Mocha comments on rumored affair of "kissing partner" Krista Ranillo with boxer Manny Pacquiao

These photos of Mocha Uson (left) and Krista Ranillo are resurfacing on the Internet as news about Krista's rumored affair with boxing champ Manny Pacquiao has been hogging the headlines.


Matapang ang mga salitang isinulat ni Mocha Uson, leader ng all-girl group na Mocha Girls, sa kanyang blog site na www.mochauson.com tungkol sa diumano'y pagkakaroon ng ugnayan nina Krista Ranillo at Manny Pacquiao.

Ayon sa blog entry ni Mocha, na may pamagat na "Krista Ranillo: Knockout," dated November 19, "In regards to the Krista-Pacman issue... I love to have fun and play around, get dirty and all. But my number one rule: the guy must be single. Smart women don't mess around with married men. If these allegations are not true, I would tell Krista to be strong and take heart."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si Mocha kagabi, November 19, para hingan siya ng paliwanag tungkol sa blog entry niyang ito.

"Alam mo, sinasagot ko lang yung tanong ng mga tao sa akin. People have been asking me to comment on the Krista-Pacman issue. So, pinost ko lang sa blog ko kung anuman yung nararamdaman ko about the issue," esplika niya.

KISSING VIDEO/PHOTO SCANDAL. May mga humihingi ng comment kay Mocha about Krista dahil matatandaang na-involve silang dalawa sa isang kissing video scandal noon at lumabas pa ang mga larawan nito sa isang men's magazine. Marami raw ang nagre-request kay Mocha na i-upload ang kissing video na ito, pero nangako raw si Mocha kay Krista na hindi niya gagawin 'yon. Dahil nga sa lumabas na ang mga pictures ng scandal na ito sa magazine ay ipinost din ni Mocha ito sa kanyang photo blog.

Ayon pa sa blog entry ni Mocha, "I've also been getting PM on my Facebook and on this blog requesting me to post my kissing video clip with Krista. Sorry guys but I made a promise to Krista not to release our video. Here are some snapshots from the video."

Ayon kay Mocha, nagkakilala sila ni Krista sa ABS-CBN last April 2009. Habang ini-interview siya para sa cover story ng isang men's magazine ay dumating si Krista para i-submit ang kanyang sex column para sa naturang magazine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Mocha sa blog niya, "We were introduced to each other by our art director. She's easy going, sweet and friendly. She's a knockout hottie! I said to her: 'I'd love to know if you've ever kissed a girl.' Krista answered after a few laughs: 'No.' You want to try it? 'Yes!' I was surprised she agreed to kiss. So we went to a secluded spot and kissed for several seconds. I'm proud I'm Krista's first. Her lips are sweet and soft. She's really a good kisser."

Sa isang interview ay inamin ni Mocha na isa siyang bisexual. (CLICK HERE to read related stroy.)

RUMORED KRISTA-MANNY AFFAIR. Sa panayam ng PEP kay Mocha, tinanong namin siya kung naniniwala ba siya sa isyung may relasyon sina Krista at Manny?

"Well, based on recent reports, pati na rin sa recent sightings sa kanilang dalawa, katulad ng mga tao, talagang mapapaisip ka na baka meron ngang something going on between them. Pero it's still Krista and Manny na kailangan magkumpirma at magpaliwanag about the issue," sagot ni Mocha.

Kung sakaling totoo nga ang isyu, ano ang masasabi niya kina Krista at Manny?

"If ever the rumors are true, my suggestion is she should stop it. And for Manny, we need you to be our hero, so just concentrate on your boxing, your career and most of all, your family. Katulad ng sinabi ko sa blog ko, ang number one rule ko nga is the guy must be single. Don't mess around with married men. Kasi pagbalik-baliktarin mo man 'yan, still, mali pa rin, di ba?

"Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero hindi naman ako pumapatol sa may asawang tao. For me, that's stupid. Mahirap talaga yang situation na 'yan kasi alam mo nang mali in the first place, di ba? Kawawa naman kasi yung family na posibleng maapektuhan at masira because of that relationship. Hindi lang kasi ang tunay na asawa, ang family ang kalaban mo rito, pati ang mga tao sa paligid mo. They will curse you, think bad about you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya magalit si Krista sa kanya dahil dito?

"She has nothing to be mad about me," sabi ni Mocha. "People ask me for comments, so sinulat ko lang what I feel about the issue. I have the freedom to do that. And besides, if you read my blog, hindi ko naman sinabi doon na meron nga silang relationship. Of course, nakakaawa si Krista kung hindi totoo yung isyu dahil nakakaladkad ang name niya. Pati ang name ni Manny ay nakakaladkad sa negative issue, na dapat sana tayong mga Pilipino should support him and celebrate his recent victory over [Miguel] Cotto, not discredit him."

Speaking of Manny, bumalik na ng Pilipinas ang Pambasang Kamao kaninang umaga, November 20. Kasama niyang dumating mula sa Los Angeles ang kanyang entourage, sa pangunguna ng misis niyang si Jinkee Pacquiao.

Check out sexy photos of Krista Ranillo on FHM.com.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN