Jinkee Pacquiao admits that some women want to get close to Manny because of his success

"Sana yung mga babae diyan na parang nakikisawsaw, di ba, may family yung tao, may asawa at mga anak. We built this family, naging masaya kami. Kasama namin ang Diyos. Sana isipin nila... 'Saka mula pa noon hangagang ngayon, kami ang magkasama," says Jinkee Pacquiao.


Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Jinkee Pacquiao sa "Team Jinkee"—ang bansag sa mga taong sumusuporta sa kanya sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng nababalitang relasyon diumano ng kanyang asawa na si Manny Pacquiao at ng sexy actress na si Krista Ranillo.

Bagama't walang dudang higit na popular si Manny, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo dahil sa husay niya sa boxing, nakapagtayo na rin ng kanyang sariling hukbo ng supporters si Jinkee nang hindi niya nalalaman. Para kasi sa "Team Jinkee" ay agrabyado ang misis ni Pacquiao sa isyung ito.

BACK IN GENSAN. Isang exclusive phone interview kay Mo Twister ng Showbiz Central ang pinaunlakan ni Jinkee kahapon, November 22. Kasalukuyang nasa General Santos City si Jinkee nang makausap siya ni Mo.

Unang kinumusta ni Mo kay Jinkee ang pamilya nila pagkatapos ng laban ni Manny kay Miguel Cotto. Kadarating lang nila noong Biyernes, November 20, mula sa U.S.

"Okey naman. Nandito kami ngayon sa GenSan. Medyo busy lang kasi na-miss din kami ng mga tao, 'tsaka gusto nilang makita si Manny," sabi ni Jinkee.

Binanggit din ni Jinkee na nakipag-meeting si Manny sa ilang mga kakandidato sa lalawigan ng Sarangani para sa 2010 elections. Desidido na kasi ang Pambansang Kamao na tumakbo bilang congressman sa Sarangani.

JINKEE'S PLEA. Kasunod nito ay kinuha naman ni Mo ang opinyon ni Jinkee tungkol sa paniniwala ng iba na "na-eclipse" o natabunan ng mga intriga—na naging laman pa ng mga babasahin, TV, at entertainment websites—ang pagkapanalo ni Manny laban kay Cotto.

Naniniwala ba siya na mas konti ngayon ang victory party at celebrations sa pagkapanalo ni Manny dahil sa mga balita at intrigang naglalabasan?

"Oo nga, e, parang natakpan nga siya, tapos medyo napag-uusapan ang aming private life. Sana, nakikiusap ako sa mga tao, sa mga media rin, na sana ibalato niyo na sa amin ang aming private life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, okey naman kami ngayon. Although, pinag-uusapan pa namin yung aming problema. Hindi naman namin ipagkakait ang aming sagot in the right time. Pero ngayon, okey naman kaming pamilya.

"Nakikiusap lang ako sa mga tao na sana maging masaya na lang tayo sa pagkapanalo ni Manny, na nanalo siya ulit... Huwag na lang munang pag-usapan yung family kasi ayokong maapektuhan ang mga anak ko. Ayokong makakarinig sila ng mga bali-balita na hindi magaganda para sa amin at sa mga anak ko," saad ni Jinkee.

Kumusta naman ang pagsasama nila ngayon ni Manny?

"Okey naman, basta nag-uusap kami," sagot ng maybahay ng Pambansang Kamao. "Lumilipas naman ang problema sa pag-uusap, e, di ba? Basta nag-usap kami. And then, siyempre, yung kahit ano naman ang sabihin ng ibang tao diyan, masama o maganda, basta kami, inaayos namin yung aming family. Hindi puwedeng kalimutan ang aming pinagsamahan dahil lang sa mga ganyang rumors."

Would she say na ito ang pinakamalaking trial na pinagdaanan nila sa kanilang marriage?

"I think so, yeah," pag-amin ni Jinkee. "Pero hindi naman tayo binibigyan ng problema ng Diyos kapag hindi natin kaya. I'm sure na maayos din 'to with the help of the Lord. Alam kong ang pinagdadaanan namin na ito, alam ko kayang-kaya namin na lutasin."

TEAM JINKEE. Ipinaalam din ni Mo kay Jinkee na marami ang sumusuporta sa kanya simula nang makita siyang umiyak sa TV. May mga nag-form pa nga ng Team Jinkee, at inamin ni Mo na isa siya sa mga "pioneer" nito.

Maging dito sa poll ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay lamang na lamang ang "Team Jinkee" sa aming katanungan kung saan kakampi ang mga PEPsters.

Ano ang reaksiyon niya na napakarami palang sumusuporta sa kanya?

"Yeah, I know I can handle this because nandiyan sila para sa akin, may nagmamahal sa akin," sabi ni Jinkee. "It made me stronger na malaman ko na nandiyan sila sa tabi ko, na nagmamahal sa akin, may Team Jinkee. Parang it made me stronger as a person, na kailangan ko pang kayanin ang mga problema dahil sa kanila, sa pagmamahal nila sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba ni Jinkee, kaya maraming lumalapit na mga babae kay Manny dahil sa napaka-successful nito? Sa pakiramdam ba niya ay sinasamantala ng ibang tao ang tagumpay na ito ni Manny kaya marami ang "nagpapapansin" sa kanya?

"Kasi, iniisip ko din na kasama yun sa tagumpay ng isang tao," sagot niya. "Kasama yun sa pagiging famous. Madami talagang lumalapit. Madaming nagpapapansin. Pero sana yung mga babae diyan na parang nakikisawsaw, di ba, may family yung tao, may asawa at mga anak. We built this family, naging masaya kami. Kasama namin ang Diyos. Sana isipin nila... Saka mula pa noon hangagang ngayon, kami ang magkasama. Sana maisip nila na sana tulungan nilang maging masaya ang aming family at huwag na nilang dagdagan ang problema kung anupaman masyado."

Ano naman ang message niya sa mga fans ni Manny at sa Team Jinkee?

"Ang message ko sa kanila, I feel so blessed and thankful dahil nandiyan sila palagi sa amin, sumusuporta, at nagdarasal. Nagpapasalamat ako sa Team Jinkee, sa pagmamahal niyo sa akin. Alam ko na nandiyan kayo para sa akin at sa aking pamilya. Thank you sa lahat. Thank you sa inyo," pahayag ni Jinkee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN