Be Bench winner Carlo Guevara switches networks

Model turned actor Carlo Guevara makes a big move in his showbiz career by transferring to the Kapuso network. Carlo had been with ABS-CBN for two years.


Isa na namang Kapamilya ang lumipat sa Kapuso network.

Ito ay si Carlo Guevara, ang hunky male star na nagsimula sa showbiz bilang winner ng Be Bench model search noong 2007 ng ABS-CBN.

"Freelance na ako. Hindi na ako naka-sign up sa ABS. Nag-freelance ako, tapos magsa-sign na ako ng contract sa GMA," banggit ni Carlo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa It's Raining Men benefit show ng Pagcor-Pavilion sa Coral Ballroom ng Manila Pavilion.

Halos dalawang taon ding namalagi sa Dos si Carlo after his Be Bench victory.

"Automatically meron yung one year and two months contract sa ABS, nabuo ko yun," sabi niya.

Ayon kay Carlo, marami rin naman daw projects na naibigay sa kanya ang ABS-CBN noong nandun pa siya.

"Marami din silang shows na naibigay sa akin, nag-workshop pa ako. Then after nun, meron silang mga shows na ibinigay sa akin, hindi ako nawalan ng show."

Kaya bukod sa one year and a half niyang kontrata after winning sa Be Bench, pumirma ulit siya ng another six-month contract sa Kapamilya network. Nagtapos daw ang kontrata nito lamang October.

NOT BECAUSE OF DAIANA. Pero bakit lumipat sa GMA-7 si Carlo?

"Parang gusto ko na mas malawak yung natatrabaho ko. Mas malawak na puwede sa GMA, puwede sa ABS," sagot ng 20-year-old model turned actor.

Hindi kaya ang isang dahilan ng paglipat niya sa GMA-7 ay para magkasama na sila ng girlfriend niyang si Daiana Menezes, ang Brazilian beauty na isa sa co-hosts ng Eat Bulaga!?

"Hindi!" mabilis niyang tanggi. "Sa trabaho, wala naman kaming pakialaman sa trabaho, professional kami. May trabaho siya, may trabaho ako. Happy naman kami."

Seven months na ngayong November ang relasyon nina Carlo at Daiana.

Ngayong Nobyembre nakatakdang pumirma si Carlo sa GMA-7. Meron na rin daw nakahandang show na sasalihan niya sa Siete. Ilang years ang contract niya sa Kapuso network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa alam. Siguro susubukan ko one year, ganun."

NOT BURNING BRIDGES. Willing pa rin naman daw si Carlo na muling magtrabaho sa ABS-CBN si Carlo.

"Oo naman, 'tsaka dun din ako nagsimula."

Nagpaalam ba siya sa Star Magic na dating humahawak ng kanyang showbiz career?

"Oo, nagpaalam naman ako sa Star Magic. Maayos naman yung napag-usapan namin."

Nag-offer ba sila ng renewal?

"Nag-offer sila, tumanggi ako. Sabi ko. gusto ko mag-try din sa GMA para ma-experience ko din makatrabaho yung iba."

Ibig bang sabihin nito ay hindi siya satisfied sa naging stay niya sa ABS-CBN?

"Hindi naman, okay lang," sagot ni Carlo. "Hindi naman ako nawawalan ng projects, laging meron. Katulad nung pagkatapos ng Kambal Sa Uma, meron akong Agimat agad, yung kay Gerald [Anderson], yung Tiagong Akyat. So, meron agad na follow-up lagi na show.

"Siguro hindi pa lang ako nabibigyan ng mas big break, ng mas magandang role. Yun yung huli kong ginawa sa kanila, yung Tiagong Akyat. Gusto kong magtrabaho... Kasi feeling ko yung mga roles na nagampanan ko sa mga shows, kaya ko pang higitan."

Bukod sa ABS, wala na ring kontrata si Carlo sa Bench.

"Hindi na ako nag-sign ng contract sa Bench. Hindi naman sa tinatanggihan ko... Yung pagkapanalo ko, one year and two months. Nung October din, in-offer-an nila ako, hindi naman sa tumanggi, hindi lang nagkaayos sa usapan," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN