Rafael Rosell plays a drug addict in the indie film Tulak

"May mga kakilala akong nag-take ng drugs. Gusto ko lang ipakita rin sa kanila through my performance in the movie na puwede kang maging happy without it. Very strong ang message ng movie. Sinasabi ko nga doon sa mga kakilala kong nag-drugs, or still in it, panoorin nila ang pelikula, at baka makita nila ang sarili nila roon," says Rafael Rosell about his role as a drug addict in Tulak.


Balance ang gustong ma-achieve ni Rafael Rosell sa career niya sa mga susunod pang araw, lalo na sa darating na 2010. Bago magtatapos ang 2009, nagkaroon ng pagkakataon si Rafael para makapagbida sa isang advocacy film, ang Tulak. Ang pelikulang ito na idinirek ni Neal "Buboy" Tan ay suportado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ini-endorso rin ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Very significant sa career ni Rafael ang Tulak, produced by Donna Sanchez of Exogain Productions. Tungkol ito sa drug addiction at napakagandang chance para sa kanya ang role bilang si Tikboy, a former convict na patuloy na naging drug addict sa nasabing pelikula.

"Hindi ako nahirapan sa paghinigi ng permiso sa Star Magic. Si Mr. M [Johnny Manahan] ay nagbigay agad ng go-signal for me to do this film dahil sa advocacy nito.

"May mga kakilala akong nag-take ng drugs. Gusto ko lang ipakita rin sa kanila through my performance in the movie na puwede kang maging happy without it. Very strong ang message ng movie. Sinasabi ko nga doon sa mga kakilala kong nag-drugs, or still in it, panoorin nila ang pelikula, at baka makita nila ang sarili nila roon," lahad ni Rafael sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bukod sa indie films ay napapanood pa rin si Rafael sa mainstream movies.

"Gagawa ako ng mainstream movies na pampakilig sa mga tao and, at the same time, kapag may offers na indie, gaya sa Tulak, hangga't maa-accomodate, okey lang. Nagkakataon kasi na ang tuloy-tuloy na projects ko, pang-mainstream, sa TV at film.

"Kasama nga ako sa Ang Darling Kong Aswang with Vic Sotto and Cristine Reyes, then yung sa Precious Hearts Romances Presents, yung 'Kristine Series' at saka 'Midnight Phantom.' Those are eating much of my time already. Araw-araw ang taping ko sa TV, at kung may free time, doon lang maisisingit ang para sa movies," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangan din niya ang workout, kaya hindi siya makapag-commit sa ibang projects. Actually, marami nang natanggihan ang aktor. Nasagasaan na ang shooting ng isa pa niyang indie film, Fling, dahil may isang araw na lang itong dapat i-shoot para matapos.

"Mahirap tapusin dahil sa continuity na lang, halos clean-cut ako doon. At dahil sa characters ko sa TV at sa Tulak, hindi ako makapagbago ng look," aniya.

Hindi makapag-meet ang schedules kaya hindi alam ni Rafael kung paano makapaghihintay ang Fling para sa kanyang availability.

"Naglalagare ako sa dalawang teleserye kaya hindi ako makapag-commit sa ibang projects. Magagawa ko lang siguro yun kung tapos na ako sa isa. Halos wala nang pahinga. Yung taping sa 'Midnight Phantom,' inaabot ng umaga na the next day. Yung para sa 'Kristine Series,' ganoon din."

Gusto sanang mabalanse ni Rafael ang lahat, at hindi lang dahil sa pera. Kailangan niya ang mga assignment that will maintain his star status and, on the side, indie films give him the opportunity to be an actor.

"Get enough stardom to get better indies," katwiran ni Rafael. "Exploration or training ground ang indies to hone your talent na magagamit din sa more commercial projects."

May ilang endorsements rin si Rafael and it's a good thing na suportado siya ng mga ito kahit extreme ang roles na ginagampanan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN