Keempee de Leon owes his second wind in showbiz to his gay roles

"Tanggap na ako ng mga tao na gumaganap ako ng ganito. In real life naman, alam nila na hindi bading si Keempee. Acting lang lahat at doon sila natutuwa," says Keempee de Leon about playing gay roles.


Balik sa pagganap bilang bading si Keempee de Leon sa bagong primetime series ng GMA-7 na Full House. Siya ang gaganap bilang mataray at istriktong manager ni Justin (Richard Gutierrez) na si Mr. H.

Okey lang daw kay Keempee na muli siyang gumanap na bading sa isang TV series. Ang pagganap daw niya ng bading sa sitcom na Bahay Mo Ba 'To ang muling nagpasikat sa kanyang pangalan. Huli siyang gumanap na bading sa Lalola bilang roommate ni Rhian Ramos.

"Matagal-tagal din naman akong hindi lumabas na bading sa TV series," sabi ni Keempee. "Yung last series ko na All About Eve, lalake naman ako doon. Nagbading-badingan din ako sa Are You The Next Big Star?. So napahinga ko naman ang pagiging pa-girl ko.

"Dito sa Full House, all-out na naman ako kasi pati mga outfits ko, pinag-isipan nang husto. Natatawa nga ako kasi ang mga pinasusuot sa akin, mga winter clothes! Kumpleto with scarf, trench coat, at boots. Kahit mainit, iniisip ko na lang na may snow sa Pilipinas!" tawa ng aktor sa presscon ng Full House last November 23.

Marami ang nakapansin na parang ginagaya niya sa kanyang character sa Full House ang TV host at talent manager na si Boy Abunda. Pati pananamit at kung paano kumilos si Boy ay gayang-gaya ni Keempee.

"Yun kasi ang sinabi sa akin ni Direk Mark [Reyes] na gawin kong inspirasyon. Kasi nga talent manager and at the same time flamboyant. Sana lang hindi magalit si Kuya Boy, di ba? Trabaho lang po ito at nakaka-flatter naman yung ginagaya ka ng iba, di ba?" paliwanag niya.

Hindi ba naba-bother si Keempee na kinakatuwaan lang siya kapag ang character niya ay bading? At nagkakaroon lang siya ng matinong trabaho kapag gay character ang ginagampanan niya.

"Sa totoo lang, hindi. But before, bothered din ako. Tinanong ko rin sa sarili ko na, 'Hanggang kelan ba ako gagawa ng ganito? Hindi pa ba nagsasawa ang mga tao na I always need to portray a gay character?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero na-realize ko na wala naman pala akong dapat ikatakot. Tanggap na ako ng mga tao na gumaganap ako ng ganito. In real life naman, alam nila na hindi bading si Keempee. Acting lang lahat at doon sila natutuwa.

"Since I created the role of Harold sa Bahay Mo Ba 'To, doon nagsimula ang lahat, e. Nagkasunud-sunod ang mga trabaho ko ulit. So I owe a lot to my gay roles on TV. Proud ako na gawin ang roles na ganito.

"But of course, kailangan may pahinga rin para walang sawa. Kaya nga minsan, nasa Eat Bulaga! ako and I occasionally guest sa SOP din at sa ibang guestings. Doon naman ay hindi na ako nagbabading. Normal na Keempee ang napapanood nila, kaya may balance," paliwanag niya.

ANOTHER FAILED RELATIONSHIP. Naikuwento rin ni Keempee sa PEP na kaka-break lang niya sa kanyang non-showbiz girlfriend three weeks ago. Lihim daw na nakipagrelasyon si Keempee sa non-showbiz girl na ito, pero mabilis ding natapos ang relasyon nila.

"The usual naman ang rason, e," sabi niya. "Hindi kami magkaintindihan sa trabaho namin. Hindi maiwasan ang mag-away talaga. May iinit ang ulo, may masasabi kang hindi maganda. Doon na magtatapos ang lahat.

"Ako naman, I try to make things work. Mahirap kasi kapag hindi ninyo naiintindihan ang bawat isa. Mahirap lalo if one refuses to understand. Kahit na gusto mong i-save ang isang relasyon, pero walang mangyayari kung hindi kayo magkasundo talaga sa iisang bagay."

KEEMPEE'S TEENAGE DAUGHTER. Dalaga na pala ang anak ni Keempee na si Samantha. Fourteen years old na ito at kinakabahan ang aktor na baka one day ay mabaling na ang atensiyon nito sa boys.

"Four years na lang kasi mag-e-18 na siya. Nakakalungkot isipin na yung dating baby na karga mo lang ay malaki na. So far, maka-daddy pa rin siya. Ayaw nga niya akong magkaroon ng girlfriend, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero one day, hinahanda ko na ang sarili ko na mapupunta ang atensiyon niya sa ibang bagay, like sa barkada and boys. Hindi ko mapipigilan 'yan, e. Kailangan ay handa ako emotionally as a father," pahayag niya.

Gusto sana ni Keempee na magkaroon na ulit ng isa pang baby para may makapalit ang kanyang panganay.

"Siyempre I want another baby. Pero gusto ko ay kasal na ako sa babaeng gusto kong magkaroon ng second baby," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN