Heart Evangelista realizes she can't be friends with ex-boyfriend Jericho Rosales

"Na-feel ko na it's time to move on. You're around people not because you're meant to be with them for life, but because you're meant to be with them for a certain time in your life," says Heart Evangelista.


Kararating lang ni Heart Evangelista mula Beijing, China, para sa shooting ng pelikulang Mano Po 6, pero sumipot pa rin siya sa presscon ng pinakabagong primetime series ng GMA-7, ang Full House, kagabi, November 24, sa 55 Events Place sa Sct. Rallos, Quezon City.

Panay nga ang biyahe ngayon ni Heart dahil prior to her shooting in Beijing, nagpunta naman sila ng kaparehang si Richard Gutierrez sa Prague, Czech Republic para sa taping ng Full House.

SECOND TIME. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkasama sina Heart at Richard sa isang proyekto. Una silang nagkatambal sa Codename: Asero, na unang proyekto ni Heart sa Kapuso network.

Kung sa Codename: Asero ay nagpunta sila sa Dubai, dito naman sa Full House ay nagtungo sila sa Prague.

"Nag-abroad kami sa Dubai, pero first time ko sa Europe. Yung mga pinag-syutingan naming lugar, like Charles Bridge... So, aside from work, nakalakwatsa rin kami. Nakabili kami ng mga abubot, mga paintings. Masaya kasi lahat kami nag-bonding," kuwento ni Heart sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Ang Full House ay ang Pinoy adaptation ng highest-rating Koreanovela na tinampukan ng Korean superstars sina Song Hye Kyo at Rain (bida sa Hollywood film na Ninja Assassin). Si Heart ang gaganap bilang si Jessie at si Richard naman bilang Justin.

Ayon kay Heart, iniba raw nila ang atake nila sa Pinoy version ng Full House.

"Humor ng Filipino ang ginawa namin dito. Kasi kung masyadong Koreana, baka magmukhang sitcom," sabi niya.

Kung may similarities siya kay Jessie, ano yun?

"Siguro ano...very happy-go-lucky in the sense na I also live one day at a time. Para siyang bata. Ako, para rin akong bata. So, yun ang same namin."

PERSISTENT TEXTER. Diretsahan na ring itinanong kay Heart ang tungkol sa balitang habang nasa Prague daw siya ay may nangungulit sa kanya sa text na hindi naman daw niya sinasagot. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa nangungulit... May mga ganoon minsan, from time to time, mga texts. Pero busy ako noong time na yun!" natatawa niyang sabi.

Kung hindi siya busy, sasagutin ba niya ang text messages na ito?

"Lately? No," diretsa niyang sagot.

Natawa naman si Heart nang may magbanggit ng pangalan ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales. Sinabi raw kasi ni Jericho sa isang interview open na naman ang communication nila ni Heart. Tinanong ng PEP si Heart kung hindi ba niya nagustuhan ang mga sinabi na ito ni Jericho?

"Well, hindi siguro siya ang nagpalabas," sabi ni Heart. "In fairness naman, I heard na ipinagtanggol niya ako. I just don't like what he said, so it's totally different with what's happening now."

So, ano na ang status nila ngayon?

"Wala... walang mangyayari."

CANNOT BE FRIENDS WITH JERICHO. Pinalinaw namin kay Heart kung ano nga ba meron sa pagitan nila ni Jericho. Nabalita rin kasi na nakakalabas na silang dalawa ay may communication na ulit.

"Ano lang kami, we were able to talk," sagot ni Hewart. "Pero eventually rin kasi, I can't be like parang friends... I cannot be friends with him now. So, I decided not to have anything until I owe myself the time to be alone and, you know, my work, prioritize myself. So, no, no communication."

Hindi naman sumang-ayon si Heart sa sinabi ni Jericho na posibleng sila pa rin sa huli.

"I don't think I'll do," sabi niya.

Wala na talaga siyang feelings para kay Jericho?

"I will always feel something for the people that has been part of my life. That's always there. I'm trying to be as honest as I can. I don't want to ano... But I also don't like... Kasi, there are lots of things that's been said which are not happening. So, dun pa lang, nate-turn-off na lalo ako. So, I'd rather have a normal life in terms of my lovelife," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung mga bagay na nasabi, pero hindi naman nangyayari?

"The recent one was, parang something that's me talking to all the girls... I don't do that! I've never done that. And actually, as much as possible, I don't want to talk about it, it's been two years. So, parang help us na rin to not think about it. Parang ganun."

Hindi naman itinanggi ni Heart na may mga pagkakataong nanonood sila ng sine ni Jericho na magkasama. Pero after that, dun na rin daw niya na-realize na hindi na sila puwedeng maging magkaibigan.

"Na-feel ko na it's time to move on. You're around people not because you're meant to be with them for life, but because you're meant to be with them for a certain time in your life," saad niya.

Is she ready to fall in love again?

"No," mabilis niyang sagot.

DENNIS TRILLO. Si Dennis Trillo, na kasama ni Heart sa Mano Po 6, ay very open sa admiration sa kanya. In fact, binigyan pa siya nito ng gift nang mag-shooting sila sa Beijing.

"Oo nga, e. Cute naman siya. Ang bait-bait niya. Tahimik lang siya. Hindi siya aggressive, which I like very much. Pero I'm not ready for anything, I'm really not, e. Pero here and there, hi and hello, chika-chika, okey lang yung mga ganoon," sabi ni Heart.

Kung yayain siyang mag-date ni Dennis, okay lang?

"Not one-on-one," sagot niya. "Ang saya-saya ng buhay ko. Feeling ko, ang pag-ibig minsan binibigyan ka lang ng mga problems."

Wala ba siyang pag-aalinlangan kay Dennis dahil sa mga pinagdaanan din nitong mga intriga?

"You know, I don't want to judge people. Ako rin naman, marami that has been said about me. So, it's unfair to judge him."

A GREAT YEAR. Para kay Heart, naging napakaganda ng 2009 para sa kanya, especially kung iku-compare noong isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, sobrang blessing sa mga nangyayari sa akin. Hindi ako puwedeng mag-complain tungkol sa maliliit na bagay na nangyayari here and there sa buhay ko. Kasi, ang blessing ko, family, health, career. Everything is so good. Hindi ko magawang mag-complain at magtanong kay Lord kung bakit ito nangyayari," sabi niya.

Lovelife?

"Lovelife, wala. But it's not the only thing that makes you complete, 'no!" natatawang sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN