VP aspirant Edu Manzano admits breakup with TV personality Pinky Webb

"May buhay din siya, may buhay din ako. At this point in time, we felt that we are going in different paths..." says Edu Manzano about his breakup with news anchor Pinky Webb.


"We have opted to go our separate ways and hope for the best."

Ito ang naging pahayag ng actor-TV host na si Edu Manzano tungkol sa balitang naghiwalay na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Pinky Webb.

Ginawa ni Edu ang pag-aming ito sa exclusive interview sa kanya ni Karen Davila para sa TV Patrol World, na ipinalabas ngayong gabi, November 19.

Ayon kay Edu, mutual decision ang kanilang paghihiwalay ni Pinky. Ito ay sa kabila ng plano na sana nilang pagpapakasal.

Tatakbong vice president sa 2010 elections si Edu. Siya ang running mate ni Secretary Gilberto "Gibo" Teodoro sa ilalim ng administration party na Lakas-Kampi-NUCD.

Hindi raw sinabi ni Edu sa kanyang pamilya at maging kay Pinky ang desisyon niyang tumakbo. Tanging si DILG Secretary Ronaldo Puno, ang secretary general ng Lakas-Kampi-CMD, lang daw ang kinonsulta niya tungkol dito. Matatandaang inanunsiyo ni Secretary Puno ang pagkakapili kay Edu bilang running mate ni Secretary Teodoro noong November 13.

Inamin ni Edu na isa ito sa mga dahilan kung bakit sila nag-break ni Pinky.

Idinagdag ni Edu na ayaw rin niyang maapektuhan ang trabaho ni Pinky bilang news anchor ng ABS-CBN sa kanyang pagkandidato bilang vice president.

"May buhay din siya, may buhay din ako," sabi ni Edu patungkol kay Pinky. "At this point in time, we felt that we are going in different paths... It's a very confusing situation, you know, when you think you are together with someone for a very long time.... But I guess it's also very, very important that we all be allowed a certain degree of freedom to do what we want to do in life."

Dagdag pa niya, "You know, with certain choices come certain sacrifices that have to be made. I guess this is just one of those."

Hindi naman bago sa mundo ng pulitika si Edu. Matatandaang nanungkulan siya bilang vice mayor ng Makati mula noong 1998 hanggang 2001. Pagkatapos nito ay tumakbo siyang mayor noong 2001, pero tinalo siya ng incumbent mayor na si Jejomar Binay. Muling makakalaban ni Edu si Mayor Binay sa vice-presidential race sa 2010 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anim na taon ding nanungkulan si Edu bilang chairman ng Optical Media Board.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN