Carla Abellana debunks reports that she reconciled with an ex-boyfriend

"No bikinis, not even a one-piece. Sa shorts nga lang conscious na ako. I come from a conservative family. Promise ko 'yan sa sarili ko and to my dad and lola [Delia Razon], na never kong gagawin 'yan," says Carla Abellana about not wearing skimpy outfits in her projects.


May balitang kumakalat na meron daw ex-boyfriend na doktor ang aktres na si Carla Abellana at nagkabalikan diumano ang dalawa kamakailan. Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carla tungkol dito, natawang nagulat ang star ng Rosalinda.

"Wow, how I wish!" sambit niya. "Hindi lang 'yan, meron daw akong ex na pilot daw, meron akong ex na steward daw... Marami, the list goes on!"

Nakakatawa nga raw dahil hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend na doktor.

"Nope! Ewan ko, may nagkakalat lang. Ganun naman talaga, e."

Ano ang message ni Carla sa mga nag-iimbento ng kuwento tungkol sa kanya?

"Wala, okay lang," sagot niya. "Maganda yung natutuwa kayo sa ginagawa ninyo, wala naman akong magagawa."

Pero hindi rin daw flattering na kung sinu-sinong lalaki ang iniuugnay sa kanya.

"It's not flattering, because it's my name they are using. Pero wala nga akong magagawa, kaya sige, okay na lang. I don't really have control over that."

Sa palagay ba niya, normal lang ang mga ganitong pangyayari since maganda at sumisikat siya?

"There's nothing normal about lying and coming up with issues and stories," sabi niya.

NO TO SKIN EXPOSURE. Maganda at sexy si Carla. Bakit hindi pa nagpi-pictorial si Carla for FHM? Papayag ba siya, if ever?

"Hindi pa... ayoko!" tawa niya.

Kahit daw ang ama niyang si Rey "PJ" Abellana ay hindi papayag kung saka-sakali.

"Ayoko talaga, personal choice ko yun. Even if my father would allow me, hindi talaga, ayoko talaga."

Masasabi palang taboo para kay Carla ang magsuot ng swimsuit or underwear sa harap ng kamera.

"No bikinis, not even a one-piece. Sa shorts nga lang conscious na ako. I come from a conservative family. Promise ko 'yan sa sarili ko and to my dad and lola [Delia Razon], na never kong gagawin 'yan."

So, ni minsan ay hindi pa nagpa-pictorial si Carla nang sexy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never."

Isa ba ito sa mga dahilan kung bakit hindi siya sumali sa kahit na anong beauty contest kahit noong hindi pa siya artista?

"I guess so. Not only that, mahirap e. Yung competition sa beauty contest, ang hirap na."

And surprisingly, walang kumuha sa kanya para sumali sa anumang beauty pageant noon.

"May mga nagtatanong lang kung bakit hindi daw ako sumali."

So kahit mga sexy scenes sa pelikula or telebisyon, hindi niya gagawin?

"Mahirap magsalita ng tapos, e. To certain things, oo, I don't really want go sexy."

Paano kung art movie na may sexy scenes na ipapagawa sa kanya?

"Depende, pag-uusapan namin 'yan ng manager ko [Arnold Vegafria]. Kasi like love scenes, we did it sa Rosalinda. Pero ayokong ma-change yung reputation ko, or a ma-brand ako," sabi niya.

At kung kay Carla pala in-offer noon ang Darna ay hindi niya tatanggapin dahil sexy ang red two-piece costume ni Darna?

"Mahirap yun, pag-iisipan ko nang mabuti dahil sa costume," sabi niya.

Bukod sa Rosalinda, tampok din sina Carla at Geoff Eigenmann sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen, na napapanood tuwing Huwebes ng gabi sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN