Dingdong Dantes's Christmas gift to Marian Rivera: "Isa siyang matibay na simbolo ng kanyang mga nagawa."

"Definitely siya, 'pag Pasko nasa Cavite siya, sa pamilya niya. Siguro kahit ibang araw, kahit hindi Pasko mismo, kapag may isang araw na puwedeng malibre kami, it's either bibisita ako sa kanya or lalabas kami," Dingdong Dantes replied when asked if he'll spend Christmas with rumored girlfriend Marian Rivera (inset).


Isang malaking sorpresa at misteryo ang Christmas gift ni Dingdong Dantes para kay Marian Rivera.

"Eto nga, namumroblema na nga ako e. Medyo under time pressure, kasi medyo kailangan ng preparasyon, e. Mabuti na lang ipinaaala mo, tatawagan ko yung taong kausap ko tungkol dun," tugon ni Dingdong nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang ireregalo niya sa kanyang rumored girlfriend.

Nakausap ng PEP si Dingdong last Sunday, November 22, sa Bench store sa Glorietta 5 during one of his store visits para sa kanyang Desired cologne.

Bakit kailangan ng preparasyon?

"Kasi gagawin siya, e. One month to go na lang, Pasko na," sabi niya.

Kahit anong pilit, ayaw i-reveal ni Dingdong kung ano ang regalong ito. "Basta isa siyang ano... isa siyang parang matibay na simbolo ng kanyang mga nagawa."

Pabiro naming tinanong si Dingdong kung monumento ba ito?

"Basta!" tawa niya. "Kapag nakita niya yun, maaalala niya ang kanyang mga pinaghirapan."

Another clue?

"Ginagawa siya, at ang gagawa nun ay isang specialist," sabi ni Dingdong.

Isa ba itong TV special?

"Hindi e, kasi yung tape, puwedeng mawala. Ito, hindi talaga basta mawawala, matatag talaga."

Hindi ba niya puwedeng i-announce na ngayon kung ano ito?

"Hindi puwede, kasi sorpresa nga," giit niya.

Kahit si Marian mismo ay wala raw idea sa balak na iregalo sa kanya ni Dingdong, na dati pang pinaplano ng aktor.

Magagawa ba ito in time for Christmas?

"Sana," asam niya. "And ako naman, kung hindi umabot, meron pa rin akong back-up plan."

Mahal ba ito?

"Medyo, medyo."

Nasa milyon?

"Kumbaga sa pesos, e, wala yung million. Nasa effort at saka higit pa dun, yung kahalagahan nun, hindi matutumbasan ng pera."

Mailalagay ba ito sa bahay?

"Puwede... puwede. Parang ganun."

Bakit ito ang naisipan niyang iregalo kay Marian?

"Narinig ko kasi once, na parang nabanggit niya dati, tapos naalala ko. And it's something also that I want to have. So feeling ko, kapag ibinigay ko sa kanya yun, matutuwa siya because it is also something that she would want to have," sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if magkataong ganun din pala ang Christmas gift sa kanya ni Marian?

"Siyempre, matutuwa ako. Ibig sabihin, pareho pala kaming mag-isip."

Kung siya naman ang tanungin ni Marian kung ano ang gusto niyang regalo, ano ang sasabihin niya?

"Ako naman, simpleng tao lang ako. Okay na sa akin ang organizer, isang magandang organizer. Hindi yung electronic, yung ordinaryo. Old school ako, e."

Magkasama ba sila ni Marian sa Pasko?

"Definitely siya, 'pag Pasko nasa Cavite siya, sa pamilya niya. Siguro kahit ibang araw, kahit hindi Pasko mismo, kapag may isang araw na puwedeng malibre kami, it's either bibisita ako sa kanya or lalabas kami," nakangiting sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN