Angelika dela Cruz and Orion Casareo to wed in church on December 4

"Two years na kaming kasal ni Orion, at gagawin namin ito para sa blessing ng simbahan. Dapat last year, sinunod na namin yung church wedding. Kaso nga, nabuntis na ako. Dumagdag pa ang maraming commitments," says Angelika dela Cruz about her upcoming wedding.


Kasal na sa Huwes si Angelika dela Cruz sa mister nitong si Orion Casareo bago pa tuluyang lumaki ang tiyan ng aktres sa panganay nilang anak na si Gabby. Pero muling ikakasal sina Angelika at Orion this December 4 sa isang very private wedding ceremony na gaganapin sa isang simbahan sa Tagaytay.

"Although marami ring friends si Orion, at ako naman ay kilala sa showbiz, palagay ko, ang kasalan namin ay about us na primarily, not about other people. I'm sure maiintindihan yun ng mga nagmamahal sa amin kung strictly family affair ang kasalan, kasama ng pinakamalalapit naming kaibigan," paliwanag ni Angelika nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng PPL Entertainment last November 26.

Ang ilan lang sa kumpirmadong imbitado na taga-industriya sa kasal nina Angelika at Orion ay sina Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria, at Tanya Garcia—mga tunay na kaibigan ni Angelika at tatayong secondary sponsors sa kasalan.

"Two years na kaming kasal ni Orion, at gagawin namin ito para sa blessing ng simbahan," sabi ni Angelika. "Dapat last year, sinunod na namin yung church wedding. Kaso nga, nabuntis na ako. Dumagdag pa ang maraming commitments.

"Naku, humihiling na si Orion ng honeymoon! Ano naman ang maibibigay kong schedule diyan? Busy ako sa kate-taping. Pag natapos siguro ang Kaya Kong Abutin ang Langit, pero sa January pa nga matatapos!" napapailing at natatawa sa pagpapatuloy ang aktres.

Si Alex Pigao ang nag-design ng kanyang wedding gown. Butterscotch ang motif, at siya lang ang nakaputi. Si Inno Sotto naman ang nagdisenyo ng cake para sa Goldilocks.

Nang makausap namin si Angelika, hindi pa niya nagagawa ang wedding vows niya, samantalang matagal nang naisulat ni Orion ang sa kanya.

"Paano naman ako magnanamnam? Ang kinakabisa ko sa taping, pagkakahaba-habang linya," sabi niya.

Eight months old ang anak nilang si Gabby at may mga ngipin na raw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, kasa-kasama na nga naming nagsu-swimming!" bulalas ni Angelika. "Masarap maging mommy. Ang kamukha ng anak ko, si Mika, yung sister ko. Mas maputi nga lang si Gabby. Mestizo. Mas maputi pa sa akin. Nakakapagsalita na nga. Nasasabi na niya ang 'Mama' at 'Papa.'"

Speaking of Mika, kagagaling lang ni Angelika sa Macau para samahan ang kapatid na isa sa mainstays ng kiddie gag show na Goin' Bulilit.

"Nag-PA [production assistant] ako kay Mika kasi hindi puwede ang mommy ko," kuwento ni Angelika. "Noong nasa Macau naman ako, doon gumawa si Orion ng wedding vows. Hindi ko nga puwedeng basahin, e. Yung gown nga na isusuot ko, ni ayoko munang tingnan. Bawal nga raw isukat before the wedding day."

Mababasa ang buong kuwento ng pag-ibig nina Orion at Angelika sa Facebook account ng aktres.

"December 4, 2005, naging kami. December 4, 2006, nag-propose siya. After a few months, civil wedding na. After three years, hayan na ang church wedding. Hindi nga ako mapagkatuloy sa excitement," lahad ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN