Janice de Belen blasts ex-husband John Estrada on Facebook

Janice got a few things off her chest about John (inset) on Facebook, and said, "I stand by what I posted. If I have to re-post it again, I will re-post it again."


Sa media launch ng isang product, nakapanayam ng Startalk ang SiS host na si Janice de Belen. Naging sentro ng usapan ang nai-post niya sa kanyang Facebook account.

Diumano'y naglalaman ito ng mga pagkukulang ng dating asawang si John Estrada bilang ama ng kanilang apat na anak.

Ayon kay Janice, "Whenever you analyze what it means, it will always be the same thing."

Dugtong pa niya, "Okay, this is not the first time that this has happened. This is the second time. But I think Facebook is such a big network and it's like a headline, di ba? Like a tabloid na what you post there, people pick it up, 'Talaga?!' So, it is a major impact.

"Pero, like I've said, I was thinking aloud and I think I'm allowed to do that."

Partikular na binatikos ni Janice ang diumano'y kawalan ng suporta ni John sa kanilang mga anak.

"I believe in what I'm fighting for. Isa lang ang sasabihin ko. Kung hindi ko kayang ipaglaban ang mga anak ko, sino ang maglalaban sa kanila? And once again, I stand by what I posted.

"If I have to re-post it again, I will re-post it again."

JOHN RESPONDS. On the other hand, isinulat naman ni Dolly Anne Carvajal sa kanyang column sa isang diyaryo noong November 17 ang buwelta ni John sa mga pinagsasabi ni Janice tungkol sa kanya. Ang mismong girlfriend daw ni John na si Priscilla Meirelles ang nag-udyok kay John na magsalita para ipagtanggol ang sarili laban daw sa ginawang paglalampaso ni Janice rito sa show na SiS.

Ayon kay John, hindi raw totoong wala siyang suportang ibinibigay sa kanyang mga anak. Ang mga bata pa nga raw ang nagpakalma sa ama na pagpasensiyahan na lang ang ina. Baka lang daw wala ito sa mood.

Dagdag pa sa column ni Dolly, baka lang daw extra-sensitive si Janice dahil nagpakasal nang biglaan si Igi Boy, ang anak niya kay Aga Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN