Jay-R says his relationship with Krissa Mae is working because there's no pressure

"Mga five months na since we started dating each other. It's perfect. Minsan magkasama kami sa trabaho, sabay na kaming pumupunta sa studio or sa location. Parang ang feeling ko, I have a new friend. Wala akong best friend before, e," says Jar-R about his relationship with sexy starlet Krissa Mae.


Ang repackaged Christmas album ni Jay-R na Holiday of Love ay inihahandog niya sa kanyang family. May idinagdag na cut dito, ang "Spread the Love" duet nila ng kapatid niyang si Jhing, na siya rin ang nagsulat ng awiting ito.

"It's about family, giving love to anyone," ani Jay-R sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "May isa pang bagong cut, yung 'Tito Reny,' about my Tito Reny who died months before Christmas. I want to uplift my family that's why we included the song."

Ang Holiday of Love ay repackaged version ng unang Christmas album ni Jay-R—which was first released in 2006 with its original title, Christmas Away From Home—ay naglalaman ng kakaibang renditions ni Jay-R ng traditional Christmas carols.

Jazzy and R&B ang dating ng kabuuang album, which makes it different from the other contemporary pop albums. Kasama rito ang mga awiting "White Christmas," "Sleigh Ride," "Do You Hear What I Hear?," "Give Love on Christmas Day," "Winter Wonderland," ang acapella version niya ng "Oh Holy Night," at marami pang iba.

"Padagdag nang padagdag ang songs everytime na nire-repackage," sabi ni Jay-R. "Timeless naman ang Christmas every year. Hopefully, next year, madagdagan ng Tagalog songs.

"Iba talaga ang feeling kapag Pasko. Natatandaan ko, noong bata pa ako, malakas ang loob ko, kasi lahat ng gifts, napupunta sa akin. Lahat ng family members, nandodoon, nagkakainan.

"Happiest Christmas ko, noong 10 years old ako. Nandoon pa nga ang Tito Reny ko. Nasa isang house kami sa U.S., sa Sun Valley, North Hollywood, may fireplace."

How will he spend Christmas this year?

"Punta ako ng States," sabi niya. "Yung parents ko kasi, nandun sila. I want to be with them. May family din ako rito, mga pinsan at tito, tita... Pero brothers and sisters ko kasi, lahat sila, nasa U.S. na, ako lang ang nandito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHRISTMAS WITH KRISSA MAE. Hindi naman daw loveless ang status ni Jay-R, lalo na this season.

"Si Krissa Mae [Arrieta] ang lagi kong nakaka-date," pag-amin ni Jay-R. "It has been a good little journey. Positive ang dating ng lahat sa aming dalawa. Masaya kami kapag magkasama.

"Mga five months na since we started dating each other. It's perfect. Minsan magkasama kami sa trabaho, sabay na kaming pumupunta sa studio or sa location. Parang ang feeling ko, I have a new friend. Wala akong best friend before, e.

"The key talaga why it's working, walang pressure. That's why I like the relationship so much. Kasabay ko siyang pupunta sa States this Christmas. Nang malaman niyang pupunta ako, bigla raw niyang na-miss ang family niya, and she wants to go back to the States for Christmas. Nag-decide siyang sumabay na sa akin. Nandoon din kasi ang parents at mga kapatid niya," pagwawakas ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN