Jolina Magdangal on boyfriend Mark Escueta: "Sana siya na."

"Kasi ang naging motto ko mula nang nangyari sa buhay ko hanggang sa nakapag-move on ako, sabi ko, 'Live life to the fullest.' At saka gusto ko lang maging simple and happy. Simple, meaning kuntento yung kalooban ko and I'm happy. So, yun ang status ko, 'I'm simple and happy.' Masaya talaga ako ngayon. Hindi ko na alam kung paano ide-describe," says Jolina Magdangal when asked about her shout out in terms of lovelife.


Aminado si Jolina Magdangal na masaya ang puso niya ngayon. Inamin na rin kasi ng actress-singer-TV host na boyfriend na niya si Mark Escueta, ang drummer ng bandang Rivermaya.

"Oo, ayan o, tumitibok-tibok!" tawa niya. "Masaya... masaya ang buhay. All in all, kahit anong sulok o aspeto ng buhay ko ang titingnan mo, masaya ako."

Magkasundung-magkasundo raw sila ni Mark.

"Oo, kasi pag dadalaw siya sa bahay, pag sabay kaming kumain, alam mo yun, parang we really have something in common. And siguro... Well, ever since naman, hindi naman ako nagakroon ng lovelife na walang common denominator sa pinag-uusapan. Kaya lang ito, parang mas nagkakaintindihan," saad niya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Christmas party para sa entertainment press ng PPL Entertainment Inc. kagabi, Nobyembre 26, sa Celsius Bar sa Sct. Rallos, Quezon City.

Ilang months na ba sila?

"Alam mo, hindi ko talaga matandaan kung kailan officially nangyari ang lahat. Parang ano, e... basta na lang naramdaman namin na may koneksiyon kami sa isa't isa. Yun na yun. So, wala na yung ani-anniversary, parang ganun."

Sa lahat ng naging relationship niya, itong relationship niya ba kay Mark ang pinakamasaya?

"Well, hindi na kasi ako bumabalik sa past. So, masaya ako ngayon... eto na siguro."

"I'M SIMPLE AND HAPPY." Dahil nauuso ang Facebook shout out, ano ang shout out niya ngayon?

"Kasi ang naging motto ko mula nang nangyari sa buhay ko hanggang sa nakapag-move on ako, sabi ko, 'Live life to the fullest.' At saka gusto ko lang maging simple and happy. Simple, meaning kuntento yung kalooban ko and I'm happy. So, yun ang status ko, 'I'm simple and happy.' Masaya talaga ako ngayon. Hindi ko na alam kung paano ide-describe," sabi ng 31-year-old multimedia star.

Si Mark na kaya ang huling lalaking mamahalin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana, sana nga. Sa tingin ko, wish na rin ng lahat yun."

Ano ba ang nagpapatatag sa relationship nila ngayon?

"Siguro yung communication at saka yung openness. May ganun talaga. Importante talaga yun na hindi niya tatapusin ang araw ng may nararamdaman kayong bigat. Kahit na abutin na kayo ng madaling-araw, pag-usapan niyo pa rin. Kasi importante talaga yung communication," saad niya.

Ano ang mga bagay na minahal niya kay Mark?

"Ganun na talaga. Lagi ko namang sinasabi at saka nasa values ko yun. Yung respeto... Respeto una na sa akin, sa pamilya ko. Yun ang sana huwag mawala hanggang sa kahuli-hulihan."

Nakikita niya bang si Mark na ang lalaking pakakasalan niya?

"Hmmm, ang aga naman!" tawa ni Jolina. "Kasi naman, wedding na agad! Parang maaga pa, pero sa nangyayari sa amin na kasiyahan ngayon, sana siya na."

BEBONG MUÑOZ. Sa gitna ng kasiyahan niya ngayon sa bago niyang boyfriend, napatawad na ba niya ang ex-boyfriend niyang si Bebong Muñoz?

"Sa akin, mahirap magtanim ng sama ng loob. Noong makapag-move on ako, kasama na lahat yun. Ayoko na kasi ng may nega [negative]. Kapag may nega, hindi ako makakapagmahal ng isang tao. Kapag hindi pa ako nakakapag-move on or may galit pa ako, hindi ako makakapagmahal. Kaya yun agad ang binitawan ko," sabi ni Jolina.

Nagkaroon ba sila ng closure ni Bebong?

"Oo, nag-usap talaga kami ng tapos," sagot niya. "After nun, wala na ulit communication. Kasi ayoko rin ng walang closure. Magmamahal pa ako ng iba, tapos walang closure, chaka [pangit], di ba? Ibig sabihin, hindi ka pa nakapag-move on nun, di ba?"

Sabi niya, ayaw na niyang bumalik sa past. Yung pagbalik sa past, sa lovelife lang ba 'yan o pati sa career?

"Magandang tanong 'yan... Well, alam niyo po, never kong pinagsama... Puwede mong pagsabayin, pero hindi mo puwedeng pagsamahin ang lovelife at career. Sa lovelife, yun yung hindi ka na babalik sa past. Sa career, may mga bagay na para magawa mo yung bagay na para sa future kahit katiting, may babalikan ka sa past. Para lang buo mong magawa yung sa future. So, ayokong magsabi na, 'Ay, hindi na ako babalik sa past.' Kasi may mga iko-consider pa rin ako doon para makapag-go na dun sa future e," sabi ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN