Dingdong Dantes says people will see "a different type of me" in Family Feud

Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg">

Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg">

Dingdong debuts tomorrow as game-show host and is keeping his eye on this prize: "[Ang] importante ay madala namin ang show at maging masaya ito at maging masaya ang contestants and winners."


Bukas, Monday, November 30, ang start ni Dingdong Dantes bilang host ng Family Feud ng GMA-7. Pinalitan niya si Richard Gomez na kakandidato sa Ormoc City sa May 2010 elections. All systems go na si Dong para magpakitang gilas na kaya niyang humalili sa naiwang trabaho ni Goma.

Handa rin siyang magkaroon ng comparison sa kanila ni Goma.

"Well, sana po 'wag, e, kasi it's imposible for me to fill in the shoes of Richard Gomez. Pero grabe kasi, I mean, he's been there, naging at home na siya roon, it will be a difficult task, iba po, e...

"Pero kung mayroong ganoon [comparison], ako I respect that. First of all, we have our own interpretation... Sana lang makita nila yung difference and appreciate our individuality... Pero, siyempre, may kanya-kanyang favoritism, may kanya-kanyang gusto ang mga tao.

"The thing is, importante ay madala namin ang show at maging masaya ito at maging masaya ang contestants and winners," sinabi ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

PRACTICE MAKES PERFECT. "Five weeks na po ang na-tape ko. May mga take two, e, para magkaroon ng protection. Taped as live ito at saka ako rin naman, nagkakamali ako, e, kaya dapat talaga na tape ito para ma-avoid din ang mga ganyan...

"Quick time kasi, e. In 20 seconds dapat masabi ko na yung questions, e, sumabit ako roon sa isa. So inulit ko nang dalawang beses kaya nabawasan na agad ng oras. So, parang unfair para sa mga contestant yun, e, dahil nako-consume yung oras na allotted sa kanila para masagot yung jackpot," kuwento niya.

Binanggit ni Dingdong ang preparations niya para maging effective bilang game show host.

"Practice sa totoo lang. Practice bago mag-taping. Pinanood ko rin yung mga dating episode. Binasa ko yung tinatawag nilang Bible ng Family Feud, yung rules. Tapos pinanood ko yung sample episodes ni Sir Goms. Tapos nagkaroon ako ng tatlong dry run...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang laking bagay niyon, kasi hindi puwedeng biglang sabak, e. Ang laki talaga ng responsibility."

May idea ba siya sa mga sagot at sa mga itinatanong sa show?

"Hindi ho, e. I'm as surprised as they are," nakangiting saad ng aktor-TV host.

SURPRISE DECISION. Inamin ni Dong na nagulat siya nang alisin siya sa StarStruck at ilipat sa Family Feud.

"Dong, wala ka na sa StarStruck, tinanggal ka na," ganito raw ang pinangbungad sa kanya.

"Sabi ko, 'Bakit? Bakit? Ano ba ginawa kong mali?'" pagtutuloy ni Dong sa kuwento.

"Akala ko, ayaw na nila akong makitang nagho-host, tapos bigla nilang sinabi, 'Kasi ibibigay nila sa iyo ang Family Feud!' Sabi ko, 'Ha?' Biglang tumayo ang balahibo ko."

Hindi niya in-expect na siya ang kukuning kapalit kay Goma.

"Hindi, siyempre, hindi. Magkaiba ho siya, e. Iyong StarStruck, very serious, e, although sanay na ako roon."

By its very nature, lighter ngang masasabi ang game show. "On the other hand, mabigat din siya kasi ako lang, ako lang ang 'andoon, e. So, the whole time nakasalang talaga ako roon...

"Pero mas maganda rito dahil five days a week ako makikita."

STARSTRUCK MEMORIES. Nasabi niya noon na parang ayaw na niyang mag-host ng StarStruck to give chance to others, pero bago dumating ang Family Feud, bakit tinanggap pa rin niyang maging host ng StarStruck Season 5?

"Kasi akala ko rin naman, feeling nila na baka masyado na akong matagal doon."

Sa tingin ba niya'y he's become too big for StarStruck?

"No! There's no such thing as that. Baka they wanted a new face parang ganun... hindi yung I'm tired na with that show. I'll always love that show.

"Magkaiba ang Family Feud at StarStruck, e. Limang season ako sa StarStruck, so 'yan ang isang show na hinding-hindi ko makakalimutan. Kasi, na-witness ko riyan yung birth ng mga young star natin, whereas itong Family Feud, e, kumbaga different type of me naman ang makikita. Rito, puwede kong ipakita kung sino talaga ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa StarStruck seryoso, e, dahil buhay ng tao ang nakataya roon. Dito sa Family Feud, enjoy lang, parang ganoon, e."

RICHARD GUTIERREZ. Tungkol naman sa isa pang Richard, kay Richard Gutierrez, bakit kaya laging pinagsasabong silang dalawang Kapuso?

"Hindi ko alam... Dahil siguro magka-height?" nakatawa niyang bulalas.

"Alam namin na nirerespeto ko siya sa larangan niya. Sana yung ginagawa ko, nirerespeto rin niya. And at the same time, kung kinakailangan naming magtulungan in some things, we can have a common good."

Bakit hindi niya imbitahin si Richard sa Ayos Na!, ang youth campaign arm para kay Sen. Noynoy Aquino?

"A, wala pa naman akong in-invite na artista, e. Because I don't want it to be a showbiz or celebrities yet. There will be a time kung kailan kakailanganin ko sila for a greater purpose.

"Ngayon kasi ang main purpose ng Ayos Na! is to launch really the youth leader, na 'andoon talaga sa baba yung mga kikilos."

Nagpo-prodyus na ng movie si Richard. Puwede ba siyang kuning artista?

"Walang problema sa akin, bakit hindi?... I always want to collaborate with brilliant people."

Kung sabihan siya na kailangang magpaka-daring siya o gumawa ng mas mature na role para mas makaangat sa kanyang contemporaries, game ba siya rito?

"Hindi naman. Ayokong gawin 'yan. Naniniwala ako na it's in the talent, e, above all."

Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg">


Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg"> Family Feud" data-url="https://www.pep.ph/news/24032/dingdong-dantes-says-people-will-see-a-different-type-of-me-in-family-feud" data-desc="The show did three dry runs before tomorrow's telecast." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/8eabaeb0a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN