Dingdong Dantes harnesses youth power for electoral campaign

Dingdong Dantes may have his personal choice for president, but he says that when he speaks to the youth it's "not necessarily saying that vote for Noynoy, but you know, it's time for you to vote for your next leader. Panahon niyo ngayon, so do something."


Last Thursday, November 19, sa Romulo Café sa Quezon City, ay nagkaroon ng press conference ang Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino o AYOS NA!, para i-announce ang formal launching nito bukas ng gabi, Sunday, November 22, sa Risen Garden malapit sa Quezon City Hall.

Present noong Huwebes sina Laguna youth represenative Ruth Acero; Ayos Na! Secretary General Elmer Argano; Quezon City Councilor at Bagong Henerasyon Foundation founder Bernadette C. Herrera-Dy; Parañaque City Sangguniang Kabataan Councilor Toki Baes; at ang aktor na si Dingdong Dantes, ang National Lead Convenor ng Ayos Na!

Ayon kay Argano, nagsimula ang youth campaign arm nang alukin ng pamilyang Aquino si Dingdong na maging youth spokesman ni Noynoy. Bilang tugon doon, sinabi raw ni Dingdong na kung siya ay tutulong, hindi raw sapat ang pagiging artista lang, kung kaya't nabuo ang Ayos Na!

LAUNCHING TOMORROW. Sa presscon ay nanawagan si Dingdong sa mga kabataan na lumahok sa gagawing launching bukas.

Aniya, "Sa totoo lang po, maraming stars ang Ayos Na!, pero, ang totoong stars po nito ay ang ating mga youth leaders, ang ating mga youth achievers, ang ating mass youth, at sila ang mga naniniwala sa reform, good governance at sa leadership ni Noynoy Aquino.

"And, of course, along with the Bagong Henerasyon founder Bernadette Herrera-Dy and Mujiv Hataman of Anak Mindanao who is not here right now, Laguna youth leader Ruth Acero and other provincial youth leaders, we will need more than 5,000 youth leaders sa unang public gathering sa Sunday.

"We will not just celebrate the success stories and the practices of Pinoy Generation Next leader achievers, movers but foremost of all, we will make our common pledge to organize and mobilize at least 500,000 youth volunteers for Kuya Noynoy for 2010. Kaya naman sa darating na Linggo, yung Pinoy Gen Next—the biggest block of Filipino voters—supports Noynoy Aquino who believes that he is the symbol of hope and change for our future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sana po, magkita-kita tayo sa Sunday, sa Risen Garden sa Quezon City Hall at 5 p.m.," pag-iimbita ni Dingdong sa general presscon.

WHY HE IS SUPPORTING NOYNOY. Noon pa man ay very open na si Dingdong sa pagsasabi na idol niya talaga ang bayaning si Senator Benigno "Ninoy" Aquino.

Ito ba ang dahilan kung bakit volunteer siya ngayon ni Noynoy Aquino, na naghahangad maging pangulo ng Pilipinas?

"Hindi lang sa idol, malaking impluwensiya ang nagawa niya sa akin... Isa ring dahilan kung bakit gusto kong mag-excel sa mga ginagawa ko is because I was inspired by the character of our hero, si Ninoy. At naniniwala ako na puwede nating ipagpatuloy ang ganitong klaseng influence, ang ganitong klaseng idealism. Kumbaga, sa pagkalat ng ganitong klaseng campaign, especially sa mga kabataan.

"Kumbaga, gusto natin palawakin yung youth achievers natin, people, kids or young ones that brings out the best of themselves. Kumbaga, ipa-parade natin ang mga achievers natin. Kumbaga, sila ang mga benchmark ngayon ng mga kabataan.

"Hindi lang sila kuntento sa kung ano ang meron sila but they want to go out of their way para mas maging maayos pa sila."

Ano ang inihain ni Senator Noynoy na nakapagkumbinsi sa kanyang suportahan ito?

"Ako, ever since, advocate for education talaga... Napakinggan ko naman more or less, hindi man lahat but also other candidates whom I also respect. E, siyempre, I just came to a decision kung bakit siya dahil, siyempre, isa sa mga things na napag-agree-han namin is yung willingness niya to improve [the] educational system."

AN ACTOR AND HIS ADVOCACIES. Sa totoo lang, napaka-busy nitong si Dingdong. Masasabing 24/7 na puno ang schedule nito. Noong araw na yun, nanggaling pa ito ng Cavite para sa ribbon-cutting ceremony ng isa niyang endorsement bago siya dumiretso sa Romulo Café, and right after that, nag-dry run naman siya para sa Family Feud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba niya nagagawa ang lahat ng ito? Personal pa ba niyang naaasikaso ang mga advocacies niya, tulad ng YES Pinoy Foundation, at ngayon naman ay ang campaign movement ni Noynoy?

"Kapag na-launch na sa Sunday, I hope everything will be smooth sailing na. Kumbaga, na-launch na siya, kikilos na ang mga leaders. Ang importante, nasimulan ko," sagot ni Dong.

May matatatanggihan ba siyang mga projects dahil malapit na rin ang election?

"Siyempre, hangga't maaari, gusto pa rin nating makita as entertainer. Pero, hindi naman nila ako masyadong makikita sa mga political rally. Kumbaga, it's really more of pupunta kami sa mga school, kakausapin namin ang mga estudyante, siguro to give guidelines on how to choose your next leader. Not necessarily saying that vote for Noynoy but, you know, it's time for you to vote for your next leader. Panahon niyo ngayon, so do something, parang ganun lang yun."

Tinanong din siya kung kasama si Marian Rivera sa sumusuporta sa Ayos Na!

"Kasali siya... kasali," nakangiting sagot ni Dingdong.

Talagang ganoon din ba ang paniniwala ni Marian o dahil nakumbinse niya?

"Sa totoo lang, noong unang napag-usapan namin, e, hinayaan ko muna siya. Wala muna akong sinabi. Although alam ko kung para kanino na 'ko. Hanggang sa mag-usap kami, nag-compare kami. Noong unang lumabas sa bibig niya na talagang she's more inclined [to root] for Noynoy, then I said my piece."

P30-MILLION OFFER. Hindi siya na-tempt sa sinasabing P30M offer daw sa kanya ng isang pulitiko para i-endorso ito?

"Hindi ko nga alam," natatawang sabi ni Dingdong. "Kung anuman yun, e, hindi ko na inalam. Actually, wala naman po ako sa posisyon na tumanggi. Nagkataon lang po na hindi pa dumating sa ganoong talks. Maaaring may offer from other people, pero ang sa akin po, walang specific talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may offer nga?

"Hindi ko alam and like what I said, hindi mahalaga ang pera. Kahit naman kunyari sakali man may bayad or wala, ang importante ay naniniwala ako... Mas nagaganahan pa nga ako na bumuo ng ganitong klase ng movement."

Dahil sa mga advocacies na isinusulong ni Dingdong, hindi maiwasang itanong kung sasabak din daw siya sa pulitika.

"Parang lang yun... parang lang," nakangiti niyang sabi.

"It doesn't mean that if we are voicing out kung ano ang gusto natin, it doesn't mean that we want to take position. It is more of we want to ensure the safety of our future. Parang ganoon siya. This is what I'm doing... my own little way of contribution as a responsible citizen.

"Kumbaga, hindi ko naman sinabing magandang halimbawa ako. Siyempre, may mga pagkakamali rin ako, pero siyempre, may mga tungkulin ang mga tao to ensure kung ano ang magiging future natin. At ako, ito ang simple way of showing kung ano ang gusto ko."

HAVING IT ALL. May kasabihan na kapag successful sa career, more often than not, sa lovelife ay hindi. Pero mukhang hindi ito totoo para kay Dingdong. Successful ang showbiz career niya—nagna-number one sa ratings ang Stairway to Heaven, at parami nang parami ang endorsements niya; in fact, may bago na naman daw siyang produktong i-e-endorse. At balitang masaya ang lovelife niya with, of course, rumored girlfriend Marian Rivera. Bukod doon ay nagagampanan pa niya ang mga advocacies niya.

Paano nga ba niya nagagawa ang lahat ng mga iyon?

"Lahat naman ng ito, hindi ko magagawang mag-isa. Yun ang sigurado. Siyempre, kapag sinabi naman nating career, e, kumbaga, hindi ko magagawang mag-isa. Nandiyan ang tulong ng mga director, ng mga acting coach, yung mga nasa paligid, yung mga EP [executive producer] namin, yung mga co-actors, kumbaga, very supportive. So, that makes it easy for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagdating sa foundation, merong mga tao na responsableng humahawak n'yan. Pagdating sa Ayos Na!, nandiyan ang ating mga youth leaders. Kumbaga, I'm just there to start it and from time to time, supervise at makita kung saan pumupunta dahil gusto kong maging hands-on."

Paano nila hinaharap ni Marian ngayon ang sitwasyong parang nagtatalo ang Stairway at Darna sa pagiging number one sa rating?

Ani Dong, "Gusto ko lang pong linawin, wala pong kumpetisyon na nangyayari sa amin. Para sa akin, si Darna ang number one sa puso ko," tahasan niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN