Lovi Poe speaks up about rumors linking her to Ronald Singson and "slapping incident" with Jolo Revilla

Young singer-actress Lovi Poe is hot copy these days, but getting pelted with intrigues, she says, is just part of showbiz: "Trabaho naman kasi ng writers 'yan, nagre-report lang sila, and I understand... Wala akong dapat itago at kailangan ko pang mag-explain."


May mga kontrobersiyang kinasasangkutan ang young actress na si Lovi Poe, which are making her hot copy these days. Nariyang kumalat ang balita, through anonymous text messages sa press, na pinagsasampal daw siya ni Jolo Revilla sa labas ng isang bar noon, which triggered their breakup.

Lumabas ding parang two-timer si Lovi nang kumalat ang photos nila ni Ronald Singson, mga stolen shots ng pagde-date daw nila na sumabay sa naunang kontrobersiya.

"Pero wala akong suitors!" natatawang sabi ni Lovi sa PEP (Philippine Entertainment Portal), bilang tugon sa balitang nanliligaw daw sa kanya si Ronald, ang anak ng dating Ilocos Sur governor na si Chavit Singson.

Patuloy niya, "We just went out with friends. Walang masama doon, at kung nakunan man yun ng paparazzi shots, well, wala kaming ginagawang masama. We were with my other friends. At hindi siya nanliligaw."

Nilinaw ni Lovi na matagal nang nakunan ang litratong yun nila ni Ronald, and it was weeks after she broke up with Jolo.

"Kaya wala akong tinu-two-time!" tuloy pa ring natatawa si Lovi.

Sa media launch para sa Kaya Natin 'To concert, na magaganap sa December 5 sa SM Mall of Asia, nagsalita si Lovi tungkol sa sinasabing kaugnayan daw nila ni Ronald.

"WALA AKONG DAPAT ITAGO." May panghihinayang ba si Lovi na dahil sa pakikialam ng iba tungkol sa kanila ni Ronald ay parang naudlot ito?

"Hindi naman," nangingiting sabi ng batang aktres. "Trabaho naman kasi ng writers 'yan, nagre-report lang sila, and I understand... Wala akong dapat itago at kailangan ko pang mag-explain."

Puwede naman daw siyang ligawan, pero mas mabuting mag-focus muna siya sa career niya.

"Pag nandiyan ang lovelife, nababaliw ako!" at natawa uli siya. "I was happy with Jolo before, and I am also happy now, in some aspects."

Marami raw kumontra at nakagulo pa. Nariyan ang ina ni Lovi na si Rowena Moran na di sumang-ayon sa kaugnayan nila ni Jolo. Sinegundahan pa ng maaanghang na pahayag ni Rosanna Roces laban kay Lovi. Si Rosanna ang ina ni Grace Adriano, ang dating karelasyon ni Jolo kung saan may anak siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not my mom, 'cause she only cares about me," pagtatanggol ni Lovi. "Yung sa ibang tao lang na hindi marunong rumispeto. Doon sa mga nasabi ni Ms. Rosanna, nasaktan talaga ako. Kasi tao lang naman ako, di ba? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, mako-contain mo yung feelings mo. Pero totoong sinasabi kong okey lang, kasi opinyon naman niya yun. Ano ang magagawa ko doon? Basta, masaya na lang ako na ganito."

"SLAPPING INCIDENT." Napapangiti lang si Lovi sa isyung sinampal daw siya ni Jolo paglabas nila sa isang bar, at marami raw nakakita sa naturang insidente.

"Ayoko lang mag-comment tungkol diyan, kasi maayos naman ang lahat. Huwag na nating palakihin. Basta sabi ko nga, happy ako ngayon, at yun ang mas importante," saad niya.

Nakatutok ngayon si Lovi sa magsisilbing launching movie niyang Pamilya Sagrado ng Legolas Entertainment, sa direksyon ni Joel Lamangan. Naiiba at mas mature na Lovi ang matutunghayan ng publiko sa pelikula, kung saan kasama rin sina Gloria Diaz, Emilio Garcia, Snooky Serna, Felix Roco, at marami pang iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN