Mark Herras: "Kung magkakaanak man ako, gusto ko dun sa taong mahal ko at pakakasalan ko someday."

"Kahit naman sinasabing may ebidensiya raw sila, I'm not scared. Sige, ilabas niyo. Kung gusto nilang magdemanda, magdemanda kayo kung meron kayong idedemanda," says Mark Herras about the girl who claims that he knocked her up.


Sa presscon para sa third dance album ni Mark Herras na The Greatest Moves under Universal Records noong November 24, ay hindi nakaligtas ang young actor sa mga tanong tungkol sa isang babae na nagke-claim na nabuntis daw niya. (CLICK HERE to read related story.)

Nakilala na ba niya si Krissa, ang pangalan ng miyembro ng isang all-girl group na nagsabing si Mark ang ama ng kanyang ipinagbubuntis?

"Wala akong planong makilala kung sino man siya. Siguro bilhin na lang niya ang album para maging masaya siya!" natatawang sagot naman ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi naman na ito ang first time na mabalitang may nabuntis si Mark.

"Ito na yata ang third time!" tawa niya ulit. "Yung first na naisyu ako, medyo dun ako natakot. Yung second, medyo parang meron na naman? Yung third, parang wala ka nang dating, yung ganoong isyu."

Bakit nga kaya lapitin siya ng ganoong intriga?

"Hindi ko nga alam. May nagsabi na may grupo raw yata ito. So, tingin ko, gumagawa ng isyu para makilala sila."

May ebidensiya raw si Krissa. Ano ang masasabi niya rito?

"Kahit naman sinasabing may ebidensiya raw sila, I'm not scared. Sige, ilabas niyo. Kung gusto nilang magdemanda, magdemanda kayo kung meron kayong idedemanda," diin niya.

Napipikon ba siya?

"Hindi!" natatawang sabi niya.

Gusto ba niyang alamin kung ano ang motibo ng babae at kung bakit siya ang itinuturong ama ng kanyang dinadala diumano?

"Hindi naman kailangan, e," sagot ni Mark. "Kasi unang-una, hindi naman ako apektado sa ginagawa nilang isyu. Number two, hindi ko naman siya kilala. Number three, ayoko naman siyang makilala. At saka ngayon pa na magkakaroon na ako ng third album, tapos ngayon sila maglalabas ng ganoong isyu. So, pangit din."

Hindi ba niya naisip minsan na may anak nga siya na hindi niya lang alam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa ito sabay sabi ng, "Meron akong mga kapatid na hindi ko pa nakikita. Pero pagdating sa anak, sigurado naman ako. And if ever man na meron ako, bakit ko itatago yun? Bakit ko itatago sa mga tao? Wala akong planong itago kung meron man. At saka alam niyo naman ako, kapag may isyung totoo, inaamin ko.

"Kung magkakaanak man ako," patuloy niya, "gusto ko dun sa taong mahal ko at pakakasalan ko someday. Ayoko nung marami akong anak sa labas. Naisyu na ako ng bad boy, babaero, gusto ko na patunayan din naman sa mga tao na hindi ako ganoon. Yun ang target ko. If ever na sinuman ang mapapangasawa ko, yun ang gusto kong magkaroon ng anak."

BUSY MARK. Is he seeing someone right now?

"I'm seeing my album!" natatawa niyang sabi. "Wala... wala. Busy ako sa trabaho. Almost every day ako na nagtatrabaho. MWF ang taping ko, Saturday ang rehearsal ko. Linggo may mall tour pa, may taping pa ako ng StarStruck.

"Basta ako, ang target ko lang, mapaganda ang trabaho ko at ngayong may third album na, mapantayan or kayang mahigitan sana yung dalawang album ko na nagdaan."

Hindi naman itinanggi ni Mark na nananatili silang close ni Ynna Asistio, pero hanggang dun pa lang daw yun.

"Close ako sa kanya. Magkaibigan talaga kami and I'm very close to her family. Kaya madalas, kung makikita niyo man kaming lumalabas, usually, kasama namin family niya," sabi ng kauna-unahang StarStruck male winner.

PATRICK & JENNYLYN. Okay rin daw ang pakikitungo nila sa isa't isa ni Patrick Garcia, ang ama ng anak ng dating girlfriend ni Mark na si Jennylyn Mercado. Nabanggit namin sa kanya na gumagawa na rin ng move si Patrick para kausapin si Jennylyn through text.

"A, talaga? Which is good," nakangiting reaksiyon ni Mark.

Bilang kaibigan ni Jen at okey naman pala sila ni Patrick at inaanak nga niya si AJ, hindi ba niya naisip na magsilbing tulay para magkaayos at magkausap ang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi pagdating sa point na yun... Oo, I'm a close friend of Jen at kahit paano, kaibigan ko rin si Patrick, at inaanak ko si Jazz. Hindi ko na sakop yung, 'O, ano ba kayo? Mag-ayos kayo.' Mabuti sana kung ako ang maging tulay nila. Pero siyempre, hindi. Siguro with Pat, huwag na lang siyang mawalan ng hope."

Pero siya ba, gusto niyang magkaayos na rin ang dalawa lalo na para sa kanyang inaanak?

"Hindi naman sa magkaayos, pero yung pag-uusap. Siguro kasi ako, kahit paano, alam ko ang nararamdaman ni Jen. At alam ko rin ang nararamdaman ni Patrick. Pareho silang nasa stage na hindi nila maintindihan kung ano ang sitwasyon nila, kung ano ang mangyayari, di ba? Pero siguro, ang para sa akin na lang, darating din siguro ang time na lilinaw ang lahat for the both of them."

May balita naman na kukunin din daw siyang ninong ng magiging anak ng isa pa niyang ex-girlfriend na si Lian Paz at ni Paolo Contis.

"May mga bali-balita. Kaya noong tinanong ako sa Startalk na kukuhanin daw ako, sabi ko,'Why not?' Barkada ko si Pao, e."

Dalawang ex-girlfriend na niya ang may anak, pero siya ay nababalita lang palaging may anak na o nakabuntis. Wala ba siyang planong magkaanak na talaga?

"Hindi pa... hindi pa!" tawa niya. "Marami pa akong plano sa sarili ko, sa career ko. And gusto ko lahat, makilala ako hindi lang sa pagiging aktor kung hindi magmarka rin sa kanila na tulad ni Sir Gary V [Gary Valenciano]. Until now, ibang klase na sumayaw. At makita nila ako na three to four years, kahit medyo matanda na ako, nagsasayaw pa rin."

Sa December 14 ay magse-celebrate si Mark ng kanyang 23rd birthday. Ano ang birthday wish niya?

"Sana magtagal pa rin ako sa industriyang ito. At sana maging okey ang career ko. Advance wish din for the third album na sana maging successful," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN