Gina Alajar on Facebook brouhaha: "There are some people talaga who really just break your trust."

"I want my name cleared," said the actress-director, who deplored the "unauthorized usage" of her Facebook account. "Kasi ang lumalabas willingly, ibinalandra ko yun. E, sa mga interviews palagi naman nae-edit out yung part na merong nagbukas ng account ko. Pinakialaman yung account ko."


Nadawit sa intrigang Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao at Krista Ranillo ang actress-director na si Gina Alajar. Ito ay dahil sa naging status niya sa kanyang Facebook account na nailathala na rin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang nakasaad doon ay, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny... Krista Ranillo is not at all worth it!!!"

Kahapon naman, November 28, nakausap ng Startalk si Gina hinggil dito.

Kuwento niya, "Nananahimik ang Facebook account ko, di ba? Nananahimik yun, pinakialaman nila. Hindi ko naman ipapangalandakan yun. Hindi ko sa media website nilagay yun. Hindi sa showbiz website ko ginawa yun. Kung doon, puwede niyo pa akong masisi. Pero, ginawa ko yun sa Facebook account ko.

"And everyone in Facebook, mga kaibigan ko sa Facebook, also believe that your page is your own page. You can say whatever you want there."

FRUITS FOR APOLOGY. Hindi nagustuhan ni Gina ang pagko-quote sa kanyang status ng isang showbiz talk show.

"Parang bakit naman at my expense? Bakit gagawa ng istorya?.. Two days after na mangyari yun, na-feature nila yung profile page ko, tumawag sa akin yung executive producer ng The Buzz.

"Marami siyang katuwiran na sinabi sa akin. Tapos, sinabi ko, kailangan ko ng public apology. Nagsabi naman siya ng oo, pero, wala pa namang lumalabas. Tapos, after that, nagpadala siya ng basket of fruits. Feeling ko naman, huh? Prutas lang ang katapat? Prutas lang ang katapat nung pangingialam nila ng Facebook account ko," natatawa na lang na sabi ni Gina.

LESSON IN LIFE. On the other hand, wala naman daw siyang nais iparating kay Krista na minsan din na-link sa dati niyang asawa na si Michael de Mesa.

"Wala naman akong masasabi kasi, unang-una, lahat ng sinabi nila, lalo na yung unang interview sa akin about their official statement, wala naman akong masasabi kasi hindi naman sinulat sa akin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was addressed to the media. Para maging official statement nila, so I cannot react on that."

Dugtong pa niya, "I want my name cleared. Kasi, ang lumalabas willingly, ibinalandra ko yun. Parang yun ang lumalabas. Parang ibinalandra ko. E, sa mga nag-interviews, and always taped interview, palagi naman nae-edit out yung part na merong nagbukas ng account ko. Pinakialaman yung account ko.

"So, naiiba... Kapag iniinterbyu, palaging naiiba yung konteksto. Depending on kung ano yung ipinapalabas sa telebisyon. Nalilihis lahat."

Malaking lesson itong nangyari, sabi ni Gina.

"It's a lesson in life, you know. Kaya lang mas naano, mas tumitibay yung dapat hindi ka magtitiwala, which is so sad. Kaya lang, there are some people talaga who really just break your trust."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN