Christian Bautista accepts that he will be linked to Rachelle Ann Go "forever"

"Sa ngayon, ang importante sa akin, maging totoong kaibigan kay Rachelle. Yung walang intensiyon na makipagbalikan. Kasi kung may ibang intentions, lalong lumalabo, nagiging biased ako," says Christian Bautista about Rachelle Ann Go.


Hanggang ngayon, matindi pa rin ang dikit ng pangalan ni Christian Bautista sa dating kasintahan na si Rachelle Ann Go, na ngayon ay pinag-uusapan dahil sa naganap na split naman nito kay Gab Valenciano.

"Alam mo, nang mag-split kami ni Rachelle, nagkaroon siyempre ng healing process sa akin," sabi ni Christian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero nakapag-move on naman ako and I dated around. Naghanap din ako ng possible girlfriend materials, pero hindi ko na pinagsasabi pa yun sa press. That part was so private na. I kept that to myself. Pero normal na tumakbo ang buhay ko, at hindi nga ako na-link sa iba."

Nawala na raw yung romantic feeling niya kay Rachelle, lalo na nang magkaroon na ito ng ibang boyfriend. "Pero hindi ko naman masasabi kung ano ang mangyayari sa future," biglang kambiyo niya. "Sa ngayon, ang importante sa akin, maging totoong kaibigan kay Rachelle. Yung walang intensiyon na makipagbalikan. Kasi kung may ibang intentions, lalong lumalabo, nagiging biased ako.

"So, tinitingnan ko ang sitwasyon niya as it is. Kailangang maging maayos ang pag-iisip ko sa paraang matutulungan siya. Kung may ibang gusto ako sa kanya, hindi ako magiging objective. Iba ang magiging dating ng advice ko sa kanya. Nagkakaroon ng malice. Ayokong magkaroon ng malisya, at mas maganda ngayon, kasi talagang nandoon ang respeto."

Natawa na lang si Christian nang mapansin naming despite everything, nadawit pa rin siya sa isyu ng hiwalayan kina Rachelle at Gab.

"Ganoon talaga," aniya. "Nagulat nga ako dahil nang maghiwalay sila, ang dami nang naghahanap sa akin para ma-interview at hinihingan ng reaction. Showbiz 'yan, e. Balita. Dahil diyan, forever na akong mali-link kay Rachelle. Okey lang naman."

Hindi na nga maiiwasan pa yun at tanggap kapwa nina Christian at Rachelle ang ganoon.

"Pero kami ni Gab, wala kami sa same circle, e," paliwanag ni Christian. "Yun ang explanation kaya hindi kami nagkakausap. Ang nakakasama niya sa ASAP, yung mga dancer, sina Mickey [Perz], John Prats, Rayver [Cruz]... Grupo nila 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang grupo ko, yung Champions, mga singer. Sa rehearsal, iba talaga ang grupo ko kaya hindi kami masyadong nagkikita ni Gab. Hindi kami nagkakausap, at mahirap din kasi. Ako ang past noon, naging present siya, at pareho na kaming past, di ba? Kung magkita man kami, we don't have to talk. Sensible enough kaming dalawa ni Gab para magkaintindihan."

Civil sila ni Gab. Friends sila, pero hindi raw close. Pero okey naman sila.

CHRISTIAN IN 2010. Sa 2010, anu-ano ba ang dapat abangan kay Christian?

"I have been working so hard for my album, yung Romance Revisited from Universal Records," aniya. "Gusto ko talagang mag-platinum 'yan, or even double platinum. Ngayon lang ako na-excite, kasi lumipat ako from Warner to Univeral, di ba? I'm also doing this for Jose Mari Chan, kasi collection of hits niya 'yan na nire-revive ko lang.

"Next year, I want to do more acting. Gusto ko TV and movies. I will do my best to undergo workshops. Nami-miss ko na rin, e. Hindi ko forte, pero gusto ko pang subukan. Light romance siguro muna," aniya.

Ito rin siguro ang dahilan kung bakit nagkakaresulta na ang hataw niya sa workouts.

"Since February, I have been working out. I'm eyeing a 175-pound frame of pure muscles. I weigh around 165 pounds. Gusto ko pa ng more muscles dahil mas magandang tingnan sa TV," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN