Manny Pacquiao on rumored affair with Krista Ranillo: "No comment."

Filipino boxing champ Manny Pacquiao still keeps mum about the rumor linking him to actress Krista Ranillo (inset, bottom). Although Manny neither confirmed nor denied the issue, his wife Jinkee Pacquiao (inset, top) is obviously upset.


Ayaw pa ring magsalita ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kaugnay ng mainit na pinag-uusapang relasyon diumano nila ng aktres na si Krista Ranillo. Bagamat nagpaunlak siya ng interview, hindi pa rin direktang itinanggi o inamin ni Manny kung totoo nga bang may namamagitan sa kanila ng anak ng aktor na si Mat Ranillo III.

"No comment ako about that issue," sabi ni Manny sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo sa Las Vegas para sa TV Patrol World. Ipinalabas ang naturang interview kagabi, November 17.

Ayon pa sa world champion, "Tahimik lang ako, bahala silang magkuwento, yung mga tao. Alam mo yung mga tao... Siguro kaya hindi tayo umaasenso dahil [pinapakialaman] yung personal na buhay ng iba. Sa akin, siguro pagtuunan nila ng pansin yung dapat trabahuhin, hindi yung buhay ng may buhay, yung private life..."

Nakiusap din si Manny na ituon na lang sana ng mga tao ang kanilang atensiyon sa bagong karangalang ibinigay niya para sa ating bansa. Tinalo ng Pambansang Kamao ang Puerto Rican Miguel Cotto sa kanilang 12-round fight noong Linggo, November 15 (Manila time), sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

"Sana i-honor nila yung nagawa ko, na-achieve kong achievement para sa ating mga Pilipino. Like what I said, alisin muna natin yung tinatawag nating crab mentality. Nakikiusap ako sa inyong lahat na iwasan muna natin 'yon at magkaisa tayo para masaya tayong lahat," saad ni Manny.

JINKEE BREAKS DOWN. Hindi man aminin ni Manny na may pinagdadaanan silang problema ngayon ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao, halatang-halata ito sa Thanksgiving Mass na isinagawa para sa pagkapanalo ni Manny noong November 16 (Manila time), sa Las Vegas.

Sa kalagitnaan kasi ng Homily, kung saan ang topic ay tungkol sa pag-ibig at pamilya, hindi napigilan ni Jinkee na mapaiyak. Imbes na kay Manny siya sumandal kahit magkatabi sila ay sa isang kaibigan niyang babae siya humingi ng comfort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kitang-kita rin sa kamera na sinubukan ni Manny na aluin si Jinkee, na wala pa ring tigil sa kakaiyak, pero iniwas ng maybahay ng boksingero ang kanyang mga kamay. Dahil dito, ang ina ni Manny na si Mommy Dionisia na lang ang yumakap sa kanyang anak.

Kagabi naman sa SNN, pagkatapos ipalabas ang interview ni Manny at ang eksena sa Thanksgiving Mass, sinabi ng co-host ng programa na si Kris Aquino na nagkausap sila ni Jinkee tungkol dito. Ayon kay Kris, sinabi niya kay Jinkee na marami ang nakapanood sa pag-iyak niya habang nagsesermon ang pari. Sagot naman sa kanya ni Jinkee, alam daw niya na may nakatutok na kamera sa kanya, pero hindi raw niya napigilan ang kanyang sarili.

Bukod dito ay hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Kris.

JUST "CLOSE FRIENDS." Samantala, ayon naman sa manager ni Krista na si Arnold Vegafria sa ibang media, "close friends" lang ang kanyang alaga at si Manny. Hindi rin daw maiiwasan na ma-link si Manny kay Krista dahil may ginagawang pelikula ang dalawa.

Kinumpirma rin ni Arnold na totoong nagpunta ng Las Vegas si Krista para magbigay ng suporta para kay Manny. Aware din daw ang kanyang alaga sa intriga sa kanila ni Manny ngunit tinatawanan lang daw ito ng aktres.

"Sabi niya sa akin, Manny is a married man and hindi siya puwedeng makisali sa ganoon, hanggang friends lang," sabi ni Vegafria sa isang panayam.

Idinagdag din ng manager ni Krista na single ngayon ang kanyang alaga dahil nakipag-break na ito sa kanyang boyfriend, ang Kapuso director na si Dominic Zapata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN