Christian Bautista keeps "friendly distance" with ex-girlfriend Rachelle Ann Go

"I'm really doing my best to be good friends with her. Mahirap din magsabi na 'pag sinabi ko na meron, baka may ibang write-ups pa na masulat. Pero just to be honest, right now, I want to be good friend to Rachelle. So, right now, wala muna. I have no plans of courting anyone yet. Unfortunately, the reason is my schedule also," says Christian Bautista about ex-girlfriend Rachelle Ann Go.


Nanghihinayang ang Asia's Pop Idol na si Christian Bautista na hindi siya makakasama sa big concert ng Kaya Natin 'To, na gaganapin sa December 5 sa Mall of Asia Concert Grounds.

"Actually, wala ako doon sa concert sa December 5. Pero ang goal ko ngayon is to promote the CD. 'Tapos to invite other artists, to invite sponsors, and to invite the people to be at the concert. May concert kasi ako with Sarah Geronimo sa Camarines Sur. Matagal na kasing naka-book yun, e," paliwanag ni Christian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Kaya Natin 'To mini-presscon kahapon, November 17, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.

Bagama't hindi makakasama sa concert, isa si Christian sa more than 80 artists na kumanta sa Kaya Natin 'To CD. Mapapanood ang MTV ng naturang kanta sa Linggo, November 22, simulcast sa ASAP '09 ng ABS-CBN at sa SOP ng GMA-7.

Ang project na ito ay inilunsad ni Ogie Alcasid at katulong nila rito ang Gawad Kalinga. Ang layunin nito ay makalikom ng pondo para sa rehabilitation ng mga kababayan nating nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Magkano ang pondong balak nilang makuha sa project na ito?

"According nga po kay Kuya Ogie, as much as we can. Kung fifty million, why not? Gawad Kalinga... kasi very trusted ang Gawad Kalinga. Tapos hindi lang ito pamimigay ng relief goods, bahay ang ibinibigay. According nga to Gawad Kalinga, kung meron mang gustong umuwi sa probinsiya, bibigyan sila ng bahay doon."

Ano ang feeling na naging bahagi siya ng worthy cause na ito?

"I'm just a small part of the big picture. This is a project that comes from the heart of all the artists and a visionary like Ogie. It feels great to help," saad ni Christian.

RACHELLE ANN GO. Samantala, dahil nga ex-girlfriend ni Christian si Rachelle Ann Go, hindi maiwasan ng PEP na hingan siya ng reaksiyon tungkol sa breakup ng singer kay Gab Valenciano. Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa kumpara sa kanila ni Rachelle, na friends na ulit sila ngayon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, yung sa amin naman, it took a while din," sabi ni Christian. "There was a time din nung kami ay nag-split up na hindi na kami close, nagkakailangan din. I guess, it's natural na kapag nag-break hindi muna masyadong nagko-communicate."

Ang kaibahan din nila ay hindi sila noon naintriga na nagkaroon ng third party, unlike kina Gab at Rachelle ngayon na nauugnay si Gab kay Carmen Soo. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, I'm really sad sa nangyari. Siguro, it will just take time for both of them. Tingnan na lang natin siguro in the end what will happen. Pero I keep on praying for her."

Nagkakausap ba sila ni Rachelle?

"Nagkakausap naman in ASAP, not as close as before, but as a friend lang."

How about si Gab, may communication ba sila?

"Hindi masyado, mas kay Rachelle," sagot ni Christian.

Wala ba siyang balak balikan o ligawan ulit si Rachelle?

"Apparently, lumalabas nga yung ganyang isyu. But I'm here for Rachelle. I'm here for Gab. I'm doing my best to be a friend to both of them. Pero yun nga, I'm very careful about what I say or what I do kasi baka rin mabigyan ng iba pang kulay. For example, if I'm too close naman kay Rachelle, baka sabihin ako yung third party or baka rebound. So, anything can come out e. Kaya I'm keeping a very friendly distance, but I'm a friend with all my heart to both of them."

Sinasabing mahirap daw pakisamahan si Rachelle. From his experience, totoo ba ito?

"I'd rather not go into details," pag-iwas niya. "Yung nangyari naman sa amin kasi, it's because we're both young. During my time, both of us kasi it's our first relationship. So, kapaan, tapos bago pa kami sa showbiz. I really don't know how to go about sa isang showbiz relationship nung time namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may feelings pa ba siya for Rachelle?

"Well, ngayon po, I'm really doing my best to be good friends with her. Mahirap din magsabi na 'pag sinabi ko na meron, baka may ibang write-ups pa na masulat. Pero just to be honest, right now, I want to be a good friend to Rachelle. So, right now, wala muna. I have no plans of courting anyone yet. Unfortunately, the reason is my schedule also."

KARYLLE. Biglang naalala ng PEP si Karylle, na nabalita noon na nililigawan ni Christian. Ano ba ang nangyari sa kanila ni Karylle?

"Yun, we dated pero parang napunta sa friendship, e."

Bakit ganun ang nangyari?

"Ganun naman sa courtship, e, di ba? You court someone, you get to know the person, and then you see if you can go to the next level or not. Well, siguro, we came to a point na we both decided na we're better off as friends," paliwanag ni Christian.

Bukod kina Rachelle at Karylle, wala pa ba siyang natitipuhang iba para ligawan?

"No one serious yet. Just dating with friends, showbiz and non-showbiz. Nothing serious pa."

Sa ngayon, mas naka-focus si Christian sa kanyang singing career, lalo na nga't he'll be releasing his new album Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan sa Indonesia sa January 2010. Nagkaroon din siya ng special recording para sa Indonesia ng kantang "Please Careful With My Heart" in Bahasa language, ka-duet ang isang Indonesian singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN