Isabel Oli does not care about ex-boyfriend Paolo Contis anymore

"Nasaktan lang talaga ako kaya feeling ko, kailangan kong i-defend yung sarili ko kasi sobra-sobra na. Kasi wala naman akong sinasabing masama sa kanya. Pag ini-interview ako, dine-defend ko lang ang sarili ko. Wala akong negative comment about Pao. Kaya nagtataka ako kung saan nanggaling yung ganung statement niya," says Isabel Oli about ex-boyfriend Paolo Contis.


Happy si Isabel Oli dahil pagkatapos mamatay ng character niya sa afternoon soap na Kaya Kong Abutin Ang Langit ay nabigyan ulit siya ng bagong project ng GMA-7. Kasama siya sa cast ng Filipino remake ng hit Koreanovela na Full House, na mapapanood na sa GMA Telebabad simula sa Lunes, Nobyembre 30.

Ginagampanan ni Isabel dito ang role ni Elaine, ang sikat na fashion designer at stylist ni Justin, played by Richard Gutierrez. In love siya rito kay Luigi (Patrick Garcia) pero hindi niya magawang iwan si Justin. Isa siya sa mamamagitan sa relasyon nina Justin at Jessie (Heart Evangelista).

Napanood niya ba ang original version ng Full House?

"Oo, napanood ko and nagustuhan ko talaga siya. Inaabangan ko talaga yun," pag-amin ni Isabel nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press sa grand presscon ng Full House kagabi, Nobyembre 23, sa 55 Events Place sa Sct. Rallos, Quezon City.

Ano ang atake niya ngayon sa character niya kumpara sa original?

"Medyo iniba nila ng konti. Kasi yung una, Lorraine, so sa name pa lang binago na nila. Elaine na ang name ko dito. Pero pareho pa ring fashion designer at stylist. Si Lorraine kasi dati, medyo tahimik siya, e... Actually, si Elaine is really a challenging role for me kasi si Direk Mark [Reyes] and the creative team, they want to see a new Isabel Oli—stylish, mayaman, maarte, pero hindi maldita. She's a kontrabida in a way, pero hindi siya yung maldita kontrabida. Mabait siya. Kontrabida lang siya sa love team nina Justin at Jessie, pero hindi siya yung nananampal, nang-aaway. More on salita lang pag nag-aaway kami ni Heart. So, for me, it's bago and challenging talaga for me."

First time niya raw makakatrabaho si Heart.

"Hindi lang si Heart, si Chariz [Solomon] din at saka si Sweet [John Lapus], first time ko silang katrabaho. Masaya sa set lagi," sabi ni Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito naman ang second time niyang makasama sa teleserye si Richard. Siya ang leading lady ng young actor sa telefantasyang Sugo noong 2005.

LOVELIFE. Pinansin ng mga press ang pagiging blooming ni Isabel ngayon. Kaya ang tanong tuloy sa kanya ay kung may bago na ba siyang lovelife?

"Wala pang lovelife, but I'm happy with myself. I just go out on dates," sagot niya.

Tuluy-tuloy pa rin ba ang pagde-date nila ng non-showbiz guy na ikinuwento niya dati?

"Well, he's still there, pero hindi pa kami nakakalabas ulit. Kasi hindi naman talaga kami exclusively dating. I just go out on dates. Minsan group dates."

Pero hindi pa ba sila nung non-showbiz guy?

"Hindi pa, hindi pa."

Wala pa ba siyang napipili sa mga bago niyang manliligaw?

"Wala pa. Mahirap kasi ngayon kasi nagte-taping kami, sunud-sunod. Tapos may mga raket pa ako in between. So, mahirap talaga. Kung gusto mo talagang maghanap o makapag-decide ka, kailangan mo talaga ng time para makilala mo. Mahirap na, e."

Hindi ba siya nagkaroon ng trauma sa past relationship niya with ex-boyfriend Paolo Contis kaya ayaw pa niyang magka-boyfriend?

"No, wala namang trauma. Ayoko lang na masaktan ulit. Parang iwas-iwas muna," saad niya.

HURTFUL WORDS FROM PAOLO. Speaking of Paolo, nasaktan ba siya sa mga naging pahayag ng ex-boyfriend niya against her?

"Yes, oo," pag-amin niya. "Kaya nga pag tinatanong ako about Pao, I'd rather say nothing. Parang no comment na lang ako. Parang iwas na lang. Hayaan ko na lang. Pero nasasaktan ako kasi may mga nakakarating pa sa akin. Pero okay lang."

Feeling niya ba binabaligtad ni Paolo ang katotohanan?

"I don't know. I'll just keep quiet na lang. Mag-pray na lang ako. Kasi I believe yung prayer mas powerful."

Does she still care for Paolo?

"Honestly, no. I don't care anymore," diretso niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang nagbago yata siya ang statement niya compared before na sabi niya ay meron pa siyang konting concern sa ex-boyfriend?

"Yeah. After a month or two after the breakup, siyempre hindi naman mawawala yun. Pero ngayon sa mga nangyayari, wala talaga. And I'm so happy, sa totoo lang. I'm so happy with my life. Sa career, sobrang blessed talaga ako. Ang daming ibinibigay sa aking endorsements. And my family, sobrang okay kami kahit may sakit ang dad ko. Pero he's okay naman, stable naman. Sobrang happy talaga ako."

Ano ang naramdaman niya noong sinasabi niyang naging close siya sa mommy ni Paolo, tapos noong si Paolo ang ma-interview ay idinenay nito ang naturang closeness nila?

"Siyempre nasaktan ako. Kaya nga nagsalita na ako sa Showbiz Central, e. Kasi for me, it's too much. Like quiet lang ako, tapos I heard meron pa ring sinasabi. Kaya parang, 'Wait, kailangan ko nang magsalita.' Tapos yun nga ang pinaka-last and I really don't want to talk about him anymore. Kasi magkaiba na yung life namin. I have my own life which I'm so happy. Siya meron na siyang own family.

"Nasaktan lang talaga ako kaya feeling ko, kailangan kong i-defend yung sarili ko kasi sobra-sobra na. Kasi wala naman akong sinasabing masama sa kanya. Pag ini-interview ako, dine-defend ko lang ang sarili ko. Wala akong negative comment about Pao. Kaya nagtataka ako kung saan nanggaling yung ganung statement niya," pahayag ni Isabel.

Pero hanggang ngayon ba nasasaktan pa rin siya?

"Wala na. After nung mailabas ko na yun sa Showbiz Central, okay na ako. Kung may sasabihin pang iba, may sasabihin pa ulit, bahala na."

Alam ba ng family niya ang mga pinagdadaanan niya after ng breakup nila ni Paolo?

"Yes, alam."

Nasaktan din ba sila lalo na nga't naging close din sila kay Paolo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, naging close. Siyempre family ko yun kaya nasaktan din sila. Pero wala naman silang sinasabing bad against him. Nasasaktan lang sila, lalo na my dad," sabi niya.

WILLING TO WORK WITH PAOLO. Paano kung magkita sila ni Paolo?

"Hindi ko na masasabi ngayon kung ano ang magiging reaksiyon ko after ng mga nangyari."

Hindi pa ba sila nagkikita?

"Nakita ko siya sa debut ni Yna Asistio kasi pinaakyat siya sa stage. Hindi ko alam na invited din pala siya. Nandun siya sa stage. Nung time na yun, hindi pa lumalabas yung isyu about his mom. Hindi kami nagkaroon ng chance na mag-meet o magkasama kasi sobrang sandali lang ako doon and kailangan ko na ring umalis. Parang I have three parties pa to go that night."

Hindi kaya iniiwasan niya lang si Paolo?

"Hindi, hindi ko siya iniiwasan nung time na yun. Parang huwag na lang siguro."

Totoo bang nag-request siya sa GMA-7 na huwag siyag bibigyan ng project na kasama si Paolo?

"No, not true," tanggi niya. "Tinanggap ko yung Darna noong una at alam ko na part siya ng Darna. Tinanggap ko yun. Pero nung mangyari nga yung [pagkakasakit] sa dad ko, I have to turn it down. Nawala talaga ko for three months."

Pero okay lang ba kanya ngayon na magkasama sila sa isang project?

"Okay lang."

Hindi ba mahirap yun?

"Hindi naman siguro, trabaho yun e. So, go lang nang go!" natatawang sabi ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN