Rocco Nacino and Ian Batherson are early favorites among male contenders of StarStruck V

Ian Batherson (left) and Rocco Nacino are two of the seven male finalists in this year's batch of StarStruck hopefuls. Many are predicting that these two will be the top contenders for the title Ultimate Male Survivor.


This early ay may napipisil nang favorites ang entertainment press sa Final 14 ng StarStruck V. Among the seven male contenders, standout para sa karamihan sina Ian Batherson at Rocco Nacino. Hula pa ng ilan sa press, ang dalawang ito ang maglalaban para sa titulong Ultimate Male Survivor.

Walang duda na halos lahat ng mga pumasok sa Final 14 ngayong batch ng StarStruck ay mukhang artistahin talaga ang dating, pero tila mas lutang ang aura nina Ian at Rocco.

The other male contenders are Piero Vergara, Steven Silva, Enzo Pineda, Rye Burgos, and Sef Cadayona.

Si Ian ay isang Fil-American mestiso samantalang si Rocco naman ay may pagka-moreno.

Si Ian ay modelo samantalang Nursing graduate naman si Rocco.

Kung si Ian ay may exposure na sa modeling at maging sa TV commercials, ito naman ang unang sabak ni Rocco sa showbiz.

Sabay na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Ian at Rocco sa presentation ng Final 14 ng StarStruck V last November 30.

IAN BATHERSON. Dahil lumaki sa iba't ibang lugar sa mundo, partikular na sa U.S., medyo hirap pa sa pagsasalita ng Filipino ang German-born na si Ian Batherson. Pero hangga't makakaya niya ay nagsasalita si Ian ng Tagalog tuwing ini-interview siya para masanay siya nang husto.

Ian's father is American, samantalang ang mother naman niya ay tubong-Iriga, Camarines Sur. Sa Guam naka-base ngayon ang pamilya ni Ian, pero umuwi ng Pilipinas ang kanyang ina para samahan siya rito.

Ayon kay Ian, pansamantala niyang iniwan ang pag-aaral niya sa Guam para subukan ang kanyang kapalaran sa showbiz. Ang pag-aartista raw kasi talaga ang gusto niya.

"Parang noong 16 years old ko, nandoon ako sa airport, tapos in-approach ako ng talent manager. Taga-Pilipinas, pero nakalimutan ko ang pangalan niya kasi matagal na. Four years ago yun at sabi ng parents ko, hindi pa ako puwede kasi nag-aaral pa ako ng high school. Pero ever since I was 16, ito talaga ang gusto ko," sabi ng 20-year-old na si Ian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Six months ago ay nagsimula si Ian as one of the models of Mercator Model and Talent Management. Aside from ramp modeling, nakalabas na rin siya sa ilang TV commercials, gaya ng Close-Up with KC Concepcion and Greenwich pizza with Anne Curtis.

Sa announcement ng Final 14 ay ang pangalan ni Ian ang unang tinawag.

Kuwento niya, "I was called first. Ang isip ko, hindi ako matatawag na first, tapos tinawag ako first. So, sobrang hindi ko ma-explain. Parang I was gonna cry, parang iiyak na ako. It was an awesome feeling! I mean, for so long, I said to my parents, 'Gusto ko 'to. Ayokong mag-college muna.' And when they finally supported me, I am so happy."

Nang tanungin naman ang ibang male contenders kung sino ang biggest threat sa kanila, si Ian ang isa sa madalas na mabanggit. Ano ang pakiramdam niya rito?

"I never thought that they will vote for me," sagot niya. "But I'm honored when they said na ako yung threat. I feel good. Totoo yung sinasabi nila na I'm hungry na makita yung passion ko for this, yung drive ko. Kasi sobrang kapag competition na, seryoso ako. Kapag wala pang challenge, I joke around and be funny."

Bukod sa pagsasayaw ay tumutugtog din ng gitara si Ian.

ROCCO NACINO. Kung si Ian ay ikinukunsidera ng ibang male contenders na malaking threat, hindi naman nabanggit ninuman ang pangalan ni Rocco. Pero ipinagkikibit-balikat lamang ito ng 22-year-old showbiz hopeful.

"Habang tumatagal, dun ko po ilalabas yung potential ko," nakangiti niyang sabi.

Graduate ng Nursing si Rocco sa Mapua Makati. Tinapos lang muna raw niya ang kanyang pag-aaral bago siya sumabak sa showbiz dahil ang pag-aartista raw talaga ang gusto niya.

May experience na ba siya sa pag-arte?

"Bago po mag-StarStruck and after ko pong kumuha ng [Nursing] Board exam, nag-acting workshop po ako sa kabila [ABS-CBN], pero nagbayad ako," banggit ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi siya sa Star Magic nag-audition?

"Wala pong nagsabi sa akin, e!" tawa niya. "So, nagbayad po ako. Kasi gusto ko po talagang matutong mag-act... Actually, ongoing pa rin ang workshop ko, pero itinigil ko na dahil po sa schedule [sa StarStruck], hindi na ako makakasama."

Bakit sa StarStruck niya napiling sumali?

"Ito na yung pinakamagandang puwedeng salihan na... Pagkatapos po nito, for me, I believe na magiging artista ako," sagot niya.

Ang tunay na pangalan ni Rocco ay Enrico Rafael Nacino at ang palayaw niya ay Nico talaga. Pero hindi ipinagamit sa kanya ang kanyang pangalan dahil mayroong contestant mula sa Japan na may ganun ding pangalan—si Niko Umali. Ang StarStruck daw ang nagbigay sa kanya ng screen name na Rocco.

"Nanibago po ako, pero interesting. Pero nagustuhan ko," sambit ni Rocco sa kanyang screen name.

Bukod sa pagsasayaw, tumutugtog din si Rocco ng drums. Mahilig din daw siya sa contact sports.

GAY IN THE BATCH. Samantala, nakatuwaan namang itanong ng PEP kina Ian at Rocco kung sa pagkakaalam nila ay may bading sa kanilang batch? Pakiramdam kasi ng ibang entertainment press ay may dalawa raw sa male contenders ang may bahid ng kabadingan.

"Ako wala, parang wala," sagot ni Rocco.

Ayon naman kay Ian, "Sa Top 30, parang meron. Sa Top 14, parang wala... Merong dalawa ngayon?" nagtatatakang tanong pa niya.

"Baka tayo?" natatawa namang biro ni Rocco.

May nagbiro naman sa kanila na para mapag-usapan sila ay dapat ma-link sila sa isa't isa.

"Basta hindi totoo, okay lang 'yan!" sakay naman ni Ian, sabay akbay kay Rocco.

CLICK HERE to see photos of the Final 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN