Krista Ranillo's camp planning when and how to answer rumor on affair with Manny Pacquiao

In a short chat with GMA News, actress Krista Ranillo neither confirmed nor denied allegations that she is having an affair with boxing champ Manny Pacquiao.


Katulad ni Manny Pacquiao ay hindi rin nagbigay ng direktang sagot si Krista Ranillo sa balitang may relasyon daw sila ng Pambansang Kamao.

Sa pakikipag-chat ng GMA News reporter na si Nelson Canlas kay Krista kanina ay sinabi ng aktres na narinig na niya ang isyu tungkol sa kanila ni Manny.

"Yeah, heard about it already... we're still discussing when and how to speak..." saad ni Krista sa kanyang mensahe.

Itinanggi naman ni Krista ang usap-usapan na buntis siya.

"No, I'm not pregnant," sabi niya.

May kumakalat ngayong video sa Internet kung saan may kasamang babae sa loob ng kotse si Manny habang paalis siya sa studio ng Jimmy Kimmel Live. Sa video ay makikitang nagtakip ng mukha ang babae na kasama ni Manny. Marami ang naniniwala na si Krista ang babaeng 'yon. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Krista, hindi pa raw niya napapanood ang video.

Sinabi rin ni Krista sa GMA News na boyfriend pa rin niya hanggang ngayon ang direktor na si Dominic Zapata.

Pero sa text message na ipinadala ni Direk Dominic sa 24 Oras, hindi nito sinabi kung sila pa nga ni Krista. Ang sinabi lang niya ay maraming kasinungalingang lumalabas tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Krista.

Nakausap din ng GMA News ang manager ni Krista na si Arnold Vegafria, na kasalukuyang nasa Paris, France. Ayon sa talent manager, nagkausap sila kanina ng kanyang alaga na nasa U.S. ngayon.

"When we spoke kanina, we talked about how we're going to handle these allegations sa kanya. So, when I get back, I will hold a presscon to answer all those allegations sa kanya na mga negative," sabi ng talent manager.

Pabalik na ngayon ng Pilipinas si Manny at ang kanyang entourage. Pero bago siya bumalik ng Pilipinas ay nagkaroon muna siya ng after-fight party at mini-concert sa Los Angeles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't nasa Los Angeles din daw si Krista that time ay hindi rin ito nakita sa party.

Hindi rin kasama ni Manny sa naturang party ang asawang si Jinkee Pacquiao. Usap-usapan din ngayon ang away nina Manny at Jinkee dahil sa pagkakaugnay ng pangalan ng Pambansang Kamao kay Krista.

Tinalo ni Manny si Miguel Cotto ng Puerto Rico sa kanilang 12-round fight noong November 14 (U.S. time).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN