JC Tiuseco insists he is not courting Maxene Magalona

"Mas okay sa 'kin yung magkaibigan kami. Hindi magulo sa taping, sa trabaho. Okay naman na parang magkabarkada lang. Kasi kapag may relationship kayo tapos nag-away kayo, pagdating sa taping, maaapektuhan ang trabaho ninyo. Mahirap," says JC Tiuseco when asked if he plans to court Maxene Magalona.


Hindi kinakabahan o nangangamba ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco kahit may bago nang winner ang Survivor Philippines. May mga nagsasabi kasi na malilipat na ang atensiyon ng GMA-7 sa bagong Pinoy Sole Survivor na si Amanda Colley Van Cooll at mapapabayaan na si JC pagdating sa projects.

"Hindi naman siguro. I mean, okay naman yung mga ibinibigay nilang projects sa akin, tulad nitong ChristmaSerye [Sana Ngayong Pasko]. Sobrang okay ako. Honored ako na binigyan nila ako ng ganitong opportunity kaya sobrang thankful ako sa GMA," pahayag ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa It's Raining Men benefit show ng Pagcor-Pavilion.

Speaking of projects, hindi naman nagtampo si JC na nawala na siya sa daily morning program ng GMA-7 na Unang Hirit, kung saan isa siya sa naging segment hosts.

"Wala na, end of contract na, last month lang, October. Hindi na ako na-renew. Magnu-news na kasi sila kasi mag-e-election na," paliwanag niya.

Pagkatapos ng Sana Ngayong Pasko, hindi pa alam ni JC kung ano ang susunod niyang project sa Kapuso network. Pero wala raw siyang kaba na nararamdaman.

"Malaki ang tiwala ko sa GMA," sambit niya.

Sa 2011 matatapos ang contract ni JC sa GMA-7 at wala raw siyang planong umalis dito.

"Hangga't gusto nila ako, hindi ako aalis," aniya.

Isa sa itinuturing ng sexiest men sa showbiz ngayon si JC. Kaya marami ang nagtatanong kung kailan siya magpapa-sexy. Pero ayon sa hunky male star ay hindi pa niya kayang gawin ito

"Shirt na lang muna. Hindi ko pa kaya, pero hindi ako nagsasalita ng tapos. Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya," sabi niya.

DATING MAXENE. Inamin naman ni JC na totoong nagde-date sila ng young actress na si Maxene Magalona. "Lumalabas naman kami, kasama ng mga kaibigan namin, grupo kami palagi. Madalas, sa mall lang kami pumupunta," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga kaibigan daw na madalas nilang kasama ay sina Glaiza de Castro, Patrick Garcia, at Rich Asuncion, na mga kasamahan nila noon sa afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

Pero ayon kay JC, hindi niya nililigawan si Maxene kahit wala na itong boyfriend ngayon.

"Hindi ko siya nililigawan kasi career muna ang priority niya."

Ibig bang sabihin, nag-attempt siyang ligawan si Maxene at sinabihan siya nito na career muna ang aasikasuhin niya?

"Hindi naman... Parang kasi sa mga interviews niya, sinasabi niya yun, na mas maganda na mag-focus muna siya sa career niya. Isa pa, ngayon lang siya naging single ulit, di ba, after a long time. Kaya siyempre, ine-enjoy niya rin yung pagka-single niya."

Pero may balak ba siyang ligawan si Maxene?

"Hindi ko alam, kasi ako, mas okay sa 'kin yung magkaibigan kami. Hindi magulo sa taping, sa trabaho. Okay naman na parang magkabarkada lang. Kasi kapag may relationship kayo tapos nag-away kayo, pagdating sa taping, maaapektuhan ang trabaho ninyo. Mahirap. Kaya mahirap sumagot sa tanong ninyo. Mas enjoy ako na as friends kami, mas okay na ganun muna," sabi ni JC.

Sila ni Maxene ang magkapareha sa Sana Ngayong Pasko, na nagtatampok din kina Ms. Susan Roces, Christopher de Leon, Gina Alajar, Dante Rivero, TJ Trinidad, JC de Vera, and Ynna Asistio

Kung wala ngang girlfriend si JC, saan siya kumukuha ng inspirasyon ngayon?

"Sa family ko, sa mga kaibigan... sa family lalo na. Siyempre, mas priority ko yung sa family ko, doon talaga ako kumukuha ng inspirasyon," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN