Joross Gamboa gets a belated birthday gift via his first acting award

"Noong tinanggap ko yung award at nag-speech, name-mental block akong talaga. Hindi ko ine-expect talaga na ako yung tatawagin dahil alam ko, magagaling lahat ng kasama kong nominees at magaganda rin ang ginawa nilang episode," says Joross Gamboa about his Best Actor trophy from Star Awards for TV.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si Joross Gamboa ilang oras matapos niyang manalo sa kategoryang Best Single Performance by an Actor sa katatapos na 32nd Star Awards for Television na ginanap kagabi, November 29. Kinilala si Joross para sa pagganap niya sa "Polio" episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa young actor, hindi raw niya ini-expect na mananalo siya ng award. Um-attend daw siya ng awards night bilang presentor at bilang paraan na rin niya ng pasasalamat sa nomination na natanggap niya.

Ito ang kauna-unahang acting award ni Joross, although sa unang taon niya sa showbiz ay nanalo na rin siya as Best New Male Personality sa Star Awards for TV din.

"Sobrang masaya ko ngayon!" bulalas niya sa kabilang linya. "Noong tinanggap ko yung award at nag-speech, name-mental block akong talaga. Hindi ko ine-expect talaga na ako yung tatawagin dahil alam ko, magagaling lahat ng kasama kong nominees at magaganda rin ang ginawa nilang episode."

Tinalo ni Joross sina John Lloyd Cruz (Maalaala Mo Kaya: “Pedicab” episode), JC de Vera (Obra Presents: JC de Vera, “Pretty Boy” episode), Vice Ganda (Maalaala Mo Kaya: “Bola”), Richard Gomez (Obra Presents: Katrina Halili, “Bayaran”), Albert Martinez (Maalaala Mo Kaya: “Bisikleta”), Diether Ocampo (Maalaala Mo Kaya: “Lambat”) at John Wayne Sace (Maalaala Mo Kaya: “Chess”).

Alam naman daw niya ang mga taong dapat pasalamatan, pero ni hindi raw niya nabanggit at napasalamatan ang PMPC at maging ang manager niyang si Becky Aguila.

"Nawala na talaga sa isip ko. Kaya after, nagpunta naman ako sa backstage at nagpasalamat sa kanila. Alam ko kung sino mga dapat kong pasalamat, pero pagdating talaga dun, walang lumalabas sa boses ko. Noong nasa stage ako, biglang sumigaw ang mga tao ng 'happy birthday!' Kaya hayun, nawala ako lalo!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Joross just turned 25 years old last November 28 at idinaos lang daw niya ito sa isang simpleng celebration sa kanilang bahay.


Naisip ba niya na magandang birthday gift ang pagkapanalo niya? Ipinagdasal ba niya na ito na lang ang ibigay na birthday gift sa kanya?

"Hindi, e. Hindi ko rin pinag-pray. Ang dasal ko naman palagi puro pasasalamat. Hindi ako nagpi-pray na humihiling, mas ang prayers ko, thank you. Kumbaga, itong nangyaring ito sa akin, it's a blessing for me. Pero noong may mga sumigaw ng 'happy birthday!' dun na nag-sink in lang na, 'Oo nga pala, birthday ko kahapon.'"

Ayaw naman isipin ni Joross na puwede na niyang sabihin na isa na siyang ganap na aktor dahil nagkaroon na siya ng acting award.

"Sa akin naman, tama lang, steady lang. Ang pag-arte, nasa kada ginagawa mo naman. You're only good as your last performance. So, every performance mo, dapat lang na maibigay yung best talaga," saad niya.

Kung may isa man wish si Joross, ito ay mabigyan pa siya ng mas maraming opportunities.

"Sana mabigyan pa nila ako ng chance na mapatunayan ang sarili ko. Happy naman ako na tulad ng PMPC, napapansin naman nila ang kakayahan ko. At siyempre, sa lahat ng naniniwala at sumusuporta sa kakayahan ko."

Definitely, magsisilbi raw inspiration sa kanya ang katatanggap na award.

"Inspirasyon ko ang trophy na mas pagbutihin ko pa lalo ang lahat ng ginagawa ko. At yung hindi ka mawalan ng hope sa kahit na anong bagay or ginagawa mo," sabi ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN