Sarah Lahbati considered the biggest threat by other female StarStruck V hopefuls

Half-Moroccan, half-Pinoy Sarah Lahbati is one of the early favorites in this year's batch of StarStruck. In fact, most of the female hopefuls picked her as their biggest threat in the competition.


Pinili ng halos lahat ng female hopefuls ng StarStruck V si Sarah Lahbati nang tanungin kung sino sa palagay nila ang biggest threat sa kanila.

Hindi naman nakapagtataka dahil at 16, stunning ang beauty ni Sarah and she really stands out.

Ano ang pakiramdam niya na siya ang pinili ng karamihan ng StarStruck V girls na posibleng threat sa kanila?

"Nakakataba po ng puso," sagot ni Sarah. "Pero siyempre po, hindi ibig sabihin na wala na, relax na, upo na. It's more challenging and just keep in your mind to stay humble and don't forget na challenge ito, nakikipaglaban ako, and sa sarili ko rin, to be a better me."

Ang unang reason daw talaga ng pag-uwi niya sa Pilipinas ay dahil sa evangelical mission ng Christian church nila sa Geneva, Switzerland noong July.

"Umuwi po ako rito para magbakasyon. Yung church po namin na nasa Geneva, umuwi po kami rito for an evangelical concert. Yung church po namin, Come To Jesus Fellowship, tapos po ang evangelical concert po namin ay sa iba't ibang parte ng Philippines—like Marinduque, Pangasinan—para tumulong," kuwento ni Sarah.

Sa unang pagkakataon ay iniharap sa entertainment press ang Final 14 ng StarStruck V, kabilang na nga si Sarah, sa grand presscon ng reality-based artista search ng Kapuso network na ginanap kagabi, November 30, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Mga Filipino raw ang members ng church nila sa Geneva and some are half-Pinoy tulad niya, kaya naman ang Pilipinas ang isa sa napili nilang bansa para sa kanilang evangelical mission.

Sarah is half-Moroccan and half-Filipino. Ang daddy niya ang Moroccan at taga-Bicol naman ang kanyang ina. Sa Switzerland ipinanganak at lumaki si Sarah.

"Pabakasyon-bakasyon lang po ako dito sa Pilipinas," banggit ni Sarah. "Pero noong younger po ako, around eight years old po ako, nag-aral po ako dito. Natuto po ako noong mag-aral ako dito for two years."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin na kahit hindi dito sa bansa lumaki si Sarah, fluent pa rin siya sa pagsasalita ng Filipino.

Paano na ang pag-aaral niya ngayon?

"Kung ito talaga ang gusto ko, I have to give up some stuff like school. Pero hindi ibig sabihin na hindi na rin ako mag-aaral. Siyempre po, kapag may time rin, home study," sagot ng aspiring actress.

Malaking bagay rin daw ang pagiging aktibo niya sa church dahil dito naman siya na-train sa singing.

"Kapag prayer meeting namin, kumakanta po ako sa church, especially kapag na-assign po ako."

Tungkol sa StarStruck naman, dati na raw niya itong naririnig, pero ang mommy raw niya ang nag-advise sa kanyang mas maganda na i-pursue niya yun kapag mas mature na siya.

"Noong malaman ko po na may StarStruck V, nasabi ko na maybe this is my time. At sinabi nga rin po ng kuya ko, i-try ko ang StarStruck. Mag-decide na lang daw po ako kung gusto kong umuwi at bumalik ng Switzerland," sabi niya.

Feeling daw niya, ipinanganak pa lang siya ay gusto na niyang mag-artista.

Masaya rin si Sarah dahil kahit ang daddy niya ay supportive sa pangarap niya.

"Sobrang supportive po niya na basta happy ako, happy rin siya."

Naiyak daw si Sarah sa tuwa nang i-announce ang pangalan niya na kasama sa Final 14. Isa raw sa mga una niyang ginawa ay ang tawagan ang mga magulang niya sa Switzerland.

"Si Mama po, sigaw nang sigaw nang tawagan ko. Siyempre po, alam po niya na ito ang gusto kong gawin. Siyempre po, ang isang ina naman kapag na-achieve ng anak ang gusto niya, siyempre po, magiging masaya siya."

Sa mga local celebrities, Sarah looks up to Rhian Ramos and Richard Gutierrez.

"First of all, Rhian is very young, pero magaling siya as an actress. Magaling umarte. At saka yun nga, bata pa lang siya, pero magaling na siya umarte. Si Richard naman po, marami na rin siyang experience. Ang family niya nasa showbiz and matangkad siya, goodlooking at magaling din na actor," sabi ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Among the StarStruck alumni, si Yasmien Kurdi naman daw ang pinakagusto niya.

"Half-Filipino rin siya at half-Filipina nga rin po ako. Si Yasmien po, nang mag-join siya sa StarStruck at manalo, sobrang nag-change na ang life niya. Ibang-iba na. Naging successful na sa mga ginagawa niya."

Tulad ni Yasmien, gusto rin ni Sarah na maging actress and singer at the same time.

CLICK HERE to meet the other StarStruck V Final 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN