Kris Bernal and Aljur Abrenica overwhelmed by GMA-7's support for their loveteam

"Masaya po ako. Pero at the same time, natatanong din namin sa sarili namin, 'Deserve na ba natin 'to? Kaya na ba natin 'to?' Yung GMA, sila ang nakakakita ng okay para sa amin. Sila ang nakakakita kung ano ang tama para sa amin. So, very happy ako na ibinigay nila sa amin 'to. And nakita namin kung paano nila kami inaalagaan. In return, gagawin din namin ang lahat para mag-rate yung show at mapaganda ang show," says Kris Bernal about her upcoming fantaserye with Aljur Abr


Naghahanda na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica para sa kanilang fantaserye na may working title na The Last Prince. Ito ang opening salvo ng GMA-7 sa primetime sa 2010.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dalawa, inamin nilang hindi talaga mawawala ang kaba sa kanila dahil sa malaking proyektong ibinigay sa kanila ng Kapuso network.

"Excited kami, pero at the same time kinakabahan," sabi ni Kris. "Kasi ito ang opening ng 2010 kaya kailangan naming pagbutihin, kailangan naming paghusayan. Pero masaya kami kasi talagang suportado kami ng GMA. At masaya kami na si Direk Mac Alejandre ang humahawak sa amin dahil talagang binabantayan ang acting namin, kilos namin, mga damit namin, looks namin... Alagang-alaga talaga kami."

Dagdag niya, "Masaya po ako. Pero at the same time, natatanong din namin sa sarili namin, 'Deserve na ba natin 'to? Kaya na ba natin 'to?' Yung GMA, sila ang nakakakita ng okay para sa amin. Sila ang nakakakita kung ano ang tama para sa amin. So, very happy ako na ibinigay nila sa amin 'to. And nakita namin kung paano nila kami inaalagaan. In return, gagawin din namin ang lahat para mag-rate yung show at mapaganda ang show."

Kung may maipagmamalaki man daw si Kris, ito ay kung paano nila alagaan ni Aljur ang loveteam nila. Hindi raw mawawala na kinabahan sila after their launching movie, pero masaya raw siya na buo pa rin ang tiwala sa kanila ng GMA-7.

Ani Kris, "Ang tagal naming inalaagan ang loveteam at ang tagal naming pinaghirapan. So, parang dito mo makikita na may second chance pa rin. Na hindi dun matatapos ang lahat."

So, ano ang mae-expect sa kanilang dalawa ni Aljur ngayon?

"Siguro ang masasabi ko, 'eto, ibang-iba talaga 'to sa lahat ng ginawa namin dahil fantasy nga siya," sabi ni Kris. "At ang character ko rito, talagang mahirap na mahirap na first time ko rin gagawin. And ang aabangan nila rito, yung character ko na medyo naging sensual ako. Nagpapakita ako ng skin. Pati pananalita ko, binabago ko, lahat! So, abangan na lang nila ibang character ko na makikita nila sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALJUR IS EXCITED. Para naman kay Aljur, mas matimbang daw ang excitement sa kanya dahil nakikita niya kung gaano kabongga ang production na ginagawa sa bago nilang series.

"Very happy and, so far, sa StarStruck na batch, kami pa lang ni Kris ang magkakaroon ng primetime na sariling pagsisikatin namin. So, kakaiba. At kakaiba rin po ito sa mga previous soap na ginawa namin kasi fantasy siya. At first time naming gagawin 'to."

Dahil ang primetime series nila ang unang pasabog ng GMA-7 sa 2010, naramdaman ba nila lalo ang tiwala sa kanila ng network?

"Siyempre po," pagsang-ayon ni Aljur. "At mas grabe pa po ang kaba ngayon kasi po kami ang magbubukas ng taon. Sobra-sobra. Hindi ko alam kung magkano ang nagastos nila. Pero sa nakikita ko, ipinagawa nila ang palasyo. Yung mga bigating artista... Talagang pinagkagastusan po ng GMA at malaking pera ang inilabas dito. So very pressured kami. At the same time, excited kami sa kakalabasan nito because alam po namin ni Kris, we're making a good show."

Sila na rin ni Kris ang nagsasabi noon na ang launching movie nila could make or break them. Pero naapektuhan nang husto ang launching movie nilang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo dahil sa bagyong Ondoy kaya hindi ito naging matagumpay sa takilya.

Nagkaroon ba sila ng kaba na baka matagalan bago sila mabigyan muli ng follow-up TV series na sila ang bida?

"Actually, hindi po ako natakot," sagot ni Aljur. "Kasi sa nakapanood naman po ng movie namin, marami po ang nagsabi na maganda. Kami ni Kris, kahit ganoon ang nangyari, ibinigay namin ang lahat ng makakaya namin—pagod, hirap, sacrifice na hindi namin makita ang family namin. Nag-stay kami sa Bohol for two weeks. At saka nasabay siya ng kalamidad, so naiintindihan naman ng lahat yun."

Dito sa Last Prince, isang prinsipe ang role ni Aljur. Sexy prince ba siya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa muna siya bago sumagot. Aniya, "Hindi naman sexy-sexy, pero typical na prinsipe na nakikita natin at yun po ang makikita nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN