Regal sends 55 people to Beijing for the shooting and pictorial of Mano Po 6

Some of the cast members of Mano Po 6—including Sharon Cuneta, Heart Evangelista, and Dennis Trillo—flew to China earlier this morning for the shooting and pictorial of this 2009 Metro Manila Film Festival entry.

CLICK HERE to see more photos.


BEIJING, CHINA — Limampu't limang katao ang inilipad ng Regal Entertainment sa Beijing, China, ngayong araw, November 19, para sa shooting at pictorial ng Mano Po 6: My Mother. Entry sa 2009 Metro Manila Film Festival ang naturang pelikula.

Kasama sa malaking grupo—na halos inokupahan ang buong eroplano ng Philippine Air Lines (PAL)—ang ilan sa cast ng pelikula na sina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Heart Evangelista, Dennis Trillo, Ciara Sotto, Nicole Uysiuseng, at John Manalo.

Ito ang first time na nakapunta ng China si Sharon. At dahil zero-degree centigrade ang klima noong lumapag ang eroplano sa Beijing International Airport, bandang 11:20 a.m. kanina, naka-"Boston-inspired" outfit ang Megastar—na ang ibig sabihin ay balot na balot.

Nakahabol naman si Heart sa flight papuntang Beijing. Kararating lang kasi niya kagabi, November 18, mula sa taping naman ng Fulll House sa Prague, Czech Republic. Sabi ni Heart sa PEP (Philippine Entertainment Portal), excited siya to learn the culture and history of China. "I'm excited to enjoy the experience," aniya pa.

Siyempre, kasama rin sa entourage ang Regal matriarch na si Lily Monteverde, na aminadong malaki ang ginastos para sa Mano Po 6, at ang kanyang anak na si Roselle Monteverde-Teo.

Panay ang papuri ni Mother Lily kay Shawie, "Kaya siguro nagtagal ng ganyan, she's always nice and lively, always masaya no matter what she's feeling."

Pinuri rin ni Mother ang anak na si Roselle. "Tingnan mo, very organized ngayon ang Mano Po. Ilang beses nagpunta kami sa China, pero ngayon, everything is clear, everything is written. Yung itinerary, napaka-kumpleto."

Yun nga lang, sa unang araw, naiba ang schedule. Imbes na huli ang hotel ay ito ang naging unang destinasyon, sapagkat nagutom ang mga tao dahil sa mga delay sa airport.

Si Direk Joel Lamangan naman ay masaya dahil ending na ng pelikula ang kanilang isu-shoot dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa biyahe sina Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar ng TAPE Inc.; ang mga talent managers na sina Manny Valera, Sandra Chavez, at Popoy Caritativo; ang ace photographer na si Raymund Isaac; at ilang piling entertainment press, kabilang ang PEP.

(CLICK HERE to see more photos.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN