Stef Prescott says her boyfriend is a Nursing student, not rich businessman

Young actress Stef Prescott is part of the cast of Ang Panday, an entry to this year's Metro Manila Film Festival. She plays Ditas, the slave of Lizardo (Phillip Salvador).


Sa presscon ng 2009 Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday kahapon, December 3, itinanggi ni Stef Prescott ang balitang isang milyonaryong negosyante ang boyfriend niya ngayon.

"Ay, hindi a! Ang boyfriend ko, non-showbiz. Taga-La Union po ang boyfriend ko. Kaklase ko siya dati nung first year ako... Ay, hindi pala classmate, schoolmate ko dati siya sa La Union," paglilinaw ni Stef.

Limang buwan na raw ang relasyon nila ng kanyang boyfriend, isang Nursing student.

"Five months na kami, pero matagal na kaming magkakilala. Nag-aaral pa lang ako ng high school sa La Union, hindi pa ako nagso-showbiz."

Bakit ngayon lang sila naging mag-on?

"Ngayon lang kami nagkita ulit, noon lang Holy Week last year. So, yun, naging friends kami. Parang nag-acquaintance ulit, tapos ano, niligawan niya ako," kuwento ng StarStruck 4 alumna.

Hindi rin daw totoo na nagkaroon siya ng karelasyon na anak ng isang may mataas na posisyon sa Pagcor.

"Ay, hindi po. Si Rafa [Francisco], kaibigan ko lang yun. Kasi dati nung prom niya, ako yung date niya. Pero wala po kaming relasyon, magkaibigan lang po kami," giit ng 18-year-old actress.

ANG PANDAY. Inilarawan naman ni Stef ang role niya sa Ang Panday, ang pelikula ng GMA Films at Imus Productions na pinagbibidahan ni Bong Revilla.

"Ang role ko dito ako po si Ditas, parang alipin ni Lizardo. Tapos ang ka-loveteam ko dito, si Paulo Avelino."

Wala siyang fight scene sa pelikula, pero matindi raw ang mga eksena nila ni Phillip Salvador na siyang gumaganap na Lizardo.

"Si Lizardo, makikita ninyo kung ano ang gagawin niya sa akin. Panoorin ninyo. Makikita ninyo kung gaano siya kasama dito," sabi ni Stef.

Karangalan daw para sa young actress na makatrabaho ang isang Phillip Salvador for the first time.

"Sobrang nakakanerbiyos sa una," sambit ni Stef. "I was really nervous at first nung nalaman ko na isang Phillip Salvador ang magiging Lizardo. Naisip ko, grabe, Phillip Salvador siya na sobrang andami na niyang nagawang pelikula, napakalaking artista niya. Tapos nung na-meet ko siya on the set, he was so nice and so humble and down to earth. Hindi mo maiisip na Phillip Salvador siya. Na ganun na nakatatak ang pangalan niya sa showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time din ni Stef to work with Sen. Bong Revilla, na gumaganap na Panday sa pelikula.

"With Senator Bong, sobrang... Every time he walks into a room, I'm like, 'Wow, grabe! Na-starstruck ako! Wala kaming eksena, pero napapanood ko lagi yung mga eksena nila ni Ms. Iza [Calzado], nagkakasama kami sa set, nakaka-starstruck siya talaga, sobra!"

Kasama rin sa Ang Panday sina Rhian Ramos, Geoff Eigenmann, Buboy Villar, Jorge Estregan Jr., Gladys Guevarra, Carlos Morales, Carlene Aguilar, at John "Sweet" Lapus. Ito ay mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN