Angel Locsin says breakup with Luis Manzano will not affect her bond with Vilma Santos

"I am assuring her, kung kailangan niya ng support ko, hindi siya magdadalawang-salita. In that aspect, mami-miss ko siya. In special gatherings kasi, may time na nakapag-usap kami. At ngayong wala na kaming relasyon, it won't be easy for us to meet na ganoon lang. Pareho naman kaming busy. Pero if time allows, I will always have that time for her. Gagawa at gagawa ako ng paraan," says Angel Locsin about actress-politician Vilma Santos, the mother of Angel's ex-boyfriend L


Iniiwasan ni Angel Locsin ang kung anu-anong puwede niyang sabihin na malalagyan ng ibang kulay tungkol sa breakup nila ni Luis Manzano.

"Hindi maiiwasan yung may samaan ng loob right after the split-up," sabi ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Normal yun. Pero, siyempre, you give the benefit of the doubt na baka maayos pa, makapag-usap. Yun naman ang importante doon dahil mahalaga pa rin sa akin ang pinagsamahan namin ni Luis.

"Mahirap yung mapasukan yun ng grabe pang mga intriga. Kaya naghintay ako ng pagkakataong makapag-usap. Nang magkita kami ni Luis sa ASAP, that was the only time na nagkaroon kami ng chance para makapag-usap. Ang tagal naming hindi nakapag-usap. Alam mo yun, may mga bagay ka na gusto mong kalimutan, pero hindi agad maalis sa utak mo. Parang ganoon, e.

"Espesyal si Luis sa akin. May pinagsamahan kami. Hindi ganoon kadali. But, I'm okay. Never naming sinagot yung mga tanong sa tunay na dahilan ng split-up. Hindi na importante 'yan, lalo na ngayong nakapag-usap na kami. Maski sa mga dati kong nakarelasyon, kung nagtatapos yun, hanggang doon na lang. Hindi ko ugaling magsalita," tuluy-tuloy na pahayag ng aktres.

ANGEL MISSES ATE VI. Kung mayroon mang laging gustong alalahanin ni Angel sa naging relasyon nila ni Luis, ito ay ang napakagandang trato sa kanya ng Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos.

"Tita Vi is really like a mom to me, too," banggit ni Angel. "She's really nice. Yung times na nagkakilala kami, naging malapit agad ang loob ko sa kanya. Whatever happened, I don't think maaapektuhan yung naging bonding namin ni Tita Vi. And I am assuring her, kung kailangan niya ng support ko, hindi siya magdadalawang-salita.

"In that aspect, mami-miss ko siya. In special gatherings kasi, may time na nakapag-usap kami. At ngayong wala na kaming relasyon, it won't be easy for us to meet na ganoon lang. Pareho naman kaming busy. Pero if time allows, I will always have that time for her. Gagawa at gagawa ako ng paraan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang feeling nga raw ni Ate Vi, phase lang ito sa personal life nina Angel at Luis. Magkakabalikan din daw ang dalawa. Ano ang masasabi rito ni Angel?

"Talaga?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Angel. "Ang bait talaga ni Tita Vi. Alam mo yun, tiyak na may mga naikukuwento si Luis tungkol sa aming dalawa."

Dagdag niya, "Hindi ko naman maisasara ang pinto nang ganoon lang, at magsasalita ako nang patapos. Sa ngayon kasi, to be honest about it, I want to focus on other things. Nakapag-move on naman ako kaya tingnan na lang muna natin yung mangyayari na may kanya-kanya kaming buhay muna ni Luis."

MARICAR REYES. Nakaladkad pa ang pangalan ng baguhang aktres na si Maricar Reyes sa isyu ng hiwalayan kina Luis at Angel. Ano ang reaksiyon dito ni Angel?

"Hindi ko alam kung paano sasagutin 'yan, kasi ang focus ko lang, yung sa aming dalawa ni Luis," sabi niya. "Huwag na tayong mandamay pa ng ibang tao. Hindi ako dapat magsalita. At kung may nadamay pang ibang tao, sorry talaga. May pinagsamahan kami ni Luis. Ayoko yung dahil wala na kami, doon ako magsasalita ng kung anu-ano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN