Marian Rivera says her Christmas this year is more special because of Dingdong Dantes

"Nakakataba ng puso. Salamat at ibinigay nila sa akin yun. Pero siyempre, ang mga tao pa rin ang makakapagsabi niyan at thank you sa management kung ganun ang ano nila. Pero pagbubutihin ko pa rin ang trabaho ko," says Marian Rivera about being tagged as Primetime Queen.


Nagkaroon ng grand press conference ang second season ng Darna kahapon, November 30. Kasabay nito ay ang pagpapakilala sa mga bagong character na makakalaban ni Darna, na ginagampanan ni Marian Rivera.

Ang mga bagong cast members ng Darna ay sina Katrina Halili bilang Serpina; Rochelle Pangilinan, Babaeng Manananggal; Jackie Rice, Helga; Akihiro Sato, Vladimir, at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez bilang Electra, the Queen of Planet Women.

Nauna nang pumasok ang character ni Dennis Trillo bilang Pancho, ang kababatang pulis ni Narda at makakaribal ni Eduardo (Mark Anthony Fernandez).

REGINE & KATRINA AS DARNA'S VILLAINS. Marami ang nagulat kay Regine na pumayag siyang magkontrabida for the first time. Kaya naman very flattered si Marian nang kuhanan siya ng reaksiyon hinggil sa bagay na ito.

"Oo nga, e, natuwa ako," sabi ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Actually, sinabi 'yan sa akin nila Momsie [Popoy Caritativo, Marian's manager], 'Magiging kontrabida mo si Ate Reg mo.' 'Talaga? Si Ate Reg pumayag?' 'Oo, kasi gusto raw niyang makapasok sa Darna.'

"Kaya sabi ko sa kanya, ako mismo, magte-thank you sa kanya [Regine] dahil tinanggap niya. At sa lahat ng kontrabida ko rito, nagpapasalamat ako dahil bilang maging kontrabida ka, di ba, malaking oportunidad para sa akin na magpasalamat sa kanila. Na binigyan nila ng pagkakataon ang Darna at hindi naman magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"

Dagdag niya, "At saka hindi ko ine-expect na si Ate Reg mismo ang may gustong maging kontrabida ni Darna, so malaking karangalan para sa akin."

Masaya rin daw si Katrina na makakasama niya uli si Katrina, na una niyang nakasama sa Marimar.

"Siyempre, happy ako at saka wala namang isyu sa amin ni Katrina. At nagpapasalamat ako sa lahat ng kontrabida ko. Hindi magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRIMETIME QUEEN. Sa ngayon, masasabing hawak ni Marian ang titulong Primetime Queen dahil sa consistent rating ng Darna sa Mega Manila (based on AGB Nielsen Phils.). Ano nga ba ang masasabi niya na napapanatili niya ang titulong ito?

"Sa mga bagay na 'yan, e, siyempre nagpapasalamat ako. Nakakataba ng puso. Salamat at ibinigay nila sa akin yun. Pero siyempre, ang mga tao pa rin ang makakapagsabi niyan at thank you sa management kung ganun ang ano nila. Pero pagbubutihin ko pa rin ang trabaho ko."

Hiningan din ng reaksiyon si Marian hinggil sa pagpasok na ni Claudine Barretto sa Kapuso network. Sa palagay kaya ni Marian ay posibleng maging threat sa kanya si Claudine as Primetime Queen?

"Ay, hindi naman," sabi niya. "Parang wala, e, ganoon naman talaga ang artista. At si Ate Claudine naman, nakakausap ko sa phone, kay Kuya Raymart [Santiago, Claudine's husband and Marian's co-star in Darna]. At happy ako na Kapuso na siya. At least, dumarami tayo. At excited ako na makatrabaho siya."

CHRISTMAS GIFTS. Natatawa naman si Marian dahil tila interesado talaga ang entertainment press kung ano ang magiging regalo nila sa isa't isa ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes ngayong Pasko. Sinabi na kasi ni Dingdong na may nakaplano na siyang regalo para kay Marian. (CLICK HERE to read related story.)

"Actually, ngayon ko lang nalaman na may pagdadalhan pala siya," nakangiting sabi ni Marian. "May tatlong gifts pala siya sa akin! Parang nalugi ako dun na parang ngayon pa lang, mag-isip na rin ako. At sisiguraduhin ko na mas espesyal yun kesa sa gagawin niya, di ba?"

Pero excited ba siya sa kung ano ang mga gifts na inihahanda sa kanya ni Dingdong?

"Oo naman! Pero tulad ng sinabi ko, excited talaga 'ko, pero mas excited ako na makasama siya."

Ano naman ang naging reaction niya nang makita niya ang regalong Darna-inspired chair sa kanya ni Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat ako kasi sabi niya, 'May upuan ka ba sa taping?' Sabi ko, 'Kasi nasira' Tapos, pagpunta ko sa Show Me Da Manny, may nakalagay dun na hindi ko alam sa kanya galing. Sabi ko, 'Wow, ang ganda naman nito, Darna!'

"At may letter siya na sana raw magamit ko para kumportable ako at makapag-rest ako. At least, kumportable ako kasi pagod na ako sa trabaho. At sana raw magustuhan ko. So, ayun, nag-thank you ako sa kanya at sinabi ko na kailangan ko talaga. At halos lahat ng makakita, natutuwa talaga sa chair na yun. Kasi, binusisi talaga. Darna siya na may nakalagay na Darna sa likod at may pangalan pa," lahad niya.

Sinigurado naman ni Marian na ngayong Pasko, magkakasama silang dalawa ni Dingdong.

"Sigurado yun," nakangiti niyang sabi.

Second Christmas na nila ni Dingdong ngayong taon as a couple. Pero bakit nga ba niya nasabing kakaiba this time?

"E, kasi dati, parang wala lang... parang enjoy. Bilang ngayon na inaamin ko sa buong tao, buong Pilipino, na si Dingdong ang pinaka-importanteng lalaki sa buhay ko, aminado ako dun," saad ng aktres.

How would she compare this year since last Christmas ay magkasama na rin sila?

"Siguro, sabihin na lang natin na habang tumatagal ang taon at nagki-Christmas every year, e, mas tumitindi ang saya ko. Mas dumarami siya. Mas dumarami ang blessing."

Ano ba ang plano niya this Christmas?

"Ang balak ko po talaga, siyempre mag-Christmas sa bahay, kasama ang lola ko, pati ang mama ko. If ever sa hapon, kung pumunta siya [Dingdong], pupunta kami kung saan puwede."

What about her dad, wala pa ba siyang planong puntahan ito sa Spain?

"Meron, pero huwag muna nating sabihin. Kasi sabi ko, pupunta ako next year, pero hindi rin ako nakapunta. So, kapag nangyari na lang, 'saka ko na lang sasabihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If ever, isasama ba niya si Dingdong?

"Dapat kasama siya!" nakangiti niyang sabi.

STILL INTACT. Masaya rin daw si Marian na maganda rin ang naging resulta sa rating ng Stairway to Heaven, na pinagbibidahan ni Dingdong at ni Rhian Ramos. At magtatapos ito na intact pa rin kung anumang closeness meron silang dalawa ni Dingdong.

"Oo naman at saka trabaho lang naman. Artista rin naman ako at naiintindihan ko naman lahat ng sitwasyon, di ba? Importante, kaming dalawa, maayos kami. At nag-uusap kami. Tuloy-tuloy ang communication namin. Nagkikita pa rin kami at wala namang problema."

Kinabahan ba siya when Dingdong was paired with a new leading lady?

"Never," mabilis niyang sagot. "Wala, e. Mas tumindi pa nga siya ngayon. Kung dati nagkikita kami, mas madalas pa kaming magkita ngayon. Mas madalas pa kaming magtawagan. Mas madalas may moment kami, yung ganun, di ba?


REUNION PROJECT. Hiningan din namin ng reaction si Marian kung ano naman ang masasabi niya sa ipinahayag ni Dingdong na excited na itong makatrabaho siyang muli?

"Siyempre, excited din ako na makasama siya. Sabi ko nga sa kanya, isa yun sa mga pangarap ko ulit sa trabaho. Kasi na-miss ko talaga siya. Kasi, iba naman yung sa trabaho," pagtatapat ni Marian.

Pero kinumpirma na nga ni Marian na magbabalik-tambalan sila ni Dingdong next year.

"Magbabalik-tambalan po kami next year, kami po ulit," nakangiti niyang sabi.

Isa sa Endless Love Koreanovela series ang nakatakdang gawin nina Dingdong at Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN