Ciara Sotto does her first-ever bed scene in Mano Po 6

"Sobrang kaba ko, grabe yung nerbiyos ko! Feeling ko, noon lang ako ninerbiyos nang ganoon katindi. Pero totoo, talagang sobrang kaba ko nung isu-shoot na namin ang bed scene," says Ciara Sotto about her first bed scene.


Nasa Beijing, China ngayon si Ciara Sotto para sa shooting at pictorial ng Mano Po 6. Kasama niyang lumipad papunta roon kaninang umaga, November 19, ang iba pang cast ng pelikula na sina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo, at iba pa.

Pero bago siya umalis ay nakausap muna siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ayon sa kanya, masaya siya na nakasama siya sa naturang pelikula at maganda at challenging ang role na ginagampanan niya rito.

Si Ciara ang gumaganap na panganay na anak ni Sharon sa pelikula. Feeling daw ng character niya ay she is the most neglected sa kanilang magkakapatid.

Masayang-masaya si Ciara na sa kanya napunta ang naturang role.

"Maganda yung role ko. It's very challenging at saka ngayon ko lang ginawa ang ganitong klase ng character. At ano ka, may bed scene!" natatawa niyang sabi.

Si Ryan Eigenmann ang ka-partner niya sa movie at ka-bed scene. First time daw niyang magkaroon ng bed scene sa pelikula. Wala raw namang naging problema sa ina ni Ciara na si Helen Gamboa dahil tiwala ito sa direktor ng pelikula na si Joel Lamangan.

"Sobrang kaba ko, grabe yung nerbiyos ko!" sabi ni Ciara tungkol sa kanyang bed scene. "Feeling ko, noon lang ako ninerbiyos nang ganoon katindi. Pero totoo, talagang sobrang kaba ko nung isu-shoot na namin ang bed scene."

Thankful din daw si Ciara na sa first bed scene niya ay si Ryan ang naging kaeksena niya dahil naging very supportive daw ito sa kanya.

"Yes, he's very supportive. Inaalalayan niya 'ko dahil alam niyang first time ko pa lang. At saka, gentleman siya," sabi pa ng singer-actress.

Para kay Ciara, isang malaking blessing ang pagkakasama niya sa Mano Po 6 at pagganap sa naturang role.

"Aside sa Mano Po, may ginagawa rin akong indie film. Magkasama kami ni Danica Sotto [her cosuin]. Yung role namin, mga SPED [special education] teacher kami," banggit pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Ciara na engaged na siya sa boyfriend niyang si Joe Oconer.

"Matagal na, pero hindi pa naman ngayon ang kasal. Maybe next year. Pero if ever man, ang gusto ko yung very intimate and private wedding lang talaga," sabi ni Ciara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN