Dennis Trillo wants to perfectly balance his career, family, and lovelife in 2010

"Ngayong 2010, kung magkakaroon ako ng lovelife, gusto ko mabalanse ko na siya. Yun ang problema ko, e, kapag may lovelife ako, hindi ko nababalanse ang trabaho, sa pamilya, at sa karelasyon ko kung sinuman yun. Pero ngayon, if ever... Hindi ko naman siya hahanapin, pero if ever na dumating, gusto ko na maging perfect na ang pagma-manage ko ng oras sa bawat isa—career, lovelife, at pamilya," says Dennis Trillo.


Dennis Trillo is back in Darna.

Matatandaang si Dennis ang naging leading man ni Angel Locsin sa unang Darna ng GMA-7 noong 2005 bilang Efren. This time, sa bagong Darna—na nasa second season na ngayon—ay pumasok na ang character ni Dennis bilang si Pancho, isang pulis na kababata ni Narda (Marian Rivera) sa bahay-ampunan.

Dito ay magiging magkaribal sila ni Mark Anthony Fernandez, na gumaganap naman bilang Eduardo, sa puso ni Narda.

Paano niya ide-describe si Marian bilang leading lady at bilang Darna, since naging leading man din siya noon ni Angel nang mag-Darna ito?

"Si Marian kasi, ano siya, e... mas cowboy talaga siya. Iba ang angas ni Marian bilang Darna. Kahit sa mga action scenes, palaban talaga ang dating. Nakita niyo naman ang personality ni Marian, sobrang strong talaga, di ba? Ang galing lang ng transformation niya from Darna na strong, tapos Narda na sobrang bait. Dun ako bilib sa kanya," saad ni Dennis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng second season ng Darna kahapon, November 30.

Nagbida na rin siya as superhero sa Gagambino. Ano naman ang challenge ng role niya ngayon dito sa Darna?

"Dito, challenge siguro kasi mga weapon ang gamit ko, baril. At saka in terms of character, mas makulit lang, mas light, mas pilyo. Pero kahit ganoon, loyal pa rin siya kay Narda."

Umaasa rin si Denis na hanggang sa pagtatapos ng Darna ay kasama na ang character niya.

"Sana, sana... medyo matagal pa yun. February pa yata. Pero yung mapasali ako dito, malaking bagay na yun sa akin. Lalo na kung magtagal hanggang wakas, di ba? Kasi noong malaman ko na papasok na ako sa Darna, na-excite talaga ako. Tinanong ko agad kung ano ang role ko. Tapos noong malaman ko, sobrang natuwa ako kasi iba na naman siya. Iba siya sa mga ginagawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tanggap na ba niyang si Mark Anthony ang makakatuluyan ni Marian sa huli?

"Opo, sila naman talaga ang original dito," sagot ni Dennis. "Ako kumbaga, nilagay na lang naman ako bandang gitna, pero alam ko kung saan ako lulugar."

CRISTINE REYES. Hindi rin siyempre maiwasang kumustahin kay Dennis ang napabalitang pagkikita nilang muli ng dating girlfriend niyang si Cristine Reyes. Ayon kay Dennis, that meeting was to put closure sa kung anuman ang namagitan sa kanilang dalawa. At ngayon daw ay maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa. (CLICK HERE to read related story.)

Pero paano nga ba sila nagkitang muli?

"Ako yung gumawa ng first move. Tinext ko siya. Kumain kami sa labas, nag-usap. Yun lang," sabi ni Dennis.

Naramdaman ba niya talaga ang need na gawin yun?

"Oo, kailangan. Siyempre kailangan naman sa bawat istorya, kailangan ng wakas."

Matagal din silang hindi nagkita ni Cristine. Kahit paano ba ay na-miss niya ang dating kasintahan?

"Siyempre, kahit papaano, na-miss mo rin yung tao, di ba? Pero iba naman kasi ang intention ko kung kaya ako nakipagkita sa kanya," sabi niya.

Ano ang na-realize niya pagkatapos nilang magkita?

"Wala naman. Ayaw ko lang na nagkakahiwalay na may samaan kayo ng loob sa isa't isa. Siniguro ko lang na after ng gabing yun, maayos kaming uuwi at parehong magaan ang pakiramdam ng isa't isa at magkaibigan."

Naramdaman ba niyang wala na talagang balikan na puwede pang maganap?

"Iba na kasi ang focus ko ngayon, e—sa anak ko, sa pamilya, sa career. Dun talaga ang focus ko ngayon. At saka lahat naman ng bagay may hangganan, so dun na talaga."

PAULEEN LUNA. Sa kaso naman ng isa pa niyang ex-girlfriend na si Pauleen Luna, tulad ba ng kay Cristine ay may closure na rin ang namagitan sa kanila?

"Yung kay Pauleen naman, noon pa man, bago pa kami mag-ano, napag-usapan na namin," sagot ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may intensiyon ba silang mag-iwasan ni Pauleen?

"Ako, hindi ko siya iniiwasan," nakangiting sabi ng aktor.

Ayon kay Dennis, yung hindi pagiging okay ng mga nagiging breakup niya ang isang bagay na gusto niyang itama.

"Kaya nga ayoko nang madagdagan 'yan, e. Kaya nga inayos ko yung kay Cristine. Kay Pauleen, okay naman yun. Even before pa, nagkausap na kami."

HEART EVANGELISTA. Wala raw lovelife si Dennis ngayon kahit napapabalitang may interes siyang ligawan ang co-star niya sa Mano Po 6 na si Heart Evangelista.

"Wala pa, e. Actually, mas gusto ko yung ganito na lang muna. At saka feeling ko rin, kapag nagkaka-lovelife ako, nagkakandaletse-letse ang mga trabaho ko, di ba? Kaya ngayon, at least, okay lang, relax lang."

Paano yung kay Heart, wala na siyang planong i-pursue ang panliligaw niya rito?

"Well, tulad ng sinabi ko kanina, alam ko na hindi pa siya ready. Ako rin, hindi pa ready. Pero maghihintay naman ako kung kailan siya ready," sabi ni Dennis.

May goal na raw si Dennis na mas maging maayos ang lahat sa kanyang susunod na relationship.

"Dapat... dapat. Para masira naman ang record ko na palaging nagpapaiyak ng babae!" tawa niya.

MOST BLESSED CHRISTMAS. Looking forward naman na si Dennis sa parating na Pasko.

Aniya, "Itong Christmas na darating, ito na siguro ang isa sa pinaka-meaningful na Christmas na mae-experience ko. Kasi naramdaman ko talaga na kahit na anong nangyari sa akin, ngayon, bumuhos ulit ang lahat ng grasya, blessing, lahat-lahat na.

"Sabihin nating wala akong lovelife, pero sa ngayon, hindi importante sa akin 'yan. Kasi itong mga trabaho pa lang, talagang sobrang pasasalamat ko, hindi lang sa GMA kung hindi pati sa Diyos. Dahil iba 'to, e. Ngayon ko lang na-experience ulit na ganito ako ka-busy. Sobrang thankful ako dun.

Tatlo-tatlo ngayon ang regular TV shows ni Dennis—ang Darna, SOP Fully Charged, at StarStruck V. Bukod pa nga rito ang Mano Po 6, na entry sa 2009 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang gusto niyang matanggap ngayong Christmas?

"Kung material ang pag-uusapan, bahay!" natatawang sagot ni Dennis. "Yun din kasi ang goal ko for next year, ang maiplano ko na ang bahay na gusto ko dahil by 2011 or late next year, maipatayo ko na sana."

Paano niya tinatasa ang 2009 niya so far?

"Naging sobrang meaningful kasi maraming nangyari sa akin. Sobrang daming nangyari. Malulungkot. Up and down siya, e, every time. Buti na lang bago matapos ang 2009, bumawi naman siya. Marami akong nakilala na espesyal na tao. Maraming trabaho na dumating sa akin ulit. Hanggang next year, punong-puno yung schedules ko. Kumbaga, marami akong natutunan nitong taong ito."

Dagdag niya, "Ngayong 2010, kung magkakaroon ako ng lovelife, gusto ko mabalanse ko na siya. Yun ang problema ko, e, kapag may lovelife ako, hindi ko nababalanse ang trabaho, sa pamilya, at sa karelasyon ko kung sinuman yun. Pero ngayon, if ever... Hindi ko naman siya hahanapin. Pero if ever na dumating, gusto ko na maging perfect na ang pagma-manage ko ng oras sa bawat isa—career, lovelife, at pamilya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN