StarStruck V finalist Ian Batherson gave up his studies to pursue a showbiz career

"Totoo yung sinasabi nila na I'm hungry na makita yung passion ko for this. Yung drive ko, kasi sobrang kapag competition na, seryoso ako. Kapag wala pang challenge, I joke around and be funny," says Ian Batherson.


Isa sa itinuturing na pinakamalakas ang dating among the male contestants sa StarStruck V ay ang Fil-American na si Ian Batherson. Aware din dito ang mga kapwa niya contestants kaya naman itinuturing si Ian bilang biggest threat sa kanila sa competition.

Pero ayon kay Ian, nasorpresa siya na ganun pala ang tingin sa kanya ng mga kasamahan niyang lalake sa Final 14 ng StarStruck V.

"Hindi ko talaga alam na ako yung bet nila. But I'm honored when they said na ako yung threat. I feel good. Totoo yung sinasabi nila na I'm hungry na makita yung passion ko for this. Yung drive ko, kasi sobrang kapag competition na, seryoso ako. Kapag wala pang challenge, I joke around and be funny," sabi ni Ian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presentation ng Final 14 ng StarStruck V last Monday, November 30.

Twenty years old pa lang si Ian. Isa siya sa models ng Mercator Model and Talent Management, na siya ring nangangalaga sa career nina JC Tiuseco, Akihiro Sato, Boom Labrusca, Victor Basa, Bruce Quebral, at Rocky Salumbides.

Six months pa lang daw siya sa pagmu-model, pero nakalabas na siya sa commercial ng Close-Up with KC Concepcion at Greenwich with Anne Curtis.

Pero bago pumasok sa modeling at ngayon sa StarStruck V si Ian, naging national tennis player daw siya sa Guam, kung saan naka-base ang kanyang pamilya.

Ian's father is in the military kaya lumaki raw siya sa iba't ibang lugar. Ilan sa mga bansang ito, bukod sa Pilipinas, ay Alaska, Hawaii, Guam, at Spain. Ian was born in Germany.

Sa lahat ng bansa na napuntahan na niya, bakit mas gusto niyang bumuo ng career dito sa Pilipinas?

"Kasi po, I lived here for one year noong eight years old ako. I love it here. I don't know why. I'm always drawn to the Philippines. Hindi ko po alam kung bakit," nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ian's father is American samantalang ang mother naman niya ay mula sa Iriga, Camarines Sur.

"My mom is here with me. She gave up her job because of me," sabi ni Ian.

Kailan niya na-realize na gusto niya palang mag-artista?

"Iniisip ko pa noong bata pa ako. Pero yung totoo, parang noong 16 years old ko. Nandoon ako sa airport, tapos in-approach ako ng talent manager. taga-Pilipinas pero nakalimutan ko ang pangalan niya kasi matagal na. Four years ago yun at sabi ng parents ko, hindi pa ako puwede kasi nag-aaral pa ako ng high school. Pero ever since I was 16, ito talaga ang gusto ko," kuwento ni Ian, na sinusubukan talagang magsalita ng Tagalog.

Sa mismong GMA Network Center daw mismo nag-audition si Ian for StarStruck.

Ano ang naramdaman niya nang tawagin siya as one of the Final 14 last Sunday night, November 29?

"Oh, I was called first," sabi niya. "Ang isip ko, hindi ako matatawag na first, tapos tinawag ako first. So, sobrang hindi ko ma-explain. Parang I was gonna cry, parang iiyak na ako. It was an awesome feeling!"

Dagdag niya, "I mean, for so long, I said to my parents, 'Gusto ko 'to. Ayokong mag-college muna.' And when they finally supported me, I am so happy."

Tumawag din daw siya sa daddy niya after ng announcement ng Final 14.

"Actually, sobrang proud nila na sabi nga nila, I gave up everything, I have to be here. So, to be in the Top 14, it's awesome."

Sino naman ang itinuturing niyang biggest threat among the other male contenders?

"Si Piero [Vergara, 16], he's so young. Maganda ang boses niya. So, konti pa siya ng age ko. Parang sobrang galing na niya, sobrang established na siya," sagot niya.

Ano naman ang masasabi niyang pinaka-edge niya over the other finalists?

"To be honest, meron akong unique look that I don't look like any other artista," nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLICK HERE to meet the Final 14 of StarStruck V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN