Jackie Rice on ex-boyfriend Biboy Ramirez: "Hindi na kami friends."

"Ayoko na ring masabit yung pangalan ko sa pangalan niya, kasi sobrang two years ago na. Kung gusto niyang gumawa ng pangalan, gumawa siya ng pangalan. Hindi yung gagawa siya ng isyu," says Jackie Rice about comment of ex-boyfriend Biboy Ramirez.


Natutuwa ang StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice dahil nabibigyan na ulit siya ng projects ng GMA-7. Kasama siya sa cast ng Season 2 ng top-rating primetime teleserye na Darna, kung saan ginagampanan niya ang role ni Helga, isang magandang dalaga na sasapian ng isang makapangyarihang evil spirit. Kikilalanin siya bilang Babaeng Demonyita, isa sa mga bagong supervillains na makakalaban ni Darna (Marian Rivera).

"Siyempre, happy ako na nabigyan ulit ako ng GMA ng bagong project. Sobrang saya dito [Darna]. Lagi kaming nagkukulitan katulad dun sa pictorial namin. Sana nga hindi na ako mawala rito. Maganda yung istorya ng Darna. On cam and off cam, maganda ang samahan naming lahat. So, yun ang masaya doon," bulalas ni Jackie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng second season ng Darna na ginanap kahapon, November 30, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City.

Ano ang challenging sa role niya?

"Sobrang kakaiba siya. Ang challenging dito, first time kong magiging kontrabida na kakalabanin big star [Marian] pa, di ba? Sobrang thankful ako na ako yung isa sa mga kontrabida dito."

Kumusta namang katrabaho si Marian?

"Hindi pa kami nagte-taping together, pero nagkasama na rin kami gaya nga sa pictorial. Hindi pa naman kami super-bonding, pero hindi naman mahirap maging ka-close si Marian kasi mabait siya. Very approachable si Marian kaya hindi ko nga alam kung bakit may isyu sa kanya na mataray daw or something. Hindi ko nakita sa kanya yun."

ON BEING A "DEMONYITA" IN THE PAST. May mga nagsasabing bagay sa kanya ang role niya dahil naging "demonyita" rin daw siya in real life. Ano ang masasabi niya rito?

"Lahat naman po tayo may bad side, e. Yun po yun."

Matatandaang tinawag na "pasaway" si Jackie noon. At kahit kapapanalo pa lang niya sa StarStruck 3 ay napatawan na agad siya ng suspension dahil sa hindi magandang attitude na ipinakita niya, being a role model dapat sa mga kabataan. Dahil dito ay naudlot tuloy ang pagbi-buildup sa kanya ng GMA-7 bilang next big star. May natutunan ba siya sa pagiging "demonyita" niya noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na yun, e. Pero hindi naman sa pagiging demonyita, e, it's more on kabataan days, like going sa bars, gimmicking, yun po," paliwanag niya.

Nabago na ba yun ngayon?

"Wala na, may nakikita pa ba kayo na Jackie Rice sa bar?" biro niya.

GOING SEXY. After ng kanyang "showbiz rest" ay muli ngang nakabalik sa telebisyon si Jackie at napasama sa cast ng Sine Novela Presents Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin bilang kapatid ng bidang si Maxene Magalona. Isa rin sa mga naging move ni Jackie sa kanyang pagbabalik ay ang pagpapaseksi niya. Patunay nito ang pag-pose niya sa cover ng isang sexy men's magazine.

Sexy rin ang costume niya bilang Babaeng Demonyita. Ibig bang sabihin nito ay ready na siyang makipagkumpitensiya sa paseksihan kay Katrina Halili, na kasama rin sa Darna bilang si Serpina?

"Si Katrina is always Katrina. Walang makakapagbago doon. Kung gagawa ako ng pangalan ko, sariling pangalan ko, hindi yung kapalit ni ganito, ni ganyan," aniya.

Pero gusto rin ba niyang maabot yung naabot nina Katrina at Marian bilang sexiest women ng FHM?

"Lahat naman, e. Lahat ng artista gustong ma-reach yun. Kung ako yung magiging ganun, magiging thankful din ako kasi lahat kami, yun ang hinahangad."

Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapaseksi? Kaya niya ba ang ginawa nina Katrina at Cristine Reyes sa cover ng FHM?

"Sa tingin niyo? Opo, kaya ko yun. Kung kaya nila, kaya ko rin," sagot niya.

NOT FRIENDS WITH BIBOY. Kapansin-pansin naman na bumalik ang sigla ng career ni Jackie nang maghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Biboy Ramirez. Ano ang comment niya rito?

"Hindi naman. Ngayon lang talaga... Kumbaga, pana-panahon lang 'yan. Kung hindi ko pa panahon dati, hindi talaga ibibigay sa akin ng Diyos."

Naging balakid o problema ba ang lovelife niya noon sa pag-arangkada ng career niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi problema, e. Walang problema sa amin ni Biboy, e. Ang nangyari kasi... Wala naman sa kanya yung problema, wala rin sa akin. Nagkataon lang na hindi talaga kami para sa isa't isa."

Two months lang daw sila officially naging mag-on at mas mahaba pa raw ang ligawan stage nila ni Biboy. Okay ba ang naging paghihiwalay nila ni Biboy?

"Okay naman."

Naging friends ba sila after ng breakup?

"Hindi ko masasabing friends kami, pero maayos yung naging paghihiwalay namin. Ayokong magpaka-plastic, hindi na kami friends. Hindi ko masasabing nag-uusap pa kami hanggang ngayon or magka-text kami. Hindi na ganun. Sa totoo lang, ayoko pa siyang makita. Lahat kasi ng mga ex ko, ayoko nang makita, e."

Sa isang interview, hiningan ng reaksiyon si Biboy sa tsismis na umano'y pagbubuntis at pagpapalaglag daw ni Jackie. Sinabi ng aktor na kung totoo man na nagpalaglag si Jackie, siguradong hindi raw siya ang tatay ng baby. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ganun, talaga? Unang-una, hindi naman talaga ako nabuntis. Naging kami sa maikling panahon lang, so hindi ko alam kung ano yun... wala akong idea. Pero ayoko na ring masabit yung pangalan ko sa pangalan niya, kasi sobrang two years ago na. Kung gusto niyang gumawa ng pangalan, gumawa siya ng pangalan. Hindi yung gagawa siya ng isyu," matapang na sabi ni Jackie.

Hindi pa rin makapaniwala si Jackie na masasabi yun ng ex-boyfriend niya.

"Sinabi niya talaga yun?" tanong niya uli. "Kung totoo yun... if that's the case, kailangan ko siyang kausapin. Kasi bakit ganun, di ba? Hindi maganda, e."

Aawayin niya ba si Biboy?

"Hindi ko masasabi kung aawayin ko siya. Pero bakit kailangan niyang gumawa ng kuwento para mapag-usapan siya? At saka may girlfriend na siya kaya ayokong isabit yung pangalan ko sa pangalan niya. May girlfriend na siya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may gusto siyang sungayin ng sungay niya bilang Babaeng Demonyita, si Biboy ba iyon?

"Hindi, hindi, wala akong galit. Pero mali lang. Gusto ko lang itama yung mali. Yun lang yun," sabi niya.

Ano ang natutunan niya sa past relationship with Biboy?

"Huwag madaliin ang mga bagay-bagay. Natutunan ko rin na dapat mahalin ko ang trabaho ko at hindi ko pabayaan.

Sa ngayon daw ay walang lovelife si Jackie.

"Nakikipag-date ako, pero hindi yung magbo-boyfriend na kaagad. Ayoko nang mangyari yung nangyari dati na yun ang nauuna. Gusto ko munang karerin ang career muna ngayon."

May non-showbiz guy daw na madalas niyang ka-date ngayon, pero hindi niya pa raw ito boyfriend.

"Kinikilala ko pa rin siya. Although hindi kami madalas magkita kasi malayo siya."

ADVICE TO STARSTRUCK'S NEW BATCH. Samantala, may mga bagong artista na namang papasok sa showbiz dahil sa StarStruck V. Hindi ba siya na kinakabahan na baka mawala na naman ang atensiyon sa kanya ng network?

"Bakit naman may kaba?" balik-tanong niya. "Kasi para sa akin, happy ako para sa kanila. Marami na naman matutulungan ang GMA para matupad ang mga pangarap nila. So, walang kaba, walang inggit, walang sama ng loob. Kasi kung ako magtatayo ng business, gusto ko yung marami akong mabibigyan ng trabaho. Sa tingin ko, yun ang ginagawa ng GMA. May tiwala naman ako sa GMA na hindi nila ako pababayaan. Kaya nga nagbago na ako at mas focused na ako ngayon sa work ko."

Bilang ultimate winner, ano ang payo niya sa bagong batch ng StarStruck hopefuls?

"Dream, believe, survive. Payo ko lang sa kanila, huwag silang maging pasaway tulad ko. Kasi mahirap makabalik. Sobrang hirap makabalik. Pag nandiyan na yung chance na yun, huwag na nilang pakawalan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN