very much. Pagdating sa mga ganyan, alam na niya yun," saad ni Ogie.

Tumanggi namang magsalita si Ogie nang tanungin kung papayag siyang ampunin ni Mark ang kanyang mga anak kay Michelle.

"I cannot talk about it now," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN