Bong Revilla heaves a sigh of relief with the showing of Ang Panday in MMFF 2009

"Akala ko, talagang hindi maipapalabas, e. Pero naniniwala pa rin ako deep inside na, 'Hindi, lalabas 'yan, 99 percent.' Positive thinker ako, e. Kahit na 40 percent lang ang chance namin na lumabas. Biglang na-reverse siya. Talagang laking tuwa ko, napasigaw ako!" says Bong Revilla about the decision of Comelec to allow his movie, Ang Panday, to be shown at this year's Metro Manila Film Festival.


Muntik nang hindi makasama sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang Ang Panday ng Imus Productions and GMA Films dahil sa pagtakbong muli ng bida ritong si Ramon "Bong" Revilla Jr. sa Senado. Pero nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na ipalabas ang Ang Panday, at maging ang Wapakman ni Manny Pacquiao na tatakbo namang congressman sa Sarangani Province. (CLICK HERE to read related story.)

Pero maging ang MMFF committee ay naniniwalang malaking bentahe sa box-office ang Panday kaya nakakapanghinayang kung hindi ito makasama sa mga pelikulang ipalalabas sa taunang filmfest.

Sa press conference ng Ang Panday kahapon, December 3, ipinahayag ni Bong ang kanyang kasiyahan sa naging desisyon ng Comelec na ipalabas sa MMFF 2009 ang kanyang pelikula.

"Kinabahan ako, siyempre. Akala ko, talagang hindi maipapalabas, e. Pero naniniwala pa rin ako deep inside na, 'Hindi, lalabas 'yan, 99 percent.' Positive thinker ako, e. Kahit na 40 percent lang ang chance namin na lumabas. Biglang na-reverse siya. Talagang laking tuwa ko, napasigaw ako!" masayang kuwento ni Bong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

"PANLABAN ANG PANDAY." Bukod sa Ang Panday at Wapakman, ang iba pang entries sa MMFF ngayon taon ay ang mga sumusunod: Ang Darling Kong Aswang nina Vic Sotto at Cristine Reyes;Mano Po 6 ni Sharon Cuneta; Shake, Rattle & Roll XI nina Mark Anthony Fernandez, Maja Salvador, Ruffa Gutierrez, Zoren Legaspi, Jennica Garcia, Rayver, at iba pa; I Love You Goodbye nina Gabby Concepcion, Angelica Panganiban, at Derek Ramsay; at Nobody, Nobody... But Juan ni Dolphy.

Anong pelikula sa tingin ni Bong ang posibleng maging mahigpit na kalaban ng Ang Panday?

"Well, marami ring magaganda. Nandiyan yung kay Vic Sotto, nandiyan yung Shake, at yung iba pa... yung kay Pacman. Actually, magaganda yung pelikula na lalabas, so sana panoorin na lang lahat," sagot niya.

Pero nararamdaman naman daw ni Bong na may laban ang Panday pagdating sa box-office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tingin ko, yes... Sa award, maraming hahakuting awards ito. Pang-Best Picture din, I guess. Box-office... In all angles, I guess, panlaban itong Panday."

Puwedeng sabihin na pinakamatagal na ginawa among the filmfest entries this year ang Ang Panday dahil December last year pa lang ay may ipinakita na silang teaser ng pelikula. Very impressive din ang special effects na ginamit sa movie na makikita sa trailer pa lamang.

Ayon kay Bong, nasa P60 to P70 million na raw ang nagagastos nila so far for the movie.

Si Iza Calzado ang leading lady ni Bong sa Ang Panday. How was it working with Iza?

"Kay Iza, bilib ako sa kanya. Napakagaling niyang umarte, napaka-professional. Even Rhian [Ramos]. Iba rin talaga ang training kapag sa telebisyon," sabi niya.

Kapansin-pansin na hindi yata siya na-link sa leading lady niya ngayon?

"Matagal na akong hindi nali-link sa leading lady ko!" natatawa naman niyang sabi.

SUSAN'S PERMISSION. Although si Carlo J. Caparas ang may-akda ng Ang Panday, ayon kay Bong ay humingi din siya ng pahintulot sa biyuda ni Fernando Poe Jr. na si Ms. Susan Roces para sa remake ng movie. Si FPJ ang orihinal na gumanap ng character na Flavio sa apat na Ang Panday movies.

"Bago rin mamatay si Ninong Ronnie [FPJ], ito yung parang sabi niya sa akin noong huli naming pagkikita, ha... 'That's yours. Panday, that's yours.' Kaya ang dami ng... Ilang taon na siyang wala, pero parang there's something missing. Sabi ko, parang I need to do Panday. Parang may kulang ako na ipinangako sa kanya na dapat ko rin i-fulfill. At ito nga ay ang gawin ang pelikula. Kaya ito, parang tribute to the King," saad ni Bong.

Isa ba sa pangarap niya talagang role ay ang Panday?

"Oo, oo," mabilis niyang sagot. "Nakagawa na ako ng Dugo ng Panday. It took me seven years para ligawan si Ninong Ron na magawa ko yun, na payagan niya ako, na ganoon katagal. Pero nagpapasalamat din ako kay Carlo J. Caparas na pumayag siya na gawin itong Panday. At ano yun, free, walang bayad. Hindi siya naningil. Kaya saludo rin ako kay Carlo J."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

2010 ELECTIONS. Kinuha rin ng PEP ang pahayag ni Bong tungkol sa nalalapit na eleksiyon.

"Tingnan natin, masyado nang mabilis ang changes sa pulitika. Ngayon, malakas itong isa, bukas iba naman. So, yung turn of events, napakabibilis. We don't know who will be the next President. Nobody can claim na malakas siya ngayon, bukas, e, malakas pa rin siya. Puwedeng magbago. So, napaka-fluid ng sitwasyon. So, this is anybody's ball game," saad niya.

Senator pa rin ang tatakbuhin ni Bong, contrary sa mga unang naglabasan that he will run for Vice President. Umaasa ba siyang makuha ang No. 1 position sa senatorial race next year?

"Ang makakapagsabi naman niyan ay yung performance natin sa Senado, na hindi tayo nagpabaya. Ginawa natin ang... You can just imagine na nakapagpasa na tayo ng 74 [bills]. Yun ang sa ngayon na bills na batas na ngayon. Nakapag-file tayo ng more than 500 bills. So, hindi nila matatawaran kung ano ang nagawa natin sa Senado," sabi ni Bong.

Pero aniya, "Sa ngayon, e, sa festival muna tayo. Mag-number one muna tayo sa filmfest!"

Wala ring epekto kay Bong kung may mga birada raw sa kanya mula sa kampo ni Hayden Kho. Masaya raw siya sa naging desisyon ng Philippine Regulation Commission (PRC) na tanggalan ito ng lisensiya bilang doktor dahil sa pagkakasangkot nito sa sex-video scandal.

"Natutuwa ako, siyempre. At least, nakita natin na may hustisya pa rin," sambit ni Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN