Heart Evangelista takes full advantage of her second chance in showbiz

"When I moved to GMA-7, I thought, ano na kaya ang mangyayari sa akin? Things were so uncertain. Kasi, bihira ang nabibigyan ng second chance. Yun din ang dahilan kung bakit parang may insecurities pa ako. But I have learned to face my woes. It was through working hard, at saka nakita ko yung difference. Nauntog talaga ako nang bonggang-bongga na wala akong ibang dapat gawin kung hindi ma-realize ang mga kamalian ko noon," says Heart Evangelista.


Nasa peak ng kanyang career ngayon si Heart Evangelista. With a new teleserye on GMA-7, Full House, and a major film titled Mano Po 6 co-starring with Sharon Cuneta, nangangahulugan lang na ang paglipat niya sa Kapuso network mula sa ABS-CBN ay nagbunga ng maganda at marami ngang nabago sa kanya in terms of attitude.

"I was uptight when I joined GMA-7," pagtatapat ni Heart sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Aaminin ko kasi na nag-suffer din ang career ko dahil lumaki ang ulo ko. I was the typical bratinella, kasi nakuha ko naman ang lahat nang hindi masyadong nahirapan. Para bang when I entered showbiz, things were served to me on a silver platter. Kaya hindi ko masyadong na-appreciate noon ang kahalagahan ng pag-aartista ko."

Unti-unti, nabago ang tingin ni Heart sa mundo mula nang bigyan uli siya ng bagong pagkakataon.

"When I moved to GMA-7, I thought, ano na kaya ang mangyayari sa akin? Things were so uncertain. Kasi, bihira ang nabibigyan ng second chance. Yun din ang dahilan kung bakit parang may insecurities pa ako. But I have learned to face my woes. It was through working hard, at saka nakita ko yung difference. Nauntog talaga ako nang bonggang-bongga na wala akong ibang dapat gawin kung hindi ma-realize ang mga kamalian ko noon."

Naramdaman ni Heart na yumabang at lumaki ang ulo niya. Idagdag pa ang pangyayaring nabaliw siya sa pag-ibig kay Jericho Rosales at doon nagsimulang mawindang ang career nila.

"Parang ang dating sa akin noon, 'E, ano ngayon?' Basta ang nasa utak ko lang, na-in love ako, yun lang mundo namin ni Echo ang mahalaga. Eventually, siyempre, naramdaman ko na it's more than that. Lalo na nang mapunta rin sa wala ang relationship namin," saad ni Heart.


A WISER HEART? Ang mahalaga, successful ang metamorphosis ni Heart. Mula nang bumongga ang career niya sa GMA-7 via Codename: Asero, na nasundan ng Luna Mystika sa primetime at Ngayon at Kailanman sa daytime, heto at nagbabalik siya sa pamamagitan ng Full House, ang latest local Koreanovela adaptation na pinagtatambalan nila ni Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang suwerte-suwerte ko na para maging problema pa sa iba!" sambit ni Heart. "All I have to do is focus on my career, and be appreciative of the opportunities that come my way. Sabi nga nila, bihira yung mga nagkakamali na nakababalik nang maganda. Clearly, binigyan ako ng second chance at hindi ko na dapat pa itong sayangin."

Kapag nakakausap si Heart, punumpuno na siya ng wisdom. She seems to have gone through a long journey at a very young age.

"Not wise enough perhaps," aniya. "Pero, papunta ako doon as I mature. Definitely, I'm wiser now.

Dagdag niya, "Nakikita ko pang lalo ang ganda ng buhay, kung gaano ako ka-blessed. Kahit sinasabi nilang I came from a well-off family, not forever nasa tabi ko ang parents ko. Eventually, I have to survive on my own, lalo na't hindi naman ako ang nag-iisang anak.

"Kailangan kong pagsikapan kung ano rin ang ikagaganda ng future ko. That's why walang dahilan para hindi ako matuto sa mistakes ko, at huwag nang ulitin pa yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN