Precious Lara Quigaman on status of relationship with Marco Alcaraz: "It's complicated!"

"Ang hirap din kasing mag-fully commit kasi alam namin na hindi naman kaya kahit gusto namin. He's special to me. Hindi lang talaga kakayanin ng sked. Ang pangit naman na gagawin naming formal, tapos mag-aaway lang din kami because hindi kami nagkikita. At least, kahit papaano, alam namin pareho kung ano yung puwedeng hindi at puwedeng oo," says Precious Lara Quigaman about Marco Alcaraz.


Ang pagkaka-link kay Marco Alcaraz ang isa sa itinuturong dahilan noon kung bakit nawala raw si Precious Lara Quigaman sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

Tinutukso kasi dati kay Willie Revillame ang former Miss International nang pumutok ang balita na lumalabas at mukhang may espesyal na relasyon sila ni Marco. Hindi naman nag-deny noon si Lara that she was exclusively dating Marco at bukas siya kung sakaling mas lumalim pa ang paglabas-labas nila ng aktor.

Pero nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lara sa feeding program ng isang milk drink sa San Basilio Elemetary School sa San Fernando, Pampanga, sinabi niya na mukhang malabo nang lumalim pa kung anuman ang nasimulan nila ni Marco.

"Mukhang hindi na pa-deeper. Magkaibigan pa rin naman kami, we do still have communication. Kaya lang dahil sobrang busy siya, busy ako, sobrang bihira din yung time na nagkakasama kami, parang medyo malabo. Schedules namin sobrang salisi. Tuesday, Thursday, and Saturday, may taping ako. Siya naman every MWF, tapos alam naman natin na pag taping, 24 hours," saad ni Lara.

Hindi itinanggi ni Lara na espesyal talaga para sa kanya si Marco. Pero sa sitwasyon nila ngayon na pareho silang tali sa mga trabaho nila, alam nila pareho na mahirap kung papasukan nila ng commitment ang kanilang samahan.

"Actually, kumbaga sa Facebook and Friendster, it's complicated!" natatawang sabi ng beauty queen turned actress. "Ang hirap din kasing mag-fully commit kasi alam namin na hindi naman kaya kahit gusto namin. He's special to me. Hindi lang talaga kakayanin ng sked. Ang pangit naman na gagawin naming formal, tapos mag-aaway lang din kami because hindi kami nagkikita. At least, kahit papaano, alam namin pareho kung ano yung puwedeng hindi at puwedeng oo."

Since wala silang commitment, hindi ba siya masasaktan kung malaman niyang lumalabas na si Marco kasama ang ibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Choice naman niya yun. Kung mahe-hurt ako, siyempre naman, tao naman ako. I'm expecting kahit papaano for something like that to happen," sagot niya.

WILLIE & WOWOWEE. Nabalita noon na type din ligawan ni Willie si Lara, pero hindi raw natuloy ang balak ng Wowowee host dahil kay Marco. Nagte-text at kinukumusta pa ba siya ni Willie?

"Not all. Kung babatiin niya ako ng Merry Christmas, hindi naman ako bastos para di sumagot. Pero okey, hindi naman na hindi na."

Aminado si Lara na sumama ang loob niya nang bigla na lang siyang hindi pinag-report sa Wowowee. Pero sa kabila nito ay bukas pa rin ang dating Miss International na magtrabaho sa Wowowee kung kukunin siya uli ng management.

"Wala nang sama ng loob... Dati meron, pero ako kasi yung tao na sobrang bilis mawala ang sama ng loob, hindi naman ako nagtatanim. Sabi ko nga lagi na ako yung tao na I can be professional. If it's work, if you ask me to do something na alam ko namang walang mali, na trabaho yun, I'll do it kahit ano pa ang history behind it. Basta alam kong hindi ako makakasakit, na wala akong matatapakan, walang problema sa akin."

A SERIES & AN INDIE FILM. Sa kasalukuyan ay abala si Lara sa taping ng ABS-CBN primetime series na May Bukas Pa. May ginagawa rin siyang indie film, Slow Fate, kung saan katambal niya si Diether Ocampo.

"May Bukas Pa is doing great," banggit ni Lara. "Recently lang, we won the KBP Golden Award, so sobrang grateful kami kasi third award na namin ito.

"I'm doing a film ngayon, it's called Slow Fate, kasama ko dito si Diether. Hindi ko alam kung kailan siya isu-showing but we started it na. Ang story ay umiikot sa character ni Diet na na-find out niya na mayroon siyang tumor sa brain niya. At the same time, nalaman ko na buntis ako. Dun iikot ang story sa conflict na alam niyang may sakit siya at may possibility na hindi niya mami-meet ang anak namin. Nakapag-work na naman kami before ni Diether, kasama pa namin nun si Kristine [Hermosa], so medyo comfortable na ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN