Xian Lim explains his disappearing role in Katorse

"Sa story pinalabas na umalis ako for Standford. Yun ang sinabi sa akin and di na ako nagtanong kung bakit ako nawala. It's still in the back of my mind but I respect the management's decision and alam kong pinag-isipan nila yun." But not to worry, Xian fans. "Albert" is coming back.


Marami ang nakapansin na sa pag-focus ng istorya ng Katorse kina Ejay Falcon, Erich Gonzales at Enchong Dee ay nawala sa eksena si Xian Lim bilang Albert.

Pinagtakhan ng marami kung ano ang nangyari gayong sa orihinal na istorya ay napaka-vital ng papel ni Albert. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor tungkol dito at kung may explanation bang binigay sa kanya kung bakit pinagpahinga muna ang character niya.

"Nagtaka rin talaga ako at first, pero in-explain naman sa akin na kasali na talaga from the start si Enchong. I guess siguro super dami ng supporters nila Enchong and Erich and maganda naman ang story pag sila ang lumalabas.

"Sa story pinalabas na umalis ako for Stanford. Yun ang sinabi sa akin and di na ako nagtanong kung bakit ako nawala. It's still in the back of my mind but I respect the management's decision and alam kong pinag-isipan nila yun."

Kung nawala man siya sa Katorse nang ilang linggo, tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ni Xian na nagsimula na uli siyang mag-taping dito at babalik na ang karakter na si Albert.

"I think mayroon daw naman kaming sariling story ni Erich, maybe from Ejay to Enchong to me. I think maybe magiging ganun ang slant ng story but I'm not counting on it. Kung mayroon nga, why not? I'm thankful for that pero kung wala, okey lang din kasi nagbabago naman palagi."

CAREER FIRST. Kumpirmado na ang pagsasama nina Ejay, Erich at Enchong sa isang bagong show, Tanging Yaman, samantalang magiging parte naman ng Rubi si Xian. Isang Mexican telenovela remake ang Rubi, at kaibigan ni Jake Cuenca ang gagampanang papel ni Xian.

Tinanong rin namin si Xian tungkol sa balitang nagkaroon sila ng special relationship ni Erich. Inamin ng aktor na totoong may naramdaman sila sa isa't isa, pero napagdesisyunan nila na mas mabuting mag-focus muna sa kani-kanilang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're close friends. For now, wala muna yung mga ligaw-ligaw para focus talaga, para di na ako naa-out of track. I admit na na-out of track talaga kami before ni Erich. We've been told na dapat focus muna kami sa work kasi nga naman yung chance na binibigay sa amin ay di basta-basta. Ngayon yun ang ginagawa ko, to be more focused and I pray na sana this will work out for me. Pag walang Katorse, workshops ako—singing, dancing, acting, trying to hone my talent more."

FUN WITH THE COVERBOYS. Masaya ring ibinalita ni Xian na kasama na siya, along with Matt Evans and Gerald Anderson, sa ASAP boy band na nakilala bilang Coverboys, na kaa-undergo lang ng image makeover at naghahanap pa ng bagong pangalan.

"Yung group ng Coverboys will not be Coverboys anymore. It's parang a whole new image kasama na sila Matt and Gerald, kaming tatlo. Wala pang pangalan yung group but it's a more different image. Di na yung hubad nang hubad, mas wholesome, punky coat and tie palagi."

Xian shared with us his good experience with the original members of Coverboys. Hindi raw siya nakaramdam ni minsan na left out siya sa grupo.

"They're really nice, lagi nila akong tinutulungan especially new ako sa Full Circle [ang youth segment ng ASAP]. Nung umpisa, nahihiya ako kasi magkakaibigan na ang mga yun, ako super bago pa lang especially di ako marunong sumayaw. Up to now I'm still learning and I'm learning a lot, they're helping me para I can catch up.

"Before this, di ko pa kilala si Jake [Cuenca] and I'm thinking na baka sungitan niya ako, yung mga ganung worries, pero di naman pala kasi lahat sila super bait talaga. Different level silang lima. Si Jon Avila and Will [Devaughn], more on conversational, si Jake and Raf [Rafael Rosell] more on sa nagpapayo. I think yung mga nakakatanda sa amin, more on sa payo side. I hope people will support us ngayong part na kami nila Matt and Gerald ng Coverboys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN