Kuya Germs disappointed by refusal of Francis M's widow to include the Master Rapper's name on Walk of Fame

"May nag-aadvice sa akin na ilagay din si Francis kahit na ayaw ni Pia, pero ayoko dahil gusto kong hintayin ang pagsang-ayon ni Pia bago ko gawin ito. Ayokong magkaroon ng problema. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit ayaw niya," says German Moreno about the alleged refusal of Pia Arroyo Magalona (inset) to include the name of her late husband Francis Magalona on this year's Walk of Fame.


Hindi na napigilan ni German "Kuya Germs" Moreno ang maglabas ng sama ng loob sa kanyang radio program sa DZBB, Walang Siesta, kaninang hapon, November 27. Ang kanyang outburst ay may kaugnayan sa project niya sa Eastwood City, kung saan 30 stars ay idadagdag sa Walk of Fame. Kabilang dito ang yumaong actor-rapper na si Francis Magalona.

Sa December 1, Martes, ang unveiling ng mga bagong set of stars to be enshrined sa Walk of Fame.

Ayon kay Kuya Germs, pangako niya kay Francis na ilalagay niya ito sa Walk of Fame. Pero tumututol daw dito at hindi pumayag ang biyuda ni Francis na si Pia Arroyo-Magalona.

Hindi raw malinaw kay Kuya Germs kung bakit tutol si Pia sa bagay na ito. Gusto raw niyang malaman ito ng fans ni Francis na nagtatanong kung kasali ba ang kanilang idolo sa bibigyan ng star sa Walk of Fame.

"Dahil po ayaw niya [Pia], hindi ko na po kasalanan kung hindi ko man isali si Francis sa mga artistang ilalagay ko sa Walk of Fame," pahayag ni Kuya Germs sa kanyang radio program.

Ayon pa sa beteranong TV host, ilang beses na raw siyang nagparating ng mensahe kay Pia tungkol sa bagay na ito, pero ayaw pa rin daw pumayag ng biyuda ni Francis.

Pangako pa naman daw ni Kuya Germs sa yumaong Master Rapper na ilalagay niya ito sa Walk of Fame, tulad ng ginawa niya sa mga magulang nitong sina Pancho Magalona at Tita Duran.

A PROMISE TO KIKO. Nakausap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Germs during a break sa kanyang radio show. Tinanong namin ang kanyang saloobin sa pagtutol diumano ng biyuda ng Master Rapper.

"I was so disappointed, of course. Ano ba ang dahilan kung bakit inayawan niya? Unang-una, anak-anakan ko si Francis sa That's Entertainment. Isa siya sa pioneer members ng That's Entertainment. At isa pa, Francis belongs to our entertainment industry, sa daigdig ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ginawa ko rin ang parangal na ito sa mga magulang niya, kina Tita Duran at Pancho Magalona, at si Francis mismo ay dumalo doon. Tuwang-tuwa siya at nagpapasalamat. Nagkuhanan pa sila ng litrato ng mga anak niya. Tinanong pa nga niya ako kung kailan ko siya ilalagay.

"Sabi ko naman, 'Someday mailalagay din kita.' I promised him that time will come mailalagay ko rin siya. I didn't expect na mangyayari kay Francis na sa kabataan niya ay maaga siyang mawawala sa daigdig. Hindi ko naman inaasahan iyon."

Isa sa posibleng dahilan ng pagtanggi ni Pia ay dahil kung kailan wala na raw ang Master Rapper ay saka ito naisipang bigyan ng star sa Walk of Fame. Nauna pa raw kasi ang ibang mga baguhang artista na mabigyan ng star kesa kay Francis na napakatagal na panahon ang inilagi sa industriya.

Paliwanag naman ni Kuya Germs, "Kung may reaction man daw umano si Pia na bakit ngayon lang, e, hindi ko naman kaya na ilagay siya [Francis] agad kasi akong mag-isa lang naman ang nagso-shoulder nito. Hindi ko naman kaya na pagsabay-sabayin lahat.

"E, kung sino ang puwede nating ilagay sa taon na ito, ilalagay natin. Ngayon, kung ako lang talaga ay mayaman at maraming pera, puwede kong ilagay lahat na bigla. Bakit naman hindi?"

WHAT'S THE REASON? Sinabi pa ng Master Showman na sinubukan daw niyang kausapin si Pia sa pamamagitan ng ibang tao, pero ayaw pa rin daw nitong mag-respond.

"Actually, nalaman ko ang kanyang phone number, pero hindi niya ako sinasagot. Ayaw niyang sagutin. And I asked also my secretary to go there. Ang sabi nila sa akin ay ayaw niya," lahad ni Kuya Germs.

Wala bang ibinigay na dahilan si Pia?

"Ayaw ko munang iano kasi hindi ko pa tiyak ang tunay na dahilan niya, so kailangan manggaling muna sa kanya. Kung anuman ang dahilan ng kanyang pagtutol, ikalulungkot ko talaga. Hindi naman ito para lang sa kanya kundi pati rin sa mga nagmamahal na fans ni Francis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Francis ay hindi na isang tao lang kundi pag-aari na rin siya ng publiko dahil siya ay nag-contribute bilang isang showbiz personality. Iyon lang ang aking opinyon," saad ni Kuya Germs, na halatang disappointed.

Dagdag niya, "May nag-aadvice sa akin na ilagay din si Francis kahit na ayaw ni Pia, pero ayoko dahil gusto kong hintayin ang pagsang-ayon ni Pia bago ko gawin ito. Ayokong magkaroon ng problema. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit ayaw niya.

"I hope, saan man naroon si Francis ngayon, at least alam niya kung ano ang dahilan kung bakit yung pangako ko sa kanya at yung hiling niya ay di ko muna magagawa ngayon. Pero sana maituloy ko pa rin."

Hangga't hindi pumapayag si Pia ay hindi ba niya muna ilalagay ang star ni Francis sa Walk of Fame?

"Unlless siguro na majority na ang nagsasabi sa akin na ituloy ko ito, then I have to do it, di ba? Pero I am still waiting kung ano naman ang sasabihin ng mga kapatid ni Francis. Gusto kong malaman kung ganoon din ba ang kanilang magiging desisyon," pagwawakas ni Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN