John "Sweet" Lapus uses Lolit Solis as peg for his role in Full House

Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg">

Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg">

"So siguro, each and everyone of us, all we need is chance at yun ang ibinibigay sa akin ng GMA at ipinapakita ko naman na sulit ang pagkuha nila sa akin. Three years na ako sa GMA, ang bilis. At wala akong pinagsisihan," says John "Sweet" Lapus.


Siguradong mapapansin ang role ni John "Sweet" Lapus sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Full House. Ginagampanan niya rito ang papel ng isang showbiz reporter na magiging "kontrabida" sa buhay ni Justin (Richard Gutierrez).

"Ako ang sakit ng ulo nila. Wala akong ginawa rito kung hindi laitin si Justin in particular. Kasi si Justin, siya yung pinaka-superstar ng Pilipinas. Lahat ng superstar, they can't have everything. Lahat ng superstar, meron silang... may isang magne-nega diyan. At yung character ko, si Chicky, ako ang magpo-provide nun sa buong season ng show," paglalarawan ni Sweet sa kanyang character.

Natural lang din daw ang atake ni Sweet sa character niya rito.

"Sinabi rin ni Direk Mark [Reyes] na, yes, this is a romantic comedy, pero ayaw niyang magmukhang sitcom. So, ang comedy rito, nangyayari talaga sa totoong buhay. Natural lang. Oo nga naman. E, di ba, sa totoong buhay, ang mga artista, may mga reporter silang nakakabangga? May nakakaaway? Ang ending, pinag-iinitan na sila," sabi niya.

LOLIT SOLIS-INSPIRED LOOK. Dahil isang showbiz reporter ang role ni Sweet ngayon, natawa siya nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Full House kung may inspirasyon o peg ba siya sa kanyang character.

"Alam niyo, yung peg ng looks ko ay si Tita Lolit [Solis] noong [Manila Film Festival] scam days!" natatawa niyang sabi. "From the sandals, to the slacks, sa mahiwagang damit, long hair... Kailangan ko ng panghahawakan na peg, e. Di ba, noong scam days, binansagan si Tita Lolit na 'most hated'? E, yung character ko, talagang kamumuhian ng mga televiewers."

Hindi ba niya naisip ang mga nang-aaway sa kanyang reporters?

"Yung ugali siguro naisip ko sila," pag-amin ni Sweet. "Yung mga umaaway sa akin, meron din akong... gagamitin ko yun. Yung mga ginawa sa akin ng mga detractors ko, gagamitin ko kay Justin para ma-okray siya nang bonggang-bongga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa raw idea si Manay Lolit na siya ang ginagaya ni Sweet.

"Hindi pa!" natatawa niyang sabi. "Pero peg lang naman, yung looks lang naman ni Nay Lolit kaya sana huwag siyang magalit. At saka, si Tita Lolit, iba na ang looks niya ngayon, ang ganda na niya ngayon. At saka, nagme-makeup na siya, nagli-lipstick. Nagba-blush on."

THREE SOAPS IN A YEAR. Masayang-masaya rin si Sweet dahil ikatlong primetime series na niya sa GMA-7 ang Full House ngayong taon.

"My first this year is Luna Mystika, Adik Sa 'Yo, tapos humabol pa itong Full House," banggit niya. "First soap ko na wala akong makeup. Hindi talaga ako nag-makeup, so medyo unglamorized. E, kapag wala akong makeup, ang pangit ko! Naggaganda-gandahan lang ako.

"Hindi naman ako maganda. Aura ko lang yun na maganda ako. Pero aminado ako sa totoong buhay, lalo na kapag walang makeup, maga ako! So, may panghahawakan din ang mga televiewers na ang taong masama ang ugali, masama rin ang hitsura! So, hindi talaga ako nagpaganda rito, walang makeup, wala! Para pasok sa banga!" natatawa niyang sabi.

Biniro namin si Sweet na malakas kasi siya sa Kapuso network kaya't hindi siya nawawalan ng trabaho. Bukod kasi sa mga primetime series niya ay meron pa siyang showbiz talk show na Showbiz Central at sitcom na Show Me Da Manny.

"Hindi naman... Siguro ang GMA lang, naniniwala lang sa kakayahan ko. So, in return, I make sure na hindi ako mapapahiya sa kanila. Ang talent naman nandiyan lang 'yan. God-given 'yan. So, thank you, Lord.

"So siguro, each and everyone of us, all we need is chance at yun ang ibinibigay sa akin ng GMA at ipinapakita ko naman na sulit ang pagkuha nila sa akin. Three years na ako sa GMA, ang bilis. At wala akong pinagsisihan," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang nararamdaman na baka may ibang Kapuso talents na palang naiinggit sa kanya?

"Wala naman, so far. So kung meron man, huwag naman sana silang mainggit or sumama ang loob. Wala po, wala po akong kamag-anak sa may-ari ng GMA or sa mga boss for that matter. Biyaya lang po ito," sabi ni Sweet.

EUGENE DOMINGO. Naitanong din ng PEP kay Sweet ang tungkol sa pagkalas ng kaibigan niyang si Eugene Domingo sa talent manager na si Ricky Gallardo. Si Ricky rin ang humahawak ng career ni Sweet together with Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

"Well, nag-usap naman sila. Siguro si Ricky dapat ang interbyuhin about it. Pero wala naman. Sinabi lang sa akin ni Uge na very casual. Sinabi niya sa akin, nag-usap na sila. Kaya sabi ko, okey. Alam mo naman kami ni Uge, ang tagal na naming magkaibigan. So, 'Bakit? Ano meron?' 'Wala lang.' So, okey, tapos. Walang isyu.

"Mabait si Ricky at mabait din si Uge. I'm pretty sure na hindi sila nag-away katulad ng ibang artists na talagang nag-part ways dahil nag-away sa isang major issue. Sila, wala," pahayag niya.

Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg">


Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg"> Full House" data-url="https://www.pep.ph/news/24006/john-sweet-lapus-uses-lolit-solis-as-peg-for-his-role-in-full-house" data-desc="Sweet stars in his third primetime series this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/332f784c9.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN